Ligtas
Masayang hinihintay ng tribong Kandas mula sa Papua New Guinea ang pagdating ng Bibliang isinalin sa wika nila. Pero, kailangang dumaan sa karagatan ang maliliit na bangka sakay ang mga taong may dala ng mga Biblia. Ano ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga ito para maglakbay sa mapanganib na dagat? Maliban sa sanay silang magpalaot, nakikilala nila kung…
Huwag Magmamadali
May isang babae akong nakikita na araw-araw na nag-eehersisyo sa aming lugar. Ang paraan ng pag-eehersisyo niya ay iba sa pagtakbo o pagjo-jogging. Isa siyang power walker. Ang power walking ay isang uri ng ehersisyo kung saan pinipigilan ng tao na huwag tumakbo nang mabilis. Tila hindi nito kailangan ng maraming enerhiya, pokus, at lakas. Pero kontrolado ng isang power walker…
Makakaya Niya
Dinala ng isang babae ang keyk patungo sa kahera. Kasama niyang binili ang birthday card at iba pang pagkain. Tila pagod na pagod ang babae. Kasama niya ang umiiyak niyang anak sa tabi niya. Nang sabihin na ng kahera ang presyo ng lahat ng binili niya, nalungkot ang babae. “Siguro kailangan kong ibalik ang iba kong pinamili. Para sana sa kaarawan…
Pagharap Sa Dilim
Noong taong 1960, dalawang tao ang sumali sa isang pag-aaral tungkol sa epekto ng dilim sa isip ng tao. Pumasok sila sa magkaibang kweba. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang paraan nila kung paano kumain at matulog sa dilim. Ang isa sa kanila ay nanatili sa madilim na kuweba sa loob ng 88 araw. Ang isa naman ay nanatili ng 126…
Sinuyo Ng Dios
“Lagi ko Siyang tinatakasan, sa araw at gabi.” Ito ang unang linya ng sikat na tulang “The Hound of Heaven” na isinulat ni Francis Thompson. Inilarawan dito ni Thompson kung paanong hindi tumitigil ang pagmamahal ng Panginoon sa atin kahit pa palagi tayong tumatakbong palayo sa Kanya.
Ang pagmamahal at pagsuyo naman ng Dios ang tema ng Aklat ng Jonas sa…
Pinatawad Na
Sa aklat na Human Universals na isinulat ng antropologong si Donald Brown, mayroon daw halos apat na raang iba’t ibang uri ng ugali ang mga tao. Nakasaad din sa libro ang konsepto ng tama at mali. Ayon kay Brown, kabilang sa mga mabuting gawain ang pagtulong sa iba at pagtupad sa mga pangako. Maling gawa naman ang hindi pagpapatawad at pagpatay.…
Maningning Na Mga Bituin
Kapag ipinipikit ko ang mga mata ko, muli kong naaalala ang kabataan ko. Naaalala kong tinitingnan namin noon ng tatay ko ang mga bituin sa kalangitan. Salitan kaming sumisilip sa teleskopyo para makita ang mga nagniningning na mga bituin. Namumukod-tangi ang liwanag ng mga ito sa likod ng madilim na kalangitan.
Maituturing mo bang isa kang maningning na bituin? Hindi…
Sa Piling Niya
Nakaupo sa tabi ko ang alaga kong aso. Nakatingin ito sa kawalan. Sigurado akong hindi nito iniisip ang kamatayan. Hindi nito inaalala ang hinaharap katulad natin. Kahit ano pa man ang edad at katayuan natin, tiyak na sumasagi sa isip natin ang tungkol sa kamatayan. Ayon sa Salmo 49:20, naiisip natin ang kamatayan at hinaharap dahil hindi tayo tulad ng…
Masaganang Pagpapala
Ayon sa isang balita, nakaranas ng matinding tagtuyot, init, at sunog ang bansang Australia. Nakasaad dito na sa loob ng isang taon, dumanas ng matinding tagtuyot ang nasabing bansa. Hindi naranasan ang pag-ulan doon. Maraming mga sunog ang naganap. Maraming mga isda at pananim ang namatay at nasira. Nangyari ito dahil nakalimutan ng mga taong pahalagahan ang pagkakaroon ng masaganang…
Bagong Pananaw
Matapos maoperahan ang kaliwang mata ko, sinabi ng doktor na dapat suriin ang paningin ko. Nakakaya kong magbasa kahit may takip ang kanang mata ko. Pero nang takpan na ang kaliwang mata ko, bigla akong napahinto. Hindi ko mabasa ang mga letra. Tila nabulag ako.
Binigyan naman ako ng doktor ng salamin para luminaw ang paningin ko. Bigla kong naihambing…