Sablay Na Plano
Habang nag-iikot ako noon sa bagong Aklatan sa aming komunidad, nakarinig ako ng malakas na tunog na parang may mabigat na bumagsak. Nasa pinakababang bahagi ng gusali nakapuwesto ang Aklatan na iyon. Paulit-ulit na nangyari ang ingay ng tunog.
Kaya naman, lumapit na ang namamahala sa Aklatan. Nagpaliwanag siya na ang itaas ng Aklatan ang lugar kung saan nagsasanay ang…
May Galak Sa Pagpupuri
Nang magtiwala sa Panginoong Jesus ang sikat na manunulat na si C. S Lewis, hindi niya agad makayang purihin ang Dios. Sinabi ni Lewis na nahirapan siyang purihin ang Dios dahil hinihingi ng Dios na gawin ito para sa Kanya. Gayon pa man, napagtanto ni Lewis na sa pamamagitan ng ating pagsamba at pagpupuri sa Dios ay ipinapadama ng Dios…
Doon Sa Hardin
Gustung-gusto ng tatay ko ang umawit ng mga himno. Isa sa pinakapaborito niya ang himno na “Doon sa Hardin”. Inawit namin ang himnong ito noong ibinurol ang aking tatay. Simple lang ang sinabi sa koro ng kanta. Sinasabi roon na kasama natin ang Dios, kinakausap Niya tayo at sinasabi ng Dios na anak Niya tayo. At ang kagalakang dulot nito…
Pagmamahal Ang Pipigil
Sa bansa ng Samoan, nagpapatattoo ang halos lahat ng mga kalalakihan bilang simbolo ng responsibilidad sa kanilang bayan at pamilya. Kaya naman, ang buong miyembro ng Samoan Rugby Team ay nababalutan ng mga tattoo ang braso.
Kaya, nang pumunta sila sa bansang Japan, nagkaroon sila ng kaunting problema tungkol sa kanilang tattoo. Mayroon kasing hindi magandang pagtingin ang mga taga Japan sa mga…
Ang Halaga
Marami tayong matututunan sa mga obrang ginawa ng sikat na pintor na si Michelangelo tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Noong 1540, gumawa ng simpleng larawan si Michelangelo para sa kaibigan niyang si Vittoria Colona. Makikita sa larawan ang namatay na si Jesus habang karga ng kanyang ina na si Maria. Makikita rin sa likuran ni Maria ang isang krus…
Mga Nakay Cristo
Mahabang panahon at pag-aaral ang ginugol ng Harvard Study of Adult Development upang lubos na maunawaan ang magandang bunga ng pagkakaroon ng maayos na relasyon sa iba.
Sinimulan ang pag-aaral nila noong 1930. Kinakapanayam nila ang iba’t ibang tao at sinusuri ang kanilang mga talaan na may kinalaman sa kanilang kalusugan. Nadiskubre nila na malaking bahagi upang matukoy na masaya ang…
Matibay Na Masasandalan
Nakatira ang aming pamilya sa isang bahay na malapit nang mag-isang daang taon ang tanda. Medyo marurupok na rin ang mga pader nito na gawa sa kahoy. Kaya naman, sinabihan ako ng mga nag-aayos ng aming bahay na pagkatapos kong ipako ang lagayan ng aming larawan ay dikitan ko pa ito para lalong tumibay. Kung hindi ko raw iyon gagawin…
Kasama Ang Dios
Noong Enero 28, 1986, sumabog ang US Space Shuttle Challenger matapos itong lumipad ng ilang segundo. Sa isang talumpati ni Pangulong Reagan para palakasin ang loob ng kanyang mga kababayan, binanggit niya ang isang tula. Tumutukoy ang tula sa kung paano nakikita ang kaluwalhatian ng Dios sa Kanyang mga nilikha. Sinabi pa roon na parang nahahawakan natin ang mukha ng Dios…
Sabay Sa Alon
Minsan, pumunta kami ng asawa ko sa Isla ng Hawaii. Umupo ako sa isang malaking bato sa tabi ng dagat habang ang asawa ko ay masayang kumuha ng larawan ng napakagandang paligid.
Habang nakaupo naman ako at nagbubulay-bulay, naagaw ang atensyon ko ng isang malaki at rumaragasang alon. May nakita rin akong malaking anino ng isang bagay na parang nakasakay…
Tingnan Mo Ako
Minsan, nagbakasyon kaming pamilya kasama ang aking mga apo. “Tingnan mo po ako Lola sa aking pagsasayaw,” sigaw ng tatlong gulang kong apo habang masaya siyang patakbo-takbo sa aming tinutuluyan. Sinabi naman ng kuya niya, na hindi siya sumayaw kundi tumatakbo lang. Pero masayang-masaya at hindi nagpapigil sa pagsayaw ang aking apo.
Masayang-masaya din naman noon ang mga tao noong…