Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Tayo Dios

May mga tanong sa aklat ni C.S. Lewis na Mere Christianity na maaari nating itanong sa ating mga sarili upang malaman natin kung mayabang ba tayo: “Gaano ko kagusto na pinapansin ako ng ibang tao? Nais ko bang pinupuri ako ng ibang tao?” Ayon kay Lewis, ang kayabangan ang pinakamasamang katangian sa lahat. Ito ang pinakadahilan ng pagkasira ng mga tahanan…

Umawit Ng Papuri

Isang dating mang-aawit si Nancy Gustafson. Minsan, nang dalawin ni Nancy ang kanyang ina na maysakit na dementia, lubha siyang nalungkot nang mapansin niyang lumala na ang pagiging ulyanin nito. Hindi na nagsasalita ang kanyang ina at pati siya ay hindi na nito nakikilala. Naisip ni Nancy na awitan ang kanyang ina nang muli niya itong dalawin. Natuwa ang kanyang…

Desperadong Solusyon

Noong taong 1584, sinadyang pinabaha ni William of Orange ang ilang mga lugar na kanyang nasasakupan. Ginawa niya ang desperadong solusyon na ito para hindi sila masakop ng mga Espanyol. Pero hindi rin naging epektibo ang ginawa niya at nasira pa ang malalawak na mga bukirin. May kasabihan nga na, “Sa mga desperadong panahon, desperadong pamamaraan na rin ang dapat…

Pagbabago Ng Isip

Noong nasa kolehiyo ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagbakasyon sa bansang Venezuela. Masasarap ang mga pagkain doon, maganda ang klima at mababait ang mga tao. Pero ang napansin ko sa mga bagong kaibigan na nakilala ko na magkaiba kami ng pagpapahalaga sa oras. Halimbawa na lamang, kung magkikita-kita kami para sama-samang mag-tanghalian, hindi sila dumadating agad sa oras na…

Magkamukha

Minsan, nang magbakasyon kami, nakausap namin ang isang babae na matagal nang kilala ang asawa ko kahit noong bata pa siya. Tiningnan niya ang asawa kong si Alan at ang anak kong si Xavier. Sinabi ng babae, “Kamukhang-kamukha niya ang kanyang tatay noong bata pa ito.” Tuwang-tuwa ang babae at sinabi pa na may tila pagkakatulad sila sa pag-uugali. Pero…

Paghingi Ng Saklolo

Malamig sa lugar na Alaska at laging may snow dito. Minsan, may nasunog na bahay sa isang liblib na lugar dito. Halos walang natirang gamit at pagkain ang taong nasunugan. Makalipas ang tatlong linggo, nabigyan siya ng saklolo nang may dumaan na eroplano sa kanyang lugar at nakita ang isinulat niya na mga letrang SOS sa snow.

Humingi rin naman ng saklolo…

May Bago Ba?

Mahirap magsaka kung walang tubig na mapagkukunan. Ito ang naging problema sa lugar na Somaliland Africa. Kaya naman, para masolusyunan ang problema sa tubig, isang bagong paraan ang ginawa ng Seawater Greenhouse Company upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na iyon at sa iba pang lugar.

Gumawa sila ng tinatawag na “cooling houses” kung saan sinasala ang tubig na nanggagaling sa…

Masayang Pagdiriwang

Isang taon bago pumanaw ang kaibigan kong si Sharon, pumanaw rin si Melissa na anak ng kaibigan kong si Dave. Aksidente sa kotse ang parehong sanhi ng kanilang pagpanaw. Minsan, napanaginipan ko sina Sharon at Melissa. Masaya silang nagkukuwentuhan habang nagdedekorasyon sila ng isang kuwarto. Sa kuwartong iyon ay may mahabang mesa at gintong mga plato at mga baso. Tinanong…

Tumigil at Makinig

May grupo ng mga manggagawa na nagtatabas ng mga bloke ng yelo at inilalagay nila ito sa isang kuwarto na walang bintana. Napansin ng isa sa mga manggagawa na nawawala ang suot niyang relo. Hinanap nila ang relo sa buong kuwarto pero hindi nila nakita. Nang lumabas sila sa kuwartong iyon, pumasok naman doon ang isang batang lalaki. Paglabas niya…

Maghintay

Ang pelikulang Hachi: A Dog’s Tale ay tungkol sa isang propesor at sa alaga niyang aso. Ipinakita ng asong si Hachi ang katapatan niya sa kanyang amo sa pamamagitan nang paghihintay rito sa istasyon ng tren tuwing umuuwi ito galing trabaho. Isang araw, nastroke at namatay ang propesor habang nasa trabaho ito. Naghintay pa rin si Hachi sa istasyon ng tren dahil…