Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Tahanan

Tumakas ang batang si Steven sa bansang Africa. Dahil doon, wala siyang maituring na kanyang sariling bansa. Hindi niya alam kong saang parte ng Africa siya ipinanganak. Hindi niya rin nakilala kung sino ang kanyang ama. Nawalay naman siya sa kanyang ina nang tumakas ito sa giyera. Kaya naman, nagpunta nalang siya sa prisinto sa bansang kung nasaan siya at ipinakulong…

Nagawang Pagkakamali

Ang pagkakamali ay nangyayari ng hindi mo inaasahan.” Sinabi ito ng presidente ng isang kumpanya habang pinag-uusapan nila ang pagkasangkot nila sa ilegal na gawain. Mukha siyang nagsisisi pero hindi niya inamin na may pagkakamali rin siya.

May mga pagkakamali naman tayong nagagawa na hindi natin sinasadya. Pero may mga mali tayong ginagawa na alam nating kasalanan sa Dios. Noong…

Naipintang Larawan

Ang National Portrait Gallery sa London, England ay museo na naglalaman ng mga naipintang larawan. Makikita doon ang mga ipinintang larawan ng mga sikat na tao tulad nina Winston Churchill, William Shakespeare, at George Washington. Dahil sa mga naipintang larawan nila, mapapaisip tayo kung totoo bang iyon talaga ang hitsura nila. Walang litrato na puwedeng pagkumparahan sa mga naipintang larawan maging…

Hari ng Alon

Si Haring Canute ang isa sa pinakamakapangyarihang tao noong mga taong 1100. May sikat na kuwento tungkol sa kanya. Minsan daw, nasa tabing dagat si Haring Canute. Dahil tumataas na ang tubig, inutusan niya ang dagat na huminto. Iniisip kasi ni Haring Canute dahil hari siya, dapat lahat ng nasa paligid niya ay susunod sa kanya. Pero hindi iyon nangyari, patuloy…

Magmahal nang Tama

Nanginginig ang boses ng isang nanay habang ikinukuwento ang problema niya sa kanyang anak na babae. Kinumpiska raw ng nanay ang cellphone ng anak at sinasamahan niya ito saan man magpunta. Hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-ina. Nang kausapin ko naman ang bata, nalaman ko na mahal niya ang kanyang nanay pero nahihirapan siya sa kahigpitan nito. Gusto niya…

Tuloy po Kayo

Naging magandang alaala sa aming mag-asawa ang hapunan namin sa bahay kasama ang mga pamilyang bisita namin galing sa limang bansa. Maganda ang naging kuwentuhan namin dahil ikinukuwento ng bawat isa ang kanilang karanasan sa pagtira sa London. Kung nasiyahan ang aming mga bisita sa mainit naming pagtanggap sa kanila, mas lalo kaming nasiyahan sa pagbisita nila. Bukod sa nagkaroon kami…

Ang luma kong Sapatos

Kung minsan, hindi pa man ako tapos magsalita, alam na ng asawa ko ang susunod kong sasabihin. Ganoon din ako sa kanya. Sa higit na 30 taon naming pagsasama bilang mag-asawa, mas lalo naming nakilala ang isa’t-isa. Kaya may pagkakataon na hindi na namin kailangan pang tapusin ang aming mga sinasabi para magkaintindihan. Sa isang tingin at isang salita lang, kuha…

Ang mga Litrato

Ipinagmamalaking ipinakita ng matandang babae sa kanyang mga kaibigan ang dalawang litratong hawak niya. Makikita sa unang litrato ang kanyang anak na babae. Ang sumunod naman ay litrato ng bagong silang niyang apo. Anak ito nang nasa unang litrato. Namatay siya noong ipinapanganak niya ang sanggol.

Nilapitan naman ang matanda ng kaibigan niya at tiningnan ang mga litrato. Pagkatapos, naluluha niyang…

Tulad Natin

Si Charles Schulz ang lumikha sa sikat na Peanuts komiks. Noong namatay siya, ikinuwento nang kanyang kaibigan at kapwa manunulat na si Cathy Guisewite ang tungkol sa kabaitan at pagiging maawain ni Charles.

Kuwento ni Cathy, “Lumikha siya ng mga karakter sa komiks na kung saan nararanasan ng mga ito ang mismong nararanasan ng mga tao. Dahil doon naging malapit sa…

Buong Sarili

Hindi masaya ang binatang si Isaac Watts sa mga kinakanta sa kanilang simbahan. Kaya hinamon siya ng kanyang ama na gumawa ng bagong kanta. Gumawa naman si Isaac. Sumikat ang ginawa niyang kanta na “When I Survey The Wondrous Cross.” Tungkol ito sa mga nararamdaman ni Isaac kapag pinag-iisipan niya ang kamatayan ni Jesus. Itinuring itong pinakamagandang kanta na inaawit ng…