Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Isantabi at Magpatuloy

Naalala ko ang payong ibinigay sa akin ng kaibigan kong tagapagbalita sa radyo. Sinabi niya, “Matuto ka sa mga punang sinasabi sa iyo at tanggapin mo ang mga papuri nila. Pero pagkatapos, isantabi mo ang mga ito at magpakumbabang magpatuloy sa tulong ng kapangyarihan at kagandahang-loob ng Dios.” Natutunan ito ng aking kaibigan noong nagsisimula siya sa kanyang trabaho. Hindi niya…

Tumatatag sa Pananalangin

Marami ang nagbago sa buhay ng aking kaibigang si David nang magkaroon ng sakit na Alzheimer’s ang kanyang asawa.

Minsan, sinabi sa akin ni David na nagagalit siya sa Dios. Pero sa tuwing nananalangin daw siya, ipinapakita naman ng Dios ang kanyang pagiging makasarili at mga pagkukulang sa asawa niya. Umiiyak niyang ikinuwento sa akin na sampung taon nang may sakit ang…

Magbigay ng Lakas ng Loob

Lumalakas ang aking loob sa tuwing nagpupunta ako sa gym. Napapalibutan kasi ako sa lugar na iyon ng mga taong nagsusumikap din na lumakas at maging malusog ang kanilang katawan. May karatula din doon na nagpapaalala na huwag tayong manghusga ng kapwa. Sa halip, magbigay tayo ng mga salitang nakakapagpapalakas ng loob sa ating kapwa. Gayundin ang pagpapakita natin ng ating…

Gumawa ng Mabuti

“Estera, may dumating na regalo para sa iyo na galing sa Tiya Helen mo,” sigaw ng aking ina. Dahil hindi naman kami mayaman, maituturing kong pangalawang pasko ang regalong iyon. Naramdaman ko ang pagmamahal, pagmamalasakit at pagpapahalaga sa akin ng Dios sa pamamagitan ni Tiya Helen.

Ganito rin marahil ang naramdaman ng mga biyudang tinulungan ni Tabita o Dorcas. Nagtitiwala kay…

Matulog

Naitala sa Guinness Book of World Records ang ginawa ni Randy Gardner. Hindi siya natulog sa loob ng 11 araw at 25 minuto. Nagawa ito ni Randy sa tulong ng paginom ng softdrinks, paglalaro ng basketball at bowling. Makalipas ang ilang dekada, nagkaroon si Randy ng matinding problema sa pagtulog. Naitala man ang ginawa ni Randy sa hindi niya pagtulog, naging…

Hindi Nakilala

May biglang tumapik sa balikat ko habang nasa pila ako pasakay ng eroplano. Paglingon ko, masaya niya akong binati, “Elisa! Kumusta? Ako ito, si Joan! Naaalala mo?” Napaisip ako bigla. Inaalala ko kung sino siya. Dati bang kapitbahay o dating katrabaho? Hindi ko talaga siya makilala.

Nahalata niya na hindi ko siya maalala. Kaya naman, sinabi niya, “Nagkakilala tayo noong high…

Ang Labanan

Sa gitna ng labanan at pagputok ng mga kanyon, taimtim na nanalangin ang isang batang sundalo, “Panginoon, kung makakaligtas po ako dito, mag-aaral po ako sa Bible school.” Dininig naman ng Dios ang kanyang panalangin. Nakaligtas ang aking ama sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaya naman, nag-aral siya sa Moody Bible Institute at iginugol ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Dios.

May…

Nakikita ng Dios

Isa akong nearsighted. Ibig sabihin, ang malalapit na bagay lamang ang aking malinaw na nakikita. Kaya naman, nagulat ako nang matanggap ko ang una kong salamin sa mata. Nakikita ko na kasi nang malinaw ang lahat tulad ng nakasulat sa pisara, ang maliit na dahon sa puno at ang magagandang ngiti ng mga tao kahit malayo.

Nang ngitian naman ako ng…

Ipagmalaki

Noong 1960s, may sumikat na kakaibang obra na tampok ang mga tao o hayop na mayroong malulungkot at malalaking mata. Si Margaret Keane ang lumikha ng mga obrang iyon. Ibinibenta naman ng kanyang asawa ang mga nilikha niya. Dahil doon, naging masagana ang buhay nila. Hindi inilalagay ni Margaret sa kanyang mga obra ang mismo niyang pangalan. Kaya naman, inangkin at…

Mamuhay sa Liwanag

Minsan kinailangan kong magmaneho ng gabi. Galing kasi kami ng katrabaho ko sa isang malayong lugar para tapusin ang isang trabaho. Medyo malabo na ang aking mga mata kaya may pag-aalinlangan akong magmaneho sa gabi. Pinili ko noon na mauna nang magmaneho. Habang nagmamaneho, napansin kong mas nakikita ko ang daan kapag naiilawan ito ng ibang sasakyan na nasa likod.

Nahihirapan…