Namumuhay Nang Maayos
May isang organisasyon sa South Korea na nagbibigay ng libreng burol para sa mga buhay. Simula noong 2012, mahigit 25,000 katao, kabataan hanggang sa retirado na, ang lumahok na rito para mas mapabuti ang pamumuhay nila sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kamatayan.
Sabi ng pamunuan, “Para bigyan ang mga lumalahok ng makatotohanang pananaw sa kanilang buhay, tulungan maging mapagpasalamat, at…
Mga Plano Ng Dios Para Sa’yo
Anim na taong sinubukan ni Agnes na maging huwarang asawa ng pastor tulad ng biyenan niyang babae. Naisip ni Agnes na ’di niya puwedeng isabay ang pagiging manunulat at pintor sa pagiging asawa ng pastor. Isinantabi niya ang pagkamalikhain, pero nakaramdam siya ng malalim na lungkot – nadepres at kinalaunan, nagtangkang magpakamatay.
Ang pastor na kapitbahay nila ang tumulong para…
Gabay Sa Buhay Ng Nagsisimula
Ninais kong sumulat ng ‘blog’ (sa internet) matapos ang biglaang pagkamatay ni inay. Nais ko kasing hikayatin ang mga tao na gamitin ang bawat minuto nila sa mundo para gumawa ng makabuluhang ambag.
Naghanap ako ng gabay sa mga baguhan sa pagsulat ng blog. Nalaman ko paano sumulat ng makabuluhang ‘blog,’ paano pumili ng titulo, at kung anong ‘platforms’ ang gagamitin kung saan…
Mga Salitang Hindi Kumukupas
Sa unang bahagi ng ikalabingsiyam na daantaon, may sinulat na kuwento si Thomas Carlyle na ’di pa nailalathala. Ibinigay niya ito kay John Stuart Mill para ipasuri. Sa kasamaang palad, napasama ito sa mga bagay na sinusunog. Kaisa-isang kopya pa naman ito. Pero ’di natinag sa hangarin si Carlyle. Muli niyang sinulat ang mga pahinang nawala. Mula sa isang matinding…
Ang Pinakamagaling Na Guro
“Hindi ko maintindihan!” Sabay ang himutok ng anak ko sa pagbalibag niya ng lapis sa mesa. Ginagawa niya ang pagsasanay sa math. Ako naman kakasimula lang bilang guro sa “homeschool” (pag-aaral sa sariling tahanan kaysa sa paaralan). ’Di ko na matandaan paano isalin ang decimal (0.5) sa fraction (½). 35 taon na’ng nakalipas nang inaral ko ito. Paano ko ituturo ang bagay na…
Sa Mesa Ng Hari
“Mabubuhay siya pero kailangang putulin ang kanyang paa.” Ito ang sabi ng doktor ng mga hayop. Nasagasaan kasi ng kotse ang asong kalye na dinala ng kaibigan ko sa doktor. Tanong ng doktor: “Ikaw ba’ng may-ari?” Malaki ang magiging bayarin pagkatapos ng operasyon at kailangang alagaan ang tuta habang nagpapagaling. Sagot ng kaibigan ko, “Ako na ngayon.” Dahil sa kabutihang…
Alang-alang Sa Iba
Nasa bahay lang ang maraming taga-Singapore para makaiwas sa nakakahawang bayrus habang may pandemya ng COVID-19. Pero nagpatuloy ako sa paglangoy; tiwala akong ligtas naman ito. Natakot ang misis ko na baka mahawa ako ng bayrus at maipasa ko ito sa nanay niyang mas mahina sa akin. Tanong ni misis, “Puwede bang huwag ka muna lumangoy alang-alang sa akin?” Igigiit…
Kailangan Ng Talino
Lumaki si Rob na walang ama at pakiramdam niya nawalan siya ng pagkakataong matuto ng mga praktikal na kaalaman na, kadalasan, itinuturo ng ama sa kanilang mga anak. Hindi niya gustong magkulang ang sinuman sa mahahalagang kakayahan kaya gumawa siya ng isang seryeng pinamagatang “Itay, Paano Ko?” Sa mga ‘video’ na ito, ipinapakita niya ang iba’t ibang kaalaman tulad ng kung…
Walang Ordinaryong Bagay
Sa araw ng ika-siyamnapung kaarawan, pumanaw si Anita habang natutulog. Tahimik na paglisan tulad ng tahimik niyang buhay. Isang balo, itinuon niya ang buhay sa mga anak niya at mga apo at sa pagiging kaibigan sa mga nakababatang kababaihan sa kanilang simbahan.
Marahil tila ordinaryo lang sa kakayahan at nakamit si Anita pero inspirasyon siya ng mga nakakakilala sa kanya…
Labanang Nakakuryente
Kung gumagamit ka ng ‘toaster’ (gamit sa kusina pang-init at pangtusta ng tinapay), nakikinabang ka sa isang matinding tunggalian noong huling bahagi ng ikalabingsiyam na daantaon. Naglaban noon ang mga imbentor na sina Thomas Edison at Nikola Tesla kung anong uri ng kuryente ang pinakamainam paunlarin, ‘direct current’ (DC) tulad ng pagpapailaw ng baterya sa ‘flashlight’ o ‘alternating current’ (AC) tulad ng daloy mula sa…