Kahit Saan
Minsan, naglathala sa isang pahayagan ang kaibigan ko para bigyang parangal ang kanyang anak. Namatay ang anak niyang si Lindsay sa isang aksidente. Tumatak sa isipan ko ang sinabi niya na makikita sa kahit saang sulok ng bahay nila ang mga larawan ni Lindsay. Pero wala na mismo si Lindsay doon.
Namatay din sa aksidente ang anak kong si Melissa.…
Pambihirang Kaibigan
Madalas magpost sa Facebook ng mga video ang kaibigan ko. Mga pambihirang pagkakaibigan ng magkaibang hayop ang ipinopost niya. Mapapanood mo ang hindi mapaghiwalay na aso at baboy. At maging ang isang unggoy na inaalagaan ang isang batang tigre.
Nang mapanood ko ang mga iyon, naalala ko ang Hardin ng Eden na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Maayos at payapang…
Kayabangan
Tinatawag nating isang ‘Alamat ng kanyang henerasyon’ ang isang tao kahit buhay pa siya dahil sa kanyang kasikatan o nagawang kapaki-pakinabang sa maraming tao. Pero iba naman ang pananaw ng kaibigan ko. Sinabi niya na marami siyang kilalang mga sikat na manlalaro na isang alamat lamang sa sarili nilang isipan. Binabaluktot kasi ng kayabangan ang ating isipan. Pero maayos ang pananaw…
Magmahalan
Si Linus ay isa sa mga bida sa komiks na Peanuts. Matalino siya pero mahina ang loob. Kaya naman, may dala siya laging kumot para itago ang kanyang sarili sa tuwing natatakot o pinanghihinaan ng loob. Tulad ni Linus, masasabi kong may mga kinatatakutan at pinanghihinaan din tayo ng loob.
Naranasan din naman ni Apostol Pedro ang matakot at panghinaan ng…
Sinubok at Tumatag
Nang sabihin ng aking ina na may kanser siya, gusto kong ipakita sa kanya ang aking katatagan. Pero hindi ko mapigilang umiyak. Pagkatapos kasi ng ilang pagsusuri sa kanya, nalaman niyang malala ang kanyang kalagayan. Kaya naman, masakit marinig ang balitang iyon.
Kahit na ang aking ina ang may sakit, ako pa ang pinalakas niya ang loob. Humanga ako sa kanyang…
Makinig sa Kanya
Mahina ang aking pandinig. Kaya naman, nagsusuot ako ng isang gamit na pangtulong sa aking tenga para makarinig ako nang maayos.
Malaking tulong iyon kung iilang tao ang nasa paligid ko. Pero, kapag maraming tao ang nagsasalita, hindi ko na marinig ang taong kausap ko.
Sa atin namang pamumuhay, napa- kaingay o napakarami nating ginagawa kaya hindi natin marinig ang…
Kaluwalhatian
Sa ating kalagayan, lahat tayo ay hindi nakaabot nito (ROMA 3:23). Si Jesus ang kaningningan nito (HEBREO 1:3) at sa lahat ng nagtitiwala kay Jesus ay nakita nila ito (JUAN 1:14). Sa Lumang Tipan ng Biblia, binalot nito ang Toldang Tipanan noon ng Dios. At pinanguhan din nito ang mga Israelita noon. Ipinangako naman ng Dios na sa darating na panahon,…
Nagbagong Buhay
Minsan, nagkakaroon ng malaking pagbabago sa ating buhay dahil sa impluwensiya ng iba. Nangyari ito sa buhay ng sikat na mang-aawit na si Bruce Springsteen. Sinabi ni Bruce, “Maaari mong mabago ang buhay ng isang tao sa loob ng 3 minuto sa pamamagitan lamang ng nilalaman ng iyong kanta.”
Tulad ng makabagbag-damdaming awitin, makakapagbigay din naman ng pag-asa ang ating…
Samantalahin ang Pagkakataon
Tulad ng iba, nahihirapan din akong disiplinahin ang aking sarili na laging mag-ehersisyo. Kaya, bumili ako ng isang bagay na mag-uudyok sa akin para mag-ehersisyo. Pedometer ang tawag sa bagay na iyon. Sinusukat nito ang distansya ng aking nalakad at maging ang bilang ng aking paglalakad. Nakakamangha ang pagbabagong nagawa sa akin ng pedometer.
Lagi akong humahanap ng pagkakataon na…
Anak ni David
Umalma ang gobyerno ng bansang Italy nang baguhin ng isang kumpanya na gumagawa ng patalastas ang larawan ng estatwa ni Haring David. Makikita kasi sa larawan na baril ang hawak ni David sa halip na tirador. Sinabi ng isang opisyal na isang krimen ang ginawa ng kumpanya at parang pinukpok na rin nila ng martilyo ang estatwa ni David.
Kilala si…