Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Binihisan ng Dios

Nang mga bata pa ang mga anak ko, madalas silang naglalaro sa maputik naming hardin. Kaya naman, inaalis ko agad ang mga damit nila bago sila pumasok sa aming bahay. Pagkatapos, pinaliliguan ko sila. Sasabunin at hihiluran para luminis ang madudumi nilang katawan.

Sa pangitain na ipinakita ng Dios sa propetang si Zacarias, nakita niya ang punong paring si Josue na…

Kasama ng mga Leon

Nang pumunta ako sa isang museo sa Chicago sa bansang Amerika, nakita ko doon ang larawan ng isang mabagsik na leon. Sinisimbolo raw iyon ng dios-diosan ng mga taga Babilonia noon na si Ishtar na dios ng pag-ibig at digmaan.

Sinasabi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na nakita ng mga Israelita noon ang mga leon na ito noong binihag sila ni…

Tunay na Kaibigan

Sinabi ni Samuel Foss sa kanyang ginawang tula, “Hayaan mo akong mabuhay sa tabi ng daan at maging kaibigan ng sinuman.” Iyon din naman ang gusto ko, ang maging kaibigan ang lahat. Nais kong palakasin ang loob ng mga taong nanghihina. Ipakita ang aking pagmamalasakit sa mga taong nasasaktan at mga dumaranas ng mabibigat na problema. Alam ko naman na hindi…

Mananatili

Nang bata pa ang anak kong Xavier lagi niya akong binibigyan ng bulaklak. Masaya naman akong tanggapin ang pinitas niyang bulaklak sa daan o binili nilang mag-ama. Pinapahalagahan ko ang mga ibinibigay niya hanggang sa malanta ito at kailangan nang itapon.

Minsan, binigyan ako ni Xavier ng palompon ng mga huwad na bulaklak. Napakaganda at makukulay ang iba’t ibang uri ng…

Ikalat ang Binhi

Nakatanggap ako ng sulat mula sa dating estudyante ng aking ina. Sabi niya sa sulat, “Ang iyong ina ang aking guro noong 1958. Siya ang pinakamahusay na guro para sa akin. Mabait siya pero mahigpit din naman. Ipinakabisado niya sa amin ang buong Awit 23 ng Biblia at natakot ako noon dahil kailangang bigkasin sa harap ng klase. Iyon lang ang…

Kamangha-manghang Dios

Nang pumunta kaming mag-asawa sa isang gubat, dinala namin ang aming camera para kunan ng litrato ang mga maliliit na bagay na nabubuhay doon. Nakakamangha ang iba’t ibang uri at kulay ng mga kabute na tumutubo sa mga kahoy.

Naisip ko ang kadakilaan ng ating Manlilikha dahil sa mga magagandang bagay na nakapaligid sa atin. Hindi lang mga kabute ang nilikha…

Ang Tagatulong

Minsan, sumakay ako ng eroplano. Papunta kasi ako sa isang malayong lungsod para mag-aral doon. Pakiramdam ko’y nag-iisa ako. Pero nang lumilipad na ang eroplano, naalala ko ang ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga alagad na Tagatulong para lagi nilang makasama.

Maaari namang naguguluhan ang mga alagad ni Jesus nang sabihin Niya sa kanila na, “ikabubuti nʼyo ang pag-alis Ko,…

Awit ni Violet

May isang matandang babae na nagngangalang Violet ang nasa pagamutan. Umupo siya sa kanyang hinihigaan at ngumiti sa mga batang bumisita sa kanya. Napakainit ng panahon noon pero hindi siya nagrereklamo. Sa halip, naisip niyang gumawa ng kanta. Umawit siya, “Tatakbo ako at tatalon para purihin ang Dios!” Habang umaawit, iniiindak niya ang kanyang mga balikat na parang tatakbo. Napaluha naman…

Madilim na Daan

Minsan, nagbakasyon ang aming buong pamilya. Nang gumabi na, dumaan kami sa isang liblib na lugar. Madilim ang paligid at iilang ilaw lang ang makikita sa daan. Ilang sandali ang lumipas, lumiwanag ang buwan at mas nakikita na namin ang daan. Pero dumidilim pa rin kapag napapadaan na kami sa gilid ng bundok. Gayon pa man, sinabi ng anak ko na…

’Di Mapigil na Sabihin

Kapag nasa korte tayo, madalas ang mga saksi sa krimen ay nanonood at nakikinig lang. Gayon pa man, aktibo sila sa pagtulong para malutas ang kaso. Ang mga sumasampalataya naman kay Jesus ay mga saksi rin na dapat aktibong ipinapahayag ang tungkol sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.

Nang ipahayag naman ni Juan na nagbabautismo ang tungkol kay Jesus, sinabi…