Nawala Pero Nakita
Minsan, nabahala kaming mag-asawa nang aming mabalitaan na nawawala ang ina ng aking asawa. May sakit pa naman ang kanyang ina ng pagkawala ng alaala. Iniisip namin na nagpalaboy-laboy siya o sumakay ng bus para umuwi. Habang iniisip namin ang maaaring mangyari sa aking biyenan, idinalangin namin sa Dios na makita namin siya.
Makalipas ang ilang oras, may nakakita sa aking…
Huwag Kang Matakot
Nagkakaroon ng masamang epekto sa ating katawan ang pagkatakot o pagkasindak. May pagkakataon na sumasakit ang ating tiyan, kumakabog ang ating dibdib o kaya naman nahihirapan tayong huminga. Palatandaan din ito na nababalisa ang ating katawan.
Nakaranas din naman ng pagkatakot ang mga alagad ni Jesus. Matapos pakainin ni Jesus ang 5,000 katao, pinapunta ni Jesus ang Kanyang mga alagad sa…
Magbigay ng Lubos
Minsan, dumalaw sa amin ang kaibigan ko kasama ang kanyang maliit na anak. Sinabi ng 6 gulang kong anak noon na si Xavier na gusto niyang bigyan ng laruan ang maliit na bata. Natuwa ako sa aking anak. Pero nagulat ako ng ibigay niya ang mamahaling laruan na binili ng kanyang ama para sa kanya. Alam ng kaibigan ko kung gaano…
Ang Ating Pundasyon
Sa maraming taon na lumipas, nagtatayo pa rin ang mga tao ng kanilang bahay sa mga lugar na madalas gumuho ang lupa. Ang ilan sa mga taong iyon ay alam ang puwede talagang gumuho ang lupa na pinagtayuan nila ng bahay. Pero ang iba nama’y hindi sila nasabihan. Sinabi naman ng isang pahayagan na The Gazette, “40 taon nang nagbibigay ng…
Tumubo sa Tamang Lugar
Gusto kong hayaan nalang ang isang puno ng mais na tumubo sa taniman ko ng kadyos. Pero sabi ng tatay ko, “Tumutubo ang damong ligaw kung saan hindi siya dapat tumubo.” Nais niyang iparating na bunutin ko ang mais. Wala raw itong magandang maidudulot sa aking pananim. Kukunin lang daw nito ang mga sustansya na para sa mga kadyos.
Hindi naman…
Awa o Parusa
Minsan, nagbangayan ang mga anak ko. Pagkatapos, sabay silang lumapit sa akin at nagsusumbong kung sino ang may kasalanan sa tatalunan nila. Magkahiwalay ko silang kinausap para malaman ko ang totoong nangyari. Nang malaman ko na parehas silang may kasalanan, parehas ko silang pinarusahan. Tinanong ko sila kung ano ang nais nilang iparusa sa isa’t isa. Parehas naman silang nagbigay ng…
Magseat Belt Ka
Minsan, nagbigay ng babala ang isang empleyado ng eroplano habang bumibiyahe kami. Sinabi niya na kailangan naming maupo at siguraduhing magseat belt. Dadaan kasi kami sa lugar na kung saan ma- aaring magulo ang loob ng eroplano. At kung hindi kami mauupo at magsiseat belt ay maaari kaming masaktan.
Madalas naman hindi nagbibigay ng babala ang problema tuwing dumarating siya…
Kasama Natin ang Dios
Wala akong kilalang bata na gustong-gusto ang gagamba. Lalo na ang anak kong babae, takot na takot siya sa gagamba. Minsan, may narinig akong malakas na sigaw. Isinisigaw ng anak ko na may gagamba sa kanyang kama. Pero hindi ko na makita ang gagamba noong dumating ako sa kuwarto niya. Kahit wala na ang gagamba at sinabi kong hindi naman siya…
Dakilang Manggagamot
Laging tinatanong ng doktor na si Rishi Manchanda ang mga pasyente niya kung saan sila nakatira. Pero, hindi lang ang pangalan ng lugar ang nais malaman ni Dr. Manchanda kundi ang kalagayan ng lugar mismo. Madalas kasi ang mga insekto, amag o usok sa lugar ang dahilan ng sakit ng mga pasyente niya.
Kaya naman, habang binibigyan ng gamot para gumaling…
Hindi pa ba Sapat?
Minsan, nang pauwi na kami galing sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus, umupo sa likuran ng sasakyan ang anak kong babae. Kumakain siyang mag-isa doon habang nakikiusap naman ang mga kapatid niya na mamigay siya. Para ibahin ang usapan, tinanong ko ang may hawak ng pagkain kong ano ang kanyang ginawa sa pag-aaral ng Biblia sa araw na iyon. Sinabi…