Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Mabangong Handog

Napagod si Bob sa biyahe papunta sa isang malayong lugar para bisitahin ang mga bago niyang kaibigan. Sa kabila nito, naging masaya siya sa malugod nilang pagtanggap. Pinaramdam nila kay Bob na mahalaga siya at parang nasa sarili niyang tahanan kung saan payapa, komportable at ligtas siya.

Habang iniisip niya kung bakit ganoon ang pakiramdam niya kahit bago lang siya sa…

Maging Totoo Sa Dios

Yumuko ako, pumikit at nagsimulang manalangin, “Panginoon, lumalapit po ako sa Inyo ngayon bilang Inyong anak. Kinikilala ko po ang Inyong kapangyarihan at kabutihan…”

Napahinto ako sa pananalangin nang bigla kong maalala na hindi pa natapos ng anak ko ang kanyang takdang aralin. Pero dahil naglaro pa siya ng basketball pagkatapos ng klase nila, baka masyado siyang mapuyat sa pagtapos ng kanyang…

Hindi Nagbabago

Dati akong manlalaro ng tennis noong nasa high school pa ako. Nagsasanay ako noon sa isang tennis court na malapit sa aming bahay. Ilang oras akong nagsasanay doon para mas maging mahusay sa paglalaro.

Nang huli akong bumisita sa lugar kung saan ako tumira noon, ang una kong ginawa ay puntahan ang tennis court na pinagsasanayan ko. Gusto ko sanang panoorin…

Lakas ng Dios

Ang mga bodybuilder na sumasali sa paligsahan ay sumasailalim sa mahigpit na pagsasanay. Sa mga unang buwan, ang pagpapalaki at pagpapalakas ng kanilang katawan ang pinagtutuunan nila ng pansin. Kapag malapit na ang laban, binabawasan naman nila ang iniinom na tubig para matanggal ang mga taba sa katawan. Mukha man silang malakas, iyon ang panahon na pinakamahina sila dahil kulang sila sa…

Nagmistulang Daan

Sa lugar kung saan kami naninirahan, maraming mga bahay ang pinaliligiran ng matataas at matitibay na pader. Mayroon pang mga electric barb wires ang iba. Nagsisilbing proteksyon ang mga iyon laban sa mga magnanakaw.

Maaaring maganda ang layunin ng pagtatayo ng mga pader. Subalit may mga pagkakataon din na ang harang na iyon ay nagdudulot ng pagtatangi kahit hindi naman magnanakaw…