Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Halimbawa ng pagmamahal

Isang buwang wala ang aking asawa kaya naiwan sa akin ang lahat ng gawain sa bahay at ang pag-aalaga sa mga bata. Hindi ko alam kung paano pagsasabayin ang gawaing bahay at paghahabol ko ng deadline sa aking isinusulat. Dumadagdag pa sa problema ang pagkasira ng panggapas ng damo.

Mabuti na lang at pinuntahan ako sa bahay ng mga kaibigan ko…

Sa ating kalungkutan

Kapag nalulungkot ako noong bata pa ako, madalas akong kantahan ng ganito ng aking nanay: “Walang may gusto sa akin, galit sila sa akin. Kakain na lang ako ng uod.” Mapapangiti na lamang ako at iisaisahin na niya ang mga bagay na dapat kong ipagpasalamat.

Naalala ko ang kantang ito nang mabasa ko ang tungkol sa kalungkutan ni David. May karapatan…

Isipin palagi

Minsan, naikuwento sa akin ng kaibigan ko na naabutan niyang nanunuod ng balita ng karahasan ang binatilyo niyang anak. Agad niyang pinatay ang telebisyon kahit na ayaw nito. Nagkaroon pa sila ng pagtatalo at sa huli ay pinayuhan niya ang kanyang anak na sanayin nito ang kanyang sarili na mag-isip ng “anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay…

Pagkabalisa

Kahit anong pagbali-baliktad sa pagkakahiga ang gawin ko nitong mga gabing nagdaan ay nahihirapan pa rin akong makatulog dahil sa pag-iisip ko ng solusyon sa aking problema. At dahil sa puyat ay wala akong sapat na lakas para sa susunod na araw.

Marami tayong mga alalahanin katulad ng mga mga problema sa pakikitungo natin sa iba at sa mga mangyayari sa…

Takot

Isa sa mga palaisipan sa pagpatay sa presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy ay ang babaeng“babushka” o telang pantakip sa ulo. Nakita itong kinukuhanan ang pagpatay sa presidente pero hindi na ito kailanman nakita pa ng mga pulis para makuha ang ebidensya na hawak nito. Hula ng marami ay natakot ang babae kaya nanahimik na lamang ito tungkol…

Sa itaas ng Puno

Naabutan ng nanay ko ang aking pusa na si Velvet na kinakain ang tinapay na naiwan sa kusina. Sa inis niya ay agad niya itong pinalabas ng kusina. Makalipas ang ilang oras, hindi na namin ito makita kahit saan kami maghanap hanggang sa marinig ko ang pusa mula sa itaas ng isang puno.

Sa kagustuhan ng pusa na makatakas sa galit…

Pagpapatawad

Ang anim na taong gulang na si Ruby Bridges ang kauna-unahang Aprikano na nakapasok sa paaralan na para lamang sa mga puti. Kaya naman, araw-araw siyang nakakatanggap ng mga mura at pang iinsulto mula sa mga galit na magulang. Pati ang mga anak ng mga ito ay pinaiiwas na rin sa kanya.

Habang ginagamot ni Dr. Robert Coles si Ruby mula…

Bagong Komunidad

Kinasasabikan ni Maija na anak ng aking kaibigan ang panahon ng kanyang paglalaro. Natutuwa siya na pagsamasamahin ang kanyang mga manika mula sa iba’t-ibang grupo ng laruan para maging isang bagong pamayanan.

Naalala ko sa pagiging malikhain ni Maija ang layunin ng Dios sa mga kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Sinabi naman ni Lucas, “Nang panahon ding iyon, doon sa…

Kahit Na

Minsan, mahirap ang buhay. May panahon naman na may nangyayaring himala.

Tatlong lalaki na naging bihag ng Babilonia ang matapang at may paninindigang sinabi sa harap ng hari na hindi kailanman sila sasamba sa gintong dios-diosan. Sama-sama nilang inihayag na: “Ang Dios na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon... Kung hindi man Niya kami iligtas, hindi pa…

Nag-uumapaw

Minsan, may nasira sa aming banyo. Bigla na lamang umapaw ang tubig dito. Kahit anong gawin ko, hindi ko napigilan ang pag-apaw ng tubig.

Ano mang labis ay masama dahil dapat ay sapat lamang. Kapag sumobra ang pagsalin ng tubig o gatas sa isang baso tiyak na aapaw ito at may masasayang.

Subalit ayon kay Pablo, ayos lamang na magkaroon ng…