Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pinakamagandang Regalo

Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa kaibigan kong si Barbara ay ang Biblia. Sinabi niya sa akin, “Mas lalo kang mapapalapit sa Dios kung maglalaan ka ng oras sa Kanya sa bawat araw sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, pananalangin, pagtitiwala at pagsunod sa Kanya.” Nagbago ang aking buhay simula nang hikayatin ako ni Barbara na mas kilalanin…

Manlilikha at Tagapangalaga

Ang Swiss na si Philippe ay gumagawa ng mga relo. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano niya masusing hinihiwalay, nililinis at muling pinagsasama-sama ang maliliit na bahagi nito. Ipinakita niya rin sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng isang relo, ito ay ang tinatawag na mainspring. Sinabi ni Philippe na kung wala ito, hindi gagana ang kahit na anong relo.

Tinatalakay naman…

Magsilbing Ilaw

Namulat ang aming mga isipan nang pumunta kami sa isang mahirap na lugar sa bansang Kenya noong 2015. Kasama ko noon ang mga kapwa ko sumasampalataya kay Jesus. Bumisita kami sa isang eskuwelahan kung saan madumi ang sahig at kalawangin ang dingding na yari sa metal. Sa kabila ng ganoong paligid, nangibabaw ang gurong si Brilliant.

Bagay na bagay kay Brilliant…

Pinalilibutan ng Dios

Sa isang paliparan, makikita ang isang nanay na buntis at kasama ang kanyang anak na nagwawala. Nagsisisigaw ang bata, sipa ng sipa at ayaw sumakay ng eroplano. Dahil sa pagwawala ng bata at sa hirap ng kanyang kalagayan sa pagiging buntis, naiyak na lamang siya.

Habang nasa sahig at umiiyak, pinalibutan sila ng mga anim o pitong kababaihan na hindi…

Pag-alala sa Aking Ama

Madalas na nasa labas ng bahay ang tatay ko noon at laging may ginagawa tulad ng pagmamartilyo at pagtatanim ng halaman. Kung wala naman siya sa labas, makikita siya sa kanyang kuwarto na puno ng kanyang mga gamit at abala sa iba’t ibang gawain. Kaya kapag inaalala ko ang aking ama, iyon ang naiisip ko sa kanya. Lagi siyang abala sa…

Nakatakip ang Tainga

Sinabi ng cartoon character na si Winnie the Pooh, “Kung ang kausap mo ay parang hindi nakikinig sa sinasabi mo, pagpasensyahan mo na lang. Baka may maliit na tela na nakapasak sa kanyang tainga kaya hindi ka niya marinig.”

Kapag may ayaw makinig sa iyo kahit na makakabuti para sa kanila ang ipinapayo mo, baka tulad sila ng sinasabi ni Winnie…

Aani ng Gantimpala

Minsan, naglakad-lakad kami ng kaibigan ko kasama ang kanyang mga apo. May suot siyang tracker kung saan naitatala ang bilang ng kanyang mga hakbang. Pero hindi naitala noon ang mga hakbang niya dahil hawak niya ang stroller ng kanyang apo at hindi niya maikampay ang kanyang mga kamay. Sinabi niya na nasayang lang ang paglalakad niya at hindi niya makukuha ang inaasam…

Awiting Espirituwal

Noong panahon ng Welsh Revival, inilarawan ng tagapagturo ng Biblia at manunulat na si Campbell Morgan ang kanyang napansin tungkol sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga papuring awit. Isinulat niya na dahil sa musika, ang mga sumasampalataya kay Jesus ay nauudyukang manalangin, humingi ng tawad sa Dios at patuloy na umawit. Ito ang nagbubuklod sa kanila tuwing…

Nakatago sa Ulap

Noong Nobyembre 2016, mas naging malapit ang buwan sa mundo. Bihira lang mangyari ang supermoon kung saan mas mukhang malaki at mas maliwanag ang buwan. Hindi ko naman ito nasilayan kung saan ako naroon pero nakita ko naman ang mga larawan ng napakagandang buwan na kuha ng mga kaibigan kong nasa iba’t ibang lugar. Habang nakatanaw ako noon sa langit, alam…

Paghihiganti

Si Malcolm Alexander ay nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Hindi siya naipagtanggol ng kanyang abogado at kahina-hinala ang mga imbestigasyong ginawa laban sa kanya. Noong Enero 30, 2018, sa wakas ay nakalaya na siya dahil napatunayang wala talaga siyang kasalanan. Sa kabila ng halos 4 na dekadang pagkakakulong, sinabi niya na hindi siya dapat magalit at sayang ang oras…