Month: Abril 2026

ANG DIOS ANG AKING KAAGAPAY

Malapit nang magdiwang ng kanyang ikawalumpu’t-limang kaarawan ang kaibigan kong si Raleigh. Naging inspirasyon siya sa akin mula pa noong una naming pag-uusap, tatlumpu’t limang taon na ang nakalipas. Kamakailan, nabanggit niya na simula nang magretiro, nakapagsulat na siya ng isang aklat at nagsimula ng panibagong gawain.

Hindi ako nagulat. Gayundin kasi si Caleb sa Biblia. Sa edad na walumpu’t…

PAGKAKAISA SA KABILA NG PAGKAKAIBA

Sa sanaysay na Service and the Spectrum, isinulat ng propesor na si Daniel Bowman Jr. ang hamon ng paglilingkod sa simbahan bilang isang taong may autism (isang kondisyong nakakaapekto sa isip at pag-uugali). Paliwanag niya, para sa kanilang may autism, laging bago ang bawat pagkakataon. At nangangailangan ang bawat isang pagkakataon ng espesyal na konsiderasyon sa aspetong mental, emosyonal, at pisikal.…

ANG TUNAY NA TAGAPAMAYAPA

Noong Disyembre 30, 1862, sa gitna ng Digmaang Sibil sa Amerika, nagkampo ang magkalabang Union at Confederate sa magkabilang panig ng Stones River sa lugar ng Tennessee. Habang nagpapainit sa paligid ng apoy, nagsimulang tugtugin ng mga sundalo ng Union ang “Yankie Doodle.” Bilang tugon, tumugtog naman ng “Dixie” ang mga sundalo ng Confederate. Sa isang kahanga-hangang sandali, magkasabay nilang tinugtog ang “Home, Sweet…

KOMUNIDAD SA PANGINOON

Sumali si Jordon sa isang reality show kung saan kailangang mamuhay siya sa kagubatan nang mag-isa gamit ang kakaunting kagamitan. Ngunit hindi mababangis na oso, matinding lamig, gutom, o pinsala ang nagtulak sa kanya upang sumuko—kundi ang matinding pangungulila sa kanyang pamilya. Sabi niya, “Alam kong ang tanging paraan para manalo ako ay kalimutan ang aking asawa at mga anak. Pero…

ANG PAIT NG NAKAW NA TAMIS

Sa bansang Germany, may mga magnanakaw na tumangay ng isang truck ng tsokolate. Higit 20 tonelada iyon at nagkakahalaga ng tinatayang $80,000 o milyun-milyong piso. Dahil dito, nagbabala ang mga pulis na magsumbong agad kung may makitang nagbebenta ng maraming tsokolate sa hindi pangkaraniwang paraan. Siguradong haharap sa matindi at mapait na parusa ang mga nagnakaw kapag nahuli sila.

Itinuturo ng Kawikaan…