Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Regalo ng Pantas

Mahalaga sa mag-asawang sina Jim at Della ang maipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Kaya naman, nag-iisip sila kung ano ang ireregalo sa isa’t isa sa nalalapit na pasko. Ibinenta ni Della ang kanyang mahabang buhok na abot-tuhod para mabilhan niya si Jim ng regalo. Binili niya ang isang maliit na kadena para sa orasan ni Jim na minana pa…

Tulad ng Aking Tatay

Ang sapatos ng aking tatay ay laging nasa loob ng kuwarto kung saan ako nag-aaral. Araw-araw nitong naipapaalala sa akin kung anong klaseng tao siya.

Nag-aalaga ang tatay ko ng mga pangkarerang kabayo. Masaya akong pinanonood siya at namamangha habang nakasakay siya sa kabayo.

Kaya naman, bilang isang kabataan noon, gusto kong maging tulad ng aking tatay. Nasa 80 taong gulang…

Ang Sinabi ng Dalubhasa

May isinulat ang manunulat na si Jeff Jacoby tungkol sa mga hula ng mga dalubhasa noon. Naniniwala ang mga tao na tama at mangyayari ang mga sinasabi ng mga dalubhasa. Pero hindi naman nangyari ang mga ito. Kung babalikan nga natin ang kasaysayan tama si Jacoby. May sinabi noong 1928 ang dalubhasa na si Henry Ford na hindi na muling magkakaroon…

Kaluwalhatian

Isa sa kapana-panabik sa pagbisita sa bansang Europa ay ang makita ang mga magaganda at malalaki nilang simbahan. Mamamangha ka at makapagdudulot ng kakaibang karanasan ang mga larawan, simbolo at disenyo na makikita mo roon.

Kapansin-pansin naman na nagpapahayag ng kadakilaan at kaluwalhatian ng Dios ang mga makikita roon. Kaya, naisip ko kung paano naman natin mailalagay sa ating puso at…

Nagpapatuloy

Habang naglalakad ako sa gilid ng gusali ng aming opisina, napansin ko ang isang magandang bulaklak. Tumubo ito sa bitak ng sementadong lugar. Kahit na hindi akma kung saan nakatanim ang bulaklak, makikita na matibay at malago ito. Napansin ko rin na nakatanim ito kung saan tumutulo ang tubig na galing sa isang aircon ng aming opisina. Kaya, kahit hindi maayos…

Magsimula Muli

Matapos ang masayang pagdiriwang ng kapaskuhan, natutuon na ang isip ko sa bagong taon. Pinagbulayan ko ang mga nangyari sa akin nitong nagdaang taon, at umaasa ako na mas magiging maganda ang mangyayari sa panibagong taon. Sa aking pagbubulay, naalala ko ang lungkot at pagsisisi dahil sa mga nagawa kong mali. Pero dahil sa paparating na bagong taon, lumalakas ang loob…

Katapatan ng Dios

Noong bisperas ng bagong taon, dumalo ako sa pagtitipon naming sumasampalataya kay Jesus. Habang pinagmamasdan ko ang mga naroon, naalala ko ang pagtugon ng Dios sa mga problemang nararanasan ng bawat isa. Sama-sama kaming nagdalamhati noon dahil sa mga napariwarang anak, mga namatayan, mga nawalan ng trabaho at ang mga nasira ang relasyon. Sa kabila ng mga iyo’y naranasan namin ang…

Natapos na Gawain

Sa pagtatapos ng taon, nakakalungkot isipin na hindi natin natapos ang ilang mga bagay na dapat tapusin. Para bang walang katapusan ang mga responsibilidad natin. Ang mga hindi naman natin natapos ay nadadagdag lang sa mga susunod pa nating gagawin. Gayon pa man, dapat tayong saglit na huminto para ipagdiwang ang katapatan ng Dios at ang mga gawaing natapos.

Napapagod tayo…