Paraan ng Pananalangin
Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Dios at hindi kailangan ng anumang hakbang para rito. Gayon pa man, minsan kailangan nating gumamit ng iba’t ibang paraan para mas maging masigla ang ating pananalangin. Natutunan ko kamakailan lang ang paraan na tinatawag na ‘Limang Daliring Pananalangin’ bilang gabay sa pananalangin para sa ibang tao.
Ganito ang paraan: Una, dahil ang hinlalaki ang pinakamalapit…
Ito ay Napakabuti
May mga araw na parang nagkakaugnay-ugnay ang lahat. Naranasan ko ito kamakailan lang. Noong araw na iyon, bago simulan ng aming pastor ang pangangaral tungkol sa Genesis 1, nagpakita muna siya ng mga larawan ng napakagagandang bulaklak. Pagkauwi ko naman sa bahay, puro larawan din ng mga bulaklak ang nakita ko habang nag-i-internet. At nang naglakad-lakad naman ako sa kakahuyan, iba’t…
Itanim sa Puso
Nagpunta kami noon ng aking pamilya sa isang pasyalan na tinatawag na Monterey Bay Aquarium. Batang-bata pa noon ang anak kong si Xavier. Pagpasok namin, itinuro ko ang malaking estatwa ng isang balyena. Nanlaki ang mga mata ni Xavier at sinabing, “Pambihira!”
Napatingin sa akin ang asawa ko. Sabi niya, “Paano niya nalaman ang salitang iyon?” “Baka narinig niya iyon sa…
Handang Maglingkod
Minasdasdsadsan sa aming lugar sambahan, nagkaroon ng seremonya kung saan naghugasan ng mga paa ang aming pastor, mga namumuno at ang mga bagong lider na itatalaga sa araw na iyon. Layunin nito na ipakita na ang tungkuling gagampanan ng mga bagong lider ay hindi lamang mamuno, kundi maging tagapaglingkod din.
Mababasa naman natin sa Juan 13 na ganoon din ang ginawa…
Makiisa
Hinangaan ko ng husto ang pinanood kong konsiyerto ng isang banda na binubuo ng mga batang estudyante. Napakaganda ng pagtugtog nila bilang isang banda. Kung sakaling ang bawat isa sa kanila ay nagnanais na tumugtog mag-isa, mas maganda pa rin ang magiging kinalabasan ng pagtugtog nila bilang isang grupo kaysa isahang pagtugtog ng kanilang mga instrumento.
Sinabi naman ni apostol Pablo…
Hindi Makatarungan
Sa isang lugar, kitang-kita ang malaking agwat ng estado sa buhay ng Mayor at ng nasasakupan niya. Nagpapasasa siya sa karangyaan. Napakaganda ng kanyang mansyon samantalang nakatira lang sa barong-barong ang mga tao at salat sa pangangailangan.
Ikinagagalit natin ang mga ganitong ’di makatarungang sitwasyon tulad ng naramdaman ni propeta Habakuk. Tinanong niya ang Dios, “hanggang kailan ako hihingi ng tulong,…
Ibahagi sa Iba
Pinadalhan ako ng kaibigan ko ng mga kasangkapang siya mismo ang gumawa. Pagbukas ko ng kahon, nagkabasagbasag na pala ang mga ito.
Nang pagdikit-dikitin ng asawa ko ang isa sa mga tasa, ginawa ko itong palamuti sa aming istante. Tulad ng tasa na makikitaan ng marka na ito’y nabasag, parang may marka rin ako dahil sa aking mga pinagdaanan. Pero sa…
Palakasin ang Loob
Malaki ang nagagawa ng pagpapalakasan ng loob ng mga empleyado sa isang kumpanya. Kung maayos ang pakikipag-usap ng mga empleyado sa isa’t isa, mas nasisiyahan ang mga kliyente nila at mas malaki ang kinikita ng kumpanya.
Natutunan naman ni apostol Pablo mula sa kanyang mga karanasan ang halaga ng mga salitang binibitawan. Noong hindi pa siya sumasampalataya kay Jesus, nasisindak ang…
Determinado
Nakatanggap ako ng sulat kung saan inaanyayahan akong sumali sa isang samahan ng mga taong determinado. Hinanap ko ang kahulugan ng salitang determinado at nalaman ko na ang isang determinadong tao ay may lubusang pagnanais na magtagumpay at gagawin ang lahat para makamit ang kanyang mga ambisyon o layunin.
Mabuti ba na maging determinado? Malalaman natin kung mabuti ito base sa…
Tulad ng Ama sa Langit
Minsan, sinabi sa akin ng aking ama na lagi siyang wala noong bata pa ako.
Hindi naman ganoon ang pagkakatanda ko. Wala man siya dahil sa trabaho at sa mga gawaing dapat niyang daluhan sa aming lugar sambahan, lagi naman siyang naroon sa lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa aking buhay. Naroon din siya maging sa mga hindi mahalagang pangyayari.
Tulad…