Hindi Puwede!
Ipinanganak na walang mga binti si Jen at inabandona sa isang ospital. Kaya naman, isang pagpapala para sa kanya ang pag- ampon sa kanya. Tinulungan din siya ng bagong pamilya niya na makitang “ipinanganak siya ng ganito para sa isang dahilan.” Pinalaki nila siya na huwag magsabi ng “hindi puwede.” Hinikayat din nila siya upang maging isang magaling na akrobat…
Tunay Nating Kailangan
Hindi natutong bumasa at sumulat si Harriet Tubman. Dahil habang nagdadalaga, nagtamo siya ng sugat sa ulo, na gawa ng kanyang malupit na amo. Ang sugat na ito ang dahilan ng kanyang mga sumpong at palaging pagkawala ng malay habang buhay. Ngunit, noong makalaya siya sa pagiging alipin, kumilos ang Dios sa buhay niya upang mailigtas ang halos tatlong daang…
Hanapin Ang Dios
Pirouette. Tawag ito sa sunod-sunod na pag-ikot ng mga balerina at iba pang mananayaw. Noong bata pa ako, gustung-gusto ko itong ginagawa. Paikot-ikot hanggang sa mahilo. Ngayong tumanda na ako, natutunan ko ang isang paraan para gawin ito nang tama. Kailangan ko lang ituon ang paningin ko sa isang lugar, para kapag umikot alam ko kung naka-isang ikot na ako.…
Itaas
Minsan, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapaglibot at makita ang mga pandigmang eroplano ng aming bansa. Sinabi ng isang piloto na kailangan raw ng eroplano ng 56 kilometro kada oras na lakas ng hangin para makalipad ito sa himpapawid. Tinanong ko siya, “Hindi ba dapat nasa likuran ng eroplano ang hangin?” Sumagot ang piloto, “Hindi. Kailangan talagang lumipad ng mga…
Nakikita Ka
Sinabi ng gurong si Hannah Schell sa kanyang isinulat kung paano maging mahusay na tagapagturo. Ayon sa kanya, kailangang nakakahamon, nakapagpapalakas ng loob ng tao ang iyong pagtuturo. Ang pinakamahalaga rin daw ang makita mo ang totoong pagkatao nila. Mahalaga kasi sa tao, ang makita, makilala, at pagkatiwalaan siya.
Sa Bagong Tipan naman ng Biblia, mababasa natin ang tungkol kay…
Matalinong Pagpapayo
Noong 2019, nasunog ang Notre-Dame Cathedral sa Paris. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ito sa kahoy. Hindi agad naapula ang apoy kaya umabot ang sunog sa tore ng katedral. Dito natuon ang pansin ng lahat, dahil kung masusunog ang tore, tuluyan ng masisira ang katedral.
Pinalayo muna ni Heneral Gallet, pinuno ng mga bumbero, ang kanyang mga tauhan…
Iisa
Umabot ang balita kay David na isusubasta na ng bangko ang lupaing isinangla nila noon. Dala ang kanyang naipon, nagpunta si David sa lugar kung saan gaganapin ang pagbebenta. Doon, kasama niya ang higit sa dalawang daang lokal na magsasaka at mamimili. Tanong niya, “Sapat kaya ang pera ko?”
Nang tawagin ang lupa nila, agad na nagbigay ng presyo si…
Kapangyarihan Ng Pag-ibig
Mayroong dalawang matandang 80 taong gulang na at parehong namatay na ang kanilang mga asawa. Nakatira ang isa sa bansang Germany, ang isa naman ay sa bansang Denmark. Pareho ring nakatira sila malapit sa hangganan ng kanilang mga bansa. Kaya naman, 15 minuto lang ang layo ng kanilang bahay sa isa’t isa. Makikita sa dalawang matanda na nagmamahalan sila.
Pero,…
Hindi Nakalimutan
Kilala mo ba o pamilyar ba sa iyo ang pangalang George Liele (1750–1820)? Siguro ay hindi. Ngunit dapat malaman mo kung sino siya. Isa siya sa mga naunang misyoneryong nagpahayag ng Magandang Balita sa Georgia. Ipinanganak mang isang alipin si Liele, nakilala pa rin niya ang Panginoon.
Noong nakalaya siya sa pagiging alipin, ibinahagi niya ang tungkol kay Jesus sa bansang…
Pananampalataya
Habang naglalakad, nakaranas si Gary ang pagkawala ng kanyang balanse. Inutusan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa isang therapy upang maisaayos ang kanyang balanse. Sa isang pag-eensayo ni Gary sinabihan siya ng kanyang therapist, na “Masyado kang nagtitiwala sa nakikita mo, kahit mali ito. Hindi ka marunong umasa sa ibang parte ng katawan mo na makakatulong sa iyo upang maging…