Sa kabila ng Problema
Muling naalala ni Marc ang isang pangyayari sa kanyang buhay. Ipinatawag sila noon ng kanilang ama para sabihin ang malaking problemang hinaharap nila. Malapit na raw maubos ang pera nila sa katapusan ng buwan at nasira rin ang kanilang sasakyan. Nang masabi iyon ng kanyang ama, nanalangin siya. Pagkatapos, sinabi niyang asahan nila na tutugon ang Dios.
Tumugon nga ang Dios.…
Tagapamagitan
Magandang pakinggan ang panalangin ng mahal natin sa buhay para sa atin. Masaya ring malaman na dahil sa kabutihan ng Dios, makatitiyak tayo na naririnig Niya ang mga panalangin natin.
Kung minsan, hirap tayo sa pag-iisip ng mga tamang salita kapag nananalangin. Minsan naman, nahihiya tayo sa Dios dahil sa mga pagkukulang natin sa Kanya. Magkagayon man, hindi tayo dapat sumuko…
Paglago
Ipinaguhit ang batang si Charlotte ng larawan ng kanyang sarili noong unang araw ng pasok nila sa eskuwelahan. Puro bilog ang naiguhit niya para sa mata, mukha at katawan. Ipinaguhit ulit sa kanya ang kanyang sarili noong huling araw na ng kanilang pasukan. Sa pagkakataong iyon, maliwanag na batang babae na ang naiguhit niya. Sa ipinagawang iyon, ipinapakita na mas natututo…
Bago sa loob at Labas
Isang libro ang matagal nang ibinebenta sa loob ng maraming taon. Naisip ng manunulat nito na dapat na itong baguhin at isaayos muli. Pero nang matapos itong isaayos, nagkamali ang taga-imprenta nito. Sa halip na ang isinaayos na libro ang maimprenta, ang lumang laman ng libro ang nailagay nila. Ang pabalat ng libro ay bago pero luma ang laman.
Minsan, may…
Magpakatatag
Nalulong sa pinagbabawal na gamot ang aming anak. Kung may magsasabi sa akin na gagamitin ng Dios ang pagsubok na pinagdaraanan ko para makatulong sa ibang pamilya, mahirap para sa akin ang maniwala. Hindi madaling tanggapin ang sinasabi ng iba kung tayo mismo ang nakakaranas ng pagsubok. Kahit na alam kong kumikilos ang Dios para gawing maganda ang mga pinagdaraanan nating…
Hindi Makapanalangin
Nalaman kong kailangan akong operahan dahil sa aking sakit sa puso noong Nobyembre 2015. Nabigla ako at nag-alala. Marami pa naman akong alalahanin. Kung maging matagumpay man ang operasyon ay siguradong ilang buwan din ang lilipas bago ako makapagtrabaho muli. Sino ang gagawa ng naiwan kong trabaho? Ito ang panahon na kailangan kong gumawa ng paraan at manalangin.
May pagkakataon na…
Sa tamang Panahon
Napangiti ako habang tinatanggal ko ang isang pirasong papel na nakalagay sa bagong bili kong damit na panlamig. May nabasa kasi akong babala: “Nanaisin mo na lumabas at manatili sa malamig na lugar habang suot mo ang damit na ito.” Kapag may suot tayong damit na akma sa tamang panahon, siguradong makakatagal tayo kahit hindi maganda ang panahon.
May mababasa naman…
Napupunuan Lahat
May isang kuwentong pambata tungkol sa mahirap na lalaki na si Bartolome. Inalis niya ang kanyang sumbrero nang humarap siya sa hari bilang paggalang. Pero ilang sandali lang nagkaroon na naman ng sumbrero sa ulo si Bartolome. Nagalit ang hari dahil akala niya ay hindi siya iginagalang nito kaya inaresto si Bartolome. Habang dinadala siya sa palasyo para parusahan, maya’t maya…
Hindi Pinabayaan
Malungkot akong nagpaalam sa aking pamangkin. Mapapalayo kasi siya sa amin dahil sa ibang probinsya siya mag-aaral. Apat na taon din siya noong nawalay sa amin nang nasa kolehiyo pa siya. Madali namin siyang napupuntahan dati dahil nasa isang probinsya lang kami. Pero mas magiging malayo siya ngayon kaya hindi na magiging madalas ang aming pagkikita. Kailangan kong magtiwala sa Dios…
Pansamantalang Tahanan
Lumaki ako sa lugar ng Minnesota na kilala sa mga magagandang lawa. Mahilig ako mamundok at pagmasdan ang mga magagandang nilikha ng Dios. Pero may isang bagay na hindi ko gusto tuwing namumundok kami. Ayaw kong matulog sa tent lalo na kapag umuulan sa gabi. Nababasa kasi ang tulugan namin sa tent matapos ang magdamag na ulan.
Kaya naman namamangha ako…