Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pangangalaga Ng Dios

Bida sa isang palabas sa telebisyon si Ginoong Adrian Monk. Isa siyang detective na maraming kinatatakutan gaya na lamang ng mga karayom, bubuyog, pagsakay sa elevator at marami pang iba. Pero nang makulong sila ng kontrabidang si Harold Krenshaw sa likuran ng isang kotse, napagtagumpayan niya ang isang kinatatakutan niya. Ito ay ang claustrophobia o ang takot na makulong sa isang…

Kabutihang-loob

Nagturo si Martha sa isang paaralang pang-elementarya sa loob ng halos tatlumpung taon. Bawat taon, nag-iipon siya ng pera pambili ng mga damit sa mga mag-aaral na nangangailangan. Nang pumanaw siya dahil sa sakit na leukemia, inalala namin ang mabubuti niyang ginawa. Sa halip na magbigay ng mga bulaklak, nagbigay ang mga taong nakiramay ng mga damit sa mga mag-aaral…

Nakikinig Siya

Napansin ng dating presidente ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na laging maraming tao sa White House. Pero sa kabila nito, hindi naman nakikinig sa sinasabi ng bawat isa ang mga nandoon.

Kaya, sinubukan niyang batiin ang mga taong nakapila at kinamayan sila habang sinasabi na, “Pinatay ko ang aking lola kaninang umaga.” Nagulat siya dahil ang tugon ng…

Mga Anak Ng Dios

Minsan, naimbitahan ako na magbigay ng mensahe sa mga mag-asawa na hindi pinagkalooban ng Dios na magkaroon ng anak. Nakakasimpatya ako sa kanila dahil kami ring mag-asawa ay hindi nagkaroon ng sarili naming anak. Pero ito ang sinabi ko sa mga dumalong mag-asawa upang lumakas ang kanilang loob: “Maaari pa ring maging buo ang ating pagkatao kahit hindi tayo naging…

Ipahayag Ang Pananampalataya

Isang manunulat si Becky Pippert at nagpapahayag ng tungkol sa paraan ng kaligtasan na ginawa ng Panginoong Jesus. Tumira siya sa bansang Ireland. Nang nandoon siya, nais niyang ipahayag sa manikuristang si Heather ang tungkol kay Jesus. Pero tila hindi interesado si Heather kaya nanalangin muna si Becky sa Dios.

Minsan, habang nililinisan siya ni Heather ng kuko, napatitig si…

Binago Na

May isang sikat na palabas sa telebisyon kung saan inaayos ang mga lumang bahay at ginagawa itong bago muli. Pinapaganda ang mga pader at pinipinturahang muli ang bahay. May isang eksena sa palabas na iyon na sobrang namangha ang may-ari ng bahay sa pagbabagong nakita niya. Tuwang-tuwa siya at tatlong beses niyang nasabi na, “Napakaganda!”

Mayroon din naman tayong mababasa…

Kasama Ang Dios

Bumili si Aubrey ng isang magandang jacket para sa kanyang tatay na matanda na. Pero hindi na ito naisuot ng tatay ni Aubrey dahil pumanaw na ito. Naisip ni Aubrey na ibigay na lamang ang jacket bilang donasyon. Nilagyan din niya ang bulsa ng jacket ng pera at sulat na naglalaman ng pagpapalakas ng loob sa kung sino man ang makakabasa nito.

Samantala,…

Tagumpay Sa Dios

Isa ang kabayong si Drummer Boy na nakasama sa labanan ng mga sundalong taga-Britanya noong taong 1854. Kahit na sugatan si Drummer Boy sa pakikipaglaban, nagpakita pa rin ito ng katapangan, kalakasan at hindi pagsuko. Kaya nagdesisyon ang namuno sa labanan na si Lieutenant Colonel de Salis na dapat ding bigyang parangal ang kabayong si Drummer Boy kasama ng matatapang…

Maglaan Ng Oras

Ang A River Runs Through It ay isang magandang kuwento tungkol sa dalawang magkapatid at sa kanilang tatay na isang pastor. Dalawang beses nagbibigay ng sermon ang kanilang tatay sa simbahan tuwing Linggo – isa sa umaga at isa sa gabi.

Nakikinig ang magkapatid na Paul at Norman sa pagtuturo ng kanilang tatay tuwing Linggo nang umaga. Pero bago magturo muli…

Mas Makapangyarihan

Ano sa tingin mo ang hitsura ng dinosaur noong nabubuhay pa ang mga ito? Kagaya ba ito ng mga nakikita nating larawan sa ngayon na may malalaking ngipin, mahahabang buntot at makaliskis na balat?

Makikita sa Sam Noble Oklahoma Museum ang ipinintang larawan ni Karen Carr ng mga naglalakihang dinosaur. Ang isa sa larawang iginuhit niya ay halos 20 talampakan ang…