May Puwang Para Sa Akin
May isang matandang beteranong sundalo ang matapang at matalim magsalita. Minsan, tinanong siya ng kanyang kaibigan tungkol sa kanyang paniniwalang espirituwal. Kaagad siyang sumagot, “Wala namang puwang ang Dios para sa katulad ko.”
Marahil ang sagot niya ay bahagi lamang ng kanyang ipinakikitang katauhan bilang tigasin at may katapangan, ngunit hindi rin naman ito nalalayo sa katotohanan. Ang Dios ay…
Makabuluhang Buhay
“Magbabakasyon tayo!” Ito ang masayang sinabi ng asawa ko sa tatlong taong gulang naming apo na si Austin. Sagot naman ni Austin, “Hindi ako magbabakasyon. Pupunta ako sa isang misyon!”
Hindi namin alam kung saan nalaman ng apo namin ang tungkol sa pagmimisyon. Pero napaisip ako sa sinabi niya. Nasa isip ko pa rin ba na ako’y nasa isang misyon…
Pag-iwas Sa Alitan
Sa kanyang pagbibigay ng parangal para sa kapareho niyang dalubhasa na si Hendrik A. Lorentz, hindi na binanggit pa ni Albert Einstein ang naging alitan nila. Sa halip, binigyang-diin niya ang pagiging mahinahon at patas ni Lorentz. Sinabi ni Einstien, “Sinusunod siya ng marami, dahil hindi siya dominante at nais niya laging makatulong.”
Hinikayat naman ni Lorentz ang iba pang…
Magiting Na Kilos
Walang ideya si John Harper at ang anim na taong gulang niyang anak na babae sa mangyayari sa kanila nang sumakay sila sa Titanic. Noong sumalpok ang barko sa yelo at nagsimulang pumasok ang tubig sa barko, kaagad na isinakay ni John ang kanyang anak sa isang bangka upang maligtas ito.
Habang siya naman ay tumulong sagipin ang ibang tao.…
Maling Pagtitiwala
Ilang taon na rin nang seryosohin ko ang payo ng aking doktor tungkol sa aking kalusugan. Kaya naman, sinimulan ko ang mag-ehersisyo at kumain nang tama lang para sa aking katawan. Naging maganda ang epekto nito sa akin. Bumababa ang aking timbang, bumuti ang aking kalusugan at tumaas ang tiwala ko sa sarili. Pero mayroong hindi magandang nangyari sa akin.…
Kung Puwede Lang
Sa lakas ng bagyo ay parang hinahagupit ang puno ng cedar sa bakuran nina Regie. Dahil mahalaga ang punong ito sa kanila, kaagad siyang humingi ng tulong sa kanyang 15 taong gulang na anak upang pigilan ang tuluyang pagkabunot ng ugat nito. Walang nagawa ang pinagsama nilang lakas para mapigilan ang pagbagsak ng puno.
Ang Dios naman ang naging kalakasan…
Walang Imposible
Minsan, dinala namin ang aming mga mag-aaral sa isang obstacle course kung saan kinailangan nilang umakyat sa isang pader na walong talampakan ang taas. Kahit na nagbibigay ng lakas ng loob ang mga nauna nang umakyat, may mga mag-aaral pa rin ang natatakot at nawawalan ng tiwala. Sinabi ng isang estudyante, “Imposibleng maakyat ko iyan.” Dahil sa patuloy naming paghikayat at…
Hiram Na Sapatos
Isa ang pamilya ni Gabe sa naapektuhan ng sunog sa kagubatan ng California noong 2018. Dahil sa nangyari sa kanila, hindi siya nakadalo sa ensayo ng karera ng takbuhan kung saan pipiliin ang magiging panlaban ng kanilang paaralan. Malaking bagay iyon kay Gabe dahil matagal na niya iyong pinaghandaan. Buti na lamang at binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.…
Sa Gitna Ng Apoy
Halos 50,000 ektarya ng kakahuyan ang naapektuhan ng sunog sa kagubatan ng Andilla, Spain. Pero sa gitna ng pagkasira, nasa 1,000 puno naman ng sipres ang nanatiling nakatayo dahil sa kakayanan nitong makatagal sa apoy.
Noong panahon naman ng paghahari ni Nebucadnezar, may magkakaibigang nakaligtas mula sa apoy. Tumanggi noon sina Shadrac, Meshac, at Abednego na sumamba sa rebulto na…
Nagsalita Ang Dios
Hinarang si Lily sa isang paliparan nang minsang umuwi siya mula sa ibang bansa. Si Lily ay isang tagasalin ng Biblia. Nakita ng mga opisyal sa kanyang cellphone ang naka-record na kopya ng Bagong Tipan. Dalawang oras siyang tinanong ng mga ito tungkol dito. Hiniling pa nga ng mga ito na marinig ang kopyang nabanggit.
Tamang-tama naman nang buksan ni Lily ang…