Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Tunay na Pagsamba

Dahil sakitin na ako, nagsusulat na lamang ako ng mga babasahin bilang paraan ko ng paglilingkod at pagsamba sa Dios. Minsan, may nagsabi sa akin na wala siyang natutunan sa mga isinulat ko. Pinanghinaan ako ng loob sa sinabi niya. Naisip ko tuloy na parang walang halaga ang munting pagsusulat na ginagawa ko para sa Dios.

Sa tulong ng pananalangin, pag-aaral…

Hindi Ka Nag-Iisa

Sumali ang asawa ko sa paligsahan ng pagtakbo. Iyon ang unang pagkakataon niyang sumali. Nang malapit na niyang marating ang hangganan, nanghina siya. Uminom siya ng tubig at umupo muna sa damuhan para magpahinga. Ilang sandali lang ay hindi na siya makatayo. Susuko na sana siya sa pagtakbo nang may dumaang dalawang guro na kasali rin sa paligsahan. Hindi sila kilala…

Mas Mahalin

“May ginagawa bang bago ang Dios sa buhay mo?” Iyan ang tanong sa amin sa isang pagtitipong dinaluhan ko. Ang kaibigan kong si Mindy ang sumagot. Sinabi niya na kailangan niyang habaan ang kanyang pasensya sa mga tumatanda niyang magulang, maging matatag para sa may sakit niyang asawa at maging maunawain sa mga anak at apo niyang hindi pa nagtitiwala kay…

Kaningningan ng Dios

Nakapunta ako sa isang napakagandang lugar sa Australia, ang Lord Howe. Para itong maliit na paraiso dahil sa puting buhangin at napakalinaw na tubig. Maaaring lumangoy doon kasama ang mga pagong, isda, atbp. habang tanaw ang kalangitan. Ang labis na paghanga ko sa lugar na iyon ang nag-udyok sa akin para sambahin ang Dios.

Ayon sa isinulat ni apostol Pablo, ang…

Malinis na Tubig

Nang buksan ko minsan ang dishwasher na isang makina na naglilinis ng mga kasangkapan tulad ng plato, baso at iba pa, nagtaka ako kung bakit marumi pa rin ang mga gamit na nasa loob nito. Hindi ko alam kung ano ang naging problema kung bakit puro alikabok pa rin ang mga kasangkapan ko.

Ang paglilinis naman ng Dios ay hindi tulad…

Bunga ng Espiritu

Tuwing tagsibol at tag-init namumunga ang puno ng ubas ng aming kapitbahay. Natutuwa akong pagmasdan ang mga malalaking bunga nito.

Kahit hindi kami tumutulong sa pag-aalaga ng kanilang puno, ibinabahagi nila sa amin ang kanilang ani. Sila ang nangangalaga rito pero hinahayaan nila kami na makinabang sa mga ubas.

Dahil sa mga bungang iyon, naalala ko ang mga bunga na maaaring…

May magagawa Ka

May isinulat si John Newton tungkol sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Ipinaparating niya sa kanyang isinulat na kahit gusto niyang gumawa ng mga dakilang bagay, hindi pa rin niya dapat kalimutan ang simpleng pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa.

Sa panahon ngayon, hindi na mahirap humanap ng mga taong maaaring tulungan. Kahit saan ay makakakita ka ng tinderang hirap na hirap…

Hinanap

Tuwing Sabado, pinapanood namin ang aming anak sa kanyang sinalihang kompetisyon sa pagtakbo. Pagkatapos ng laro, magsasama-sama na ang mga manlalaro, ang mga tagapagsanay nila at ang kanilang mga pamilya. Napakaraming tao ang naroon kaya mahihirapan ang sinuman kapag may hahanapin itong tao. Hinahanap naman naming mabuti ang aming anak na siyang dahilan ng panonood namin ng kompetisyong iyon. Sabik na…

Tunay na Pangyayari

Ikinukuwento ko lagi ang isang pangyayari noong bata pa kami ng kapatid ko. Sa pagkakaalala ko, pinarada ng kapatid ko ang aming bisikleta kung saan may ahas. Naipit sa gulong ang ahas kaya hindi ito makaalis.

Nang mabasa ko naman ang sulat ng aking ina kung saan ikinuwento niya ang nangyari, nadiskubre ko na ako pala ang nagparada sa bisikleta. Nalaman…

Lunas sa Tukso

Hinikayat ako noon ng pamangkin ko na laruin ang Pokemon Go. Isa itong laro gamit ang cellphone kung saan kailangang makahanap ng mga pokemon. Mas madaling makahuli ng mga pokemon kapag may ginagamit na pangpain ang naglalaro.

Kung ang mga pokemon ay madaling kumagat sa pain, ang mga tao naman ay madaling mahulog sa tukso. Ipinaalala ni Santiago sa kanyang sulat…