Maglaan Ng Oras
Ang A River Runs Through It ay isang magandang kuwento tungkol sa dalawang magkapatid at sa kanilang tatay na isang pastor. Dalawang beses nagbibigay ng sermon ang kanilang tatay sa simbahan tuwing Linggo – isa sa umaga at isa sa gabi.
Nakikinig ang magkapatid na Paul at Norman sa pagtuturo ng kanilang tatay tuwing Linggo nang umaga. Pero bago magturo muli…
Mas Makapangyarihan
Ano sa tingin mo ang hitsura ng dinosaur noong nabubuhay pa ang mga ito? Kagaya ba ito ng mga nakikita nating larawan sa ngayon na may malalaking ngipin, mahahabang buntot at makaliskis na balat?
Makikita sa Sam Noble Oklahoma Museum ang ipinintang larawan ni Karen Carr ng mga naglalakihang dinosaur. Ang isa sa larawang iginuhit niya ay halos 20 talampakan ang…
Mapayapang Buhay
May isang lugar sa Perth, Australia na tinatawag na Shalom House. Tinutulungan dito ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot, pagsusugal at pag-inom ng alak. Ang ibig sabihin ng salitang shalom sa wikang Hebreo ay kapayapaan. Tinutulungan sila dito na mabago ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig at kapayapaang nagmumula sa Dios.
Nababago rin ang kanilang buhay kapag nauunawaan…
Umasa Sa Dios
Noong 2017, natalo ng Soca Warriors ang koponan ng manlalaro ng Amerika sa larong football. Ang Soca Warriors ay mula sa maliit na bansa ng Trinidad at Tobago. Hindi inaasahan ang pagkapanalo ng Soca Warriors dahil higit na mahuhusay ang manlalaro ng Amerika. Hindi nagpatinag ang Soca Warriors at ang determinasyon nila ang naging susi upang manalo sila at makapasok…
Pag-aaral Ng Biblia
Nagkakilala sina Marge at Tami sa isang pagtitipon kung saan pinag-aaralan ang Biblia.
Ikinuwento ni Tami kay Marge na noong una ay nahihirapan siyang maunawaan ang Biblia. Lalo na ang sinasabi ng mga kababaihang kasama niya sa pag-aaral ng Biblia tungkol sa kung paano kumikilos ang Dios sa buhay nila. Hindi pa raw kasi niya nararanasan noon ang pagkilos ng…
Pag-aaruga Ng Ama
May narinig ako na kumalabog sa aming bintana. Sumilip ako at nakita ko ang isang ibon na nahihirapan. Naawa ako sa ibon kaya kinuha ko ito at inalagaan.
Mababasa naman sa Mateo 10 kung paano inilarawan ni Jesus ang pag-aalaga ng Dios Ama sa mga ibong maya. Ginamit ni Jesus ang paglalarawan na ito upang palakasin ang loob ng Kanyang…
Kapangyarihan Ng Dios
Sinabihan na ng mga doktor ang mag-asawang sina Rebecca at Russel na hindi na sila magkakaanak. Pero may ibang plano sa kanila ang Dios. Nagdalang-tao si Rebecca makalipas ang sampung taon. Naging maayos at malusog din ang kanyang pagbubuntis.
Nang dumating na ang panahon na manganganak na si Rebecca, naging mahirap para sa kanya ang panganganak. Kailangan siyang operahan upang…
Kaharian Ng Dios
Matagal nang nagtuturo ang aking ina sa mga bata sa aming simbahan. Nais niya kasing matuto ang mga bata tungkol kay Jesus.
Halos 55 taon na ang iginugol niya sa paglilingkod sa mga bata. Naaalala ko pa nga na minsang nakipagtalo siya nang hindi makapaglaan ng pera para sa gawain sa mga bata ang aming simbahan. Para sa kanya kasi…
Kilala Ng Dios
Umalis kami sa simbahan na matagal na naming dinadaluhan dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro doon. Pero makalipas ang tatlong taon, nagkaroon muli kami ng pagkakataon na makasama sila. Nag-aalinlangan ako bago kami muling makipagkita sa kanila. Iniisip ko kung paano nila kami tatanggapin at kung napatawad na kaya nila kami dahil sa aming pag-alis.
Pero nawala…
Kamangha-mangha
Matanda na si Ginang Goodrich at may mga pagkakataong pinagbubulayan niya kung ano ang mga naranasan niya sa buhay. Minsan, habang nakaupo siya malapit sa kanyang bintana at nakatingin sa magandang dalampasigan, inabot niya ang papel at sumulat ng isang tula.
“Nakaupo ako at nagmamasid sa aking paligid. Pagkamangha ko ay walang patid. Kay gandang pagmasdan ang araw at alon.…