
Magtiwala Muna
Takot ako sa tubig noong bata pa ako pero gusto ng aking ama na matuto akong lumangoy. Sinasama niya ako sa bahagi ng pool kung saan mas mataas pa sa akin ang tubig at kung saan wala akong ibang makakapitan kundi siya lang. Doon niya ako tinuturuan kung paano lumutang sa tubig.
Hindi lang tungkol sa paglangoy ang natutunan ko noon.…

Magtanong sa Mga Hayop
Natuwa ang mga apo ko nang makita nila at mahawakan ang isang nasagip na agila. Habang ipinapaliwanag ng tagapangalaga ng mga hayop kung gaano kalakas ang isang agila, namangha akong malaman na magaan lang pala ito.
Bigla kong naalala ang agilang nakita ko noon na palipad-lipad at handa nang mandagit. Naisip ko rin ang isa pang ibon na tinatawag na heron…

Pinasan
Hindi na nakakapagtaka na maging mataas ang mga bayarin natin sa kuryente, tubig, atbp. Pero minsan, laking gulat ni Kieran Healy na taga North Carolina nang matanggap niya ang kanyang bill sa tubig na nagkakahalaga ng 100 milyon. Napakabigat nito pero alam naman niya na hindi talaga ganoon kalaki ang nagamit niyang tubig.
Napakabigat talaga sa pakiramdam kapag may 100 milyon…

Sa Kanyang Pangangalaga
Ilang ulit akong nakatanggap ng mensahe tungkol sa napipintong pagbaha noong araw na iyon. Masama ang lagay ng panahon at marami nang mga magulang ang nagdatingan para sunduin ang kanilang mga anak sa eskuwelahan. Nang magsimula nang umulan, napansin ko ang isang babae na bumaba sa kotse, kumuha ng payong at saka nilapitan ang anak. Tiniyak niya na hindi mababasa ang…

Kuwento Tungkol Kay Jesus
Madalas akong pumunta noon sa silid-aklatan. Minsan, habang pinagmamasdan ko ang mga libro sa lagayan, naisip ko na kaya kong basahin ang lahat ng iyon. Hindi ko naman iyon nagawa dahil laging may dumarating na mga bagong libro.
Kung nabubuhay pa si apostol Juan sa panahon ngayon, marahil mamamangha siya sa dami ng librong makikita niya. Sulat-kamay lang kasi sa nakarolyong…