Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Sumandal kay Jesus

Minsan, isinandal ko ang ulo ko sa isang unan at nanalangin. Iniisip ko sa panahong iyon na para bang nakasandal ako kay Jesus. Sa tuwing ginagawa ko iyon, naaalala ko ang sinabi sa Biblia tungkol kay Juan na apostol ni Jesus. Isinulat ni Juan ang tagpo kung saan nakasandal siya kay Jesus noong huling hapunan nila. Sinabi ni Juan, “Nakasandal…

Tagapamagitan

Noong 1962, nagpadala ng sulat ang bilanggong si Clarence Earl Gideon sa korte suprema ng Amerika para umapela sa ikinaso sa kanya na hindi naman niya ginawa. Sinabi pa niya na wala siyang kakayahan na magbayad sa isang abogado.

Pagkalipas ng isang taon, sinabi ng korte suprema na bibigyan ng libreng abogado o tagapamagitan ang isang taong walang kakayahang makapagbayad. Sa…

Tunay na Kaibigan

Minsan, nagtext sa akin ang matalik kong kaibigan. Sinabi niya, “Masaya ako na nasasabi natin sa isa’t isa ang mga magaganda at masasamang nangyayari sa ating buhay.” Matagal na kaming magkaibigan. Kaya naman, sanay na kaming damayan ang isa’t isa sa lungkot at saya. Alam namin na hindi kami perpekto kaya nagtutulungan kami sa aming mga pinagdadaanang pagsubok. Ikinagagalak din namin…

Masaya ka ba?

Bumenta ng 2 milyong kopya sa buong mundo ang librong isinulat ni Marie Kondo na taga Japan. Tungkol iyon sa pagbibigay ng payo kung paano aayusin ang mga gamit sa bahay. At kung ano ang mga bagay na dapat pa bang itabi o itapon na. Ipinayo ni Marie na hawakan mo raw ang isang gamit sa inyong bahay. Tapos, tanungin mo…

Sinubok at Tumatag

Nang kapanayamin si Meredith Andrews na isang mangaawit, sinabi nito ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay. Sinisikap niyang maging maayos ang kanyang trabaho at ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Pero sa hirap ng kanyang nararanasan, parang sinusubok daw siya ng Dios sa paraang halos hindi na niya makaya.

Dumanas din ng matinding pagsubok sa buhay si Job na binanggit sa…

Saan Ka Man Naroroon

May nakita akong maliit at kulay ubeng bulaklak na nag-iisa sa damuhan. Sigurado akong wala pang nakakakita ng ganoong bulaklak at marahil hindi na iyon makikita pang muli. Naisip ko tuloy kung bakit doon pa iyon tumubo.

Kailanma’y hindi nasasayang ang ganda ng kalikasan. Araw-araw nitong ipinapakita ang kabutihan, kagandahan at ang katotohanan tungkol sa Dios na siyang lumikha nito. Araw-araw…

Kahit anong mangyari

Sa aming lugar, marami na ang nagrereklamo sa patuloy na pagkawala ng kuryente. Minsan, tatlong beses sa loob ng isang linggo ito nangyayari at tumatagal ng 24 oras. Madilim ang buong lugar at mahirap para sa amin ang kumilos sa loob ng bahay.

Sa tuwing nawawalan ng kuryente, madalas itanong sa akin ng kapitbahay kong nagtitiwala rin sa Panginoong Jesus, “Maipagpa-…

Kita Kita

Minsan, nabalisa at nabagabag ako sa aking mga pinoproblema. Pero pumayapa ang loob ko sa sinabi ng aking kaibigan na kapwa ko manunulat. Sinabi niya sa akin, “Kita kitá”. Nais niyang iparating sa simpleng salitang iyon na nagmamalasakit siya sa akin at nakikita niya ang mga pinagdaraanan ko.

Ang pagpapalakas ng loob na iyon ng kaibigan ko ang nagpaalala sa akin…

Anong Meron?

Masayang-masaya ang apat na taong gulang na si Asher habang suot niya ang paborito niyang damit. Hugis ulo ng buwaya ang talukbong ng damit na iyon. Kung kaya’t para bang kinain ng buwaya ang ulo niya. Nagulat ang nanay niya sa kanyang suot. Nais sana ng nanay niya na maging maganda ang tingin sa kanila ng bibisitahin nilang pamilya. Kaya, sinabi…

Nagmamalasakit

Mag-isang pupunta ang bunso kong babae sa Barcelona mula Germany. Kaya, sinubaybayan ko ang biyahe niya sa pamamagitan ng pagtingin sa internet. Nakikita ko kung nasaan na ang sinasakyan niyang eroplano. Dumaan ito sa bansang Austria at sa hilagang bahagi ng Italy. Tatawid din ito sa karagatan at ipinapaalam din ng internet na eksakto sa oras ang dating nila sa Barcelona.…