Handa sa Bawat Sitwasyon
Namasyal kami ng aking pamilya sa bansang Roma para doon ipagdiwang ang kapaskuhan. Napakaraming tao sa lugar kung saan kami naroon. Habang sinusubukan naming makalabas mula sa kumpol-kumpol na mga tao upang magpunta sa iba pang mga pasyalan, paulit-ulit kong sinabi sa mga anak ko na maging handa o alerto. Dapat maging alerto sila kung nasaan sila, kung sino ang nasa…
Hindi Maipaliwanag
Naghanda ng isang sorpresa para sa kaarawan ng aking anak ang aming mga kapwa sumasampalataya kay Jesus. Naglagay sila ng maraming lobo sa kanyang Sunday School room at inilagay ang cake sa isang maliit na mesa. Nang buksan ng anak ko ang pinto, sabay-sabay na sumigaw ang lahat, “Maligayang Kaarawan!”
Habang hinahati ko ang cake, lumapit sa akin ang anak ko…
Pinahiram na Pagpapala
Minsan, magkasama kaming kumain ng kaibigan kong si Jeff. Nanalangin siya, “Panginoon, salamat po dahil hinahayaan N’yong langhapin namin ang hangin at kainin ang pagkain na mula sa Inyo.” Kamakailan lang ay nawalan ng trabaho si Jeff kaya lubos akong naantig sa taos-puso niyang pagkilala na ang Dios ang nagmamay-ari ng lahat. Naisip ko tuloy kung naiintindihan ko ba talaga na…
Tulad ng Bulaklak
Dalawang buwan pa lang ang pinakabata kong apo pero may napapansin na akong maliliit na pagbabago sa tuwing nakikita ko siya. Minsan, tumingin siya sa akin at ngumiti. Naiyak ako bigla. Hindi ko iyon maintindihan. Marahil, naiyak ako sa saya na may halong pangungulila dahil naalala ko ang mga anak ko noong bata pa sila. Ilang taon na ang nakakalipas pero…
Malikhaing Manlilikha
Hindi ko maiwasang mamangha sa isang uri ng ‘di-pangkaraniwang jellyfish habang pinapanood ko ang isang programa sa National Geographic. Umiilaw ang katawan nito na may iba’t ibang kulay at tila sumasayaw sa kailaliman ng dagat sa Baja, California. Tinatawag itong Halitrephes maasi jellyfish. Naisip ko kung paano pinili ng Dios na ganoon ang pagkakalikha Niya sa napakagandang jellyfish na iyon. Ang…
Tanda ng Pagkakaibigan
Noong bata pa ako, masaya ako kapag magkahawak kami ng kamay ng tatay ko. Sa kultura ng mga taga Ghana, tanda ng tunay na pagkakaibigan ang paghahawak-kamay. Talagang pinapahalagahan ko ang samahan namin ng tatay ko. Sa tuwing nalulungkot ako, pinapagaan niya ang aking loob.
Tinawag ni Jesus na kaibigan ang Kanyang mga tagasunod at ipinakita sa kanila ang mga tanda…
Pag-asa
Sumisikat ba ang araw sa may silangan? Kulay asul ba ang langit? Maalat ba ang dagat? Ang atomic weight ba ng cobalt ay 58.9? Maaaring ang isang dalubhasa sa siyensa lamang ang makakasagot sa huling tanong. Para namang nanunuya ang pagkakatanong sa mga unang tanong dahil kitang-kita naman na “oo” ang sagot sa mga ito.
Maaaring maisip natin na may panunuya…
Laging Kasama
Si Michael ay sumasampalataya kay Jesus. Nang magkaroon ng malubhang sakit ang asawa niya na hindi pa mananampalataya, nais ni Michael na maranasan din nito ang kapayapaang mayroon siya kay Cristo. Pero kahit ipinahayag na ni Michael sa kanyang asawa ang tungkol kay Jesus, hindi ito naging interesado. Minsan, may nakitang libro si Michael na may pamagat na, God, Are You…
Natutupok
Sa isinulat na libro ni Os Guinness na pinamagatang The Call, ikinuwento niya ang pangyayari kung saan ang dating prime minister na si Winston Churchill ay nakaupo sa tabi ng isang fireplace. Habang pinagmamasdan ni Winston ang mga natutupok na sanga ng puno, sumasagitsit at luma-lagutok ang mga ito. Sinabi niya, “Alam ko ang pakiramdam ng natutupok.
Tila natutupok tayo sa…
Payapang Isipan
Si Jerry Kramer ay isang magaling na manlalaro ng football. 45 taon ang ginugol niya sa pagiging atleta. Marami na siyang natanggap na parangal pero ang pinakamataas na parangal na iginagawad para sa isang manlalaro ng football ay naging mailap para sa kanya. Sampung beses na siyang naging nominado sa parangal na iyon pero hindi pa rin naigawad sa kanya. Gayon…