Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

TANGING ANG BANAL NA ESPIRITU

Tinanong ang siyamnapu’t-apat na taong-gulang na iskolar ng Biblia na si Jürgen Moltmann tungkol sa isinulat niyang libro tungkol sa Banal na Espiritu. “Paano mo papaganahin ang Banal na Espiritu? Sa pag-inom ng tableta? Mayroon ba niyan sa botika?” Tumaas ang kilay ni Moltmann. Nakangiti siyang umiling at sinabi, “Ano ang magagawa ko? Wala. Hintayin lang ang Espiritu, at darating…

MALAKI KAHIT MALIIT

Makakapasok kaya ako sa Olympics? Iyan ang pangamba ng isang manlalangoy dahil mabagal siyang lumangoy. Pero inaral ni Ken Ono, isang guro sa matematika, ang pamamaraan niya sa paglangoy. Nakita ng guro na puwedeng bumilis ang manlalangoy ng anim na segundo—na malaking bagay sa ganoong paligsahan. Kinabitan ni Ono ng pansuri ang likod nito at tinukoy ang ilang maliliit na bagay…

SI JESUS ANG SAGOT

Nakakatuwa ang kathang isip na kuwentong ito. Matapos daw magturo ni Albert Einstein tungkol sa isang paksa, sinabi ng drayber niya na sa daming beses na niya itong narinig, kaya na niyang siya mismo ang magturo noon. Sabi ni Einstein na magpalit sila ng puwesto sa kasunod na kolehiyo dahil wala pa namang nakakita sa larawan niya roon. Naging mahusay…

LAHAT PARA KAY JESUS

Isinama si Jeff ng nanay niya para panoorin ang konsyerto ng sikat na mang-aawit na si B.J. Thomas. Gaya ng ibang musikero noong panahon niya, nalulong din si B.J. sa mapanirang pamu- muhay habang naglilibot para magkonsyerto. Pero nabago ang buhay niya nang naging tagasunod ni Jesus silang mag-asawa.

Sa konsyerto, nagtanghal siya sa harap ng masasayang manonood. Matapos awitin…

PINAGPALANG NAKAGAWIAN

Minsan, habang nakikita kong napupuno ng tao ang tren, dama ko ang lungkot na madalas maramdaman ng marami tuwing Lunes. Kita sa mga antok at tila aburidong mukha na hindi sila nasasabik pumasok sa trabaho. Marami ang nakasimangot habang lalo pang sumisiksik ang iba sa tren. Heto na naman tayo, isa na namang nakakainip na araw sa opisina.

Bigla kong naalalang…

HINDI PANAGINIP

Para bang nabubuhay ka sa isang panaginip at hindi ka magising. Iyan ang pakiramdam ng mga nakararanas ng derealization o depersonalization. Para bang hindi totoo ang mga bagay sa buhay nila. May ibang taong grabe ang nararanasan at maaaring masabing may karamdaman na kapag nasuri ng eksperto. Pero tila ba karaniwan din iyang nararanasan ng mga tao lalo na kapag…

SABIHIN ANG ISTORYA

Naroon sa tatlong mahahalagang kaganapan sa kasaysayan si Robert Todd Lincoln. Nasaksihan niya ang pagpatay sa tatay niyang si Abraham Lincoln, pati na rin sa iba pang mga presidente ng Amerika na sina James Garfield at William McKinley.

Pero mas marami ang kay Apostol Juan. Apat na pinakama- hahalagang pangyayari sa kasaysayan ang nasaksihan niya: huling hapunan ni Jesus, paghihirap…

MAHALAGA ANG PAGPILI

Nakita ng isang nagtuturo ng paglangoy ang isang kotseng lumulubog sa Newark Bay sa Amerika. Nasa loob pa ang tsuper at sumisigaw, “Hindi ako marunong lumangoy.” Pinanood ng maraming tao ang pangyayari mula sa pampang. Pero pinili ni Anthony na tanggalin ang kanyang prosthetic leg o artipisyal na paa at tumalon sa tubig para iligtas ang matandang lalaki. Salamat sa mabilis…

MAKIPAG-UGNAYAN

Ugali ni Madeleine L’Engle, isang manunulat, na tawagan ang nanay niya linggo-linggo. Nang mas tumanda na ang ina, dinalasan pa niya ito para lang makipag-ugnayan. Ganoon din, nais ni Madeleine kapag tinatawagan siya ng mga anak niya para panatilihing masigla ang ugnayan nila. Minsan mahaba ang usapan nila na puno ng mahahalagang tanong at sagot. Minsan naman, sapat nang masigurong…

MAY NAKAKARINIG

Sa librong Physics, itinanong ito nina Charles Riborg Mann at George Ransom Twiss: “Kapag natumba ang puno sa isang tahimik na kagubatan, may tunog ba ito kung wala namang malapit na hayop na makakarinig?” Naging ugat iyan ng mga pilosopiko at siyentipikong talakayan tungkol sa tunog, pang-unawa, at buhay. Pero wala pang tiyak na sagot para diyan.

Parang katulad niyan…