Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hinati Para Ibahagi

Mula ng mamatay ang asawa niya sa isang aksidente, tuwing Huwebes ay nagkikita kami. Minsan may mga tanong siyang wala namang kasagutan; minsan gusto lang niyang alalahanin ang nakaraan. Sa paglipas ng panahon, natanggap niyang kahit resulta ng pagkasira ng mundo ang aksidenteng iyon, kaya ng Dios na gumawa sa gitna noon. Ilang taon pagkatapos, nagturo siya sa simbahan namin…

Iingatan Ng Dios

Bago tuluyang magpaalam ang maliit naming apo, lumingon muna siya at nagtanong, “Lola, bakit ka po tumatayo sa bakuran at pinapanood kaming umalis?” Napangiti ako sa kanya dahil sa cute niyang tanong. Pero sinubukan ko siyang bigyan ng magandang sagot, “Kagandahang-loob iyon. Kung bisita kita, pinapakita kong nag-aalala ako sayo ‘pag binantayan kita hanggang sa makaalis ka.” Nagulumihanan pa rin…

Itaas Ang Papuri

Matutukoy kung saan iginuhit ang isang mapa base sa kung ano ang nasa gitna nito. Gawi nating isipin na ang tahanan natin ang sentro ng mundo, kaya nilalagyan natin ng tuldok sa gitna at gumuguhit tayo mula roon. Maaaring ilang kilometro pa ang layo ng malapit na bayan pero lahat iyon ay nilalarawan base sa kaugnayan nito sa lugar kung…

Higit Sa Nakikita Ng Mata

Sa mga nangangabayo at sumasali sa mga kompetisyon na may kabayo, madalas silang makita—mga taong may apat na daliri sa isang kamay at isang umbok kung saan naroon dapat ang hinlalaki. Karaniwan itong pinsala sa mga ganitong laro—naiipit sa tali ang daliring ito at nahihila. Hindi naman ito dahilan para hindi na makasali sa laro ang sinumang mawalan nito, pero…

Basahin Ang Libro

Ayon sa survey na ginawa ng National Book Development Board noong 2017, maraming Pilipino ang mahilig pa ring magbasa ng libro. May mga nagbabasa para maglibang, iyong iba para matuto ng mga bagong bagay, at may iba naman na gustong pabutihin ang kanilang bokabularyo. Gumugugol ng ilang oras ang isang tao sa pagbabasa ng mga libro anuman ang anyo nito—nilimbag…

Mga Nasirang Plano

Natapos ang plano ni Jane na maging speech therapist noong malaman niya sa internship na masyadong mahirap para sa emosyon niya ang trabahong iyon. Pagkatapos, nabigyan siya ng pagkakataon na magsulat para sa isang magazine. Hindi niya makita ang sarili bilang isang manunulat, pero matapos ang mga taon, natagpuan niya ang sarili na nagtataguyod sa mga nangangailangang pamilya sa pamamagitan…

Nakuryente

“Pakiramdam ko, para akong nakuryente,” sabi ni Professor Holly Ordway, noong pinapaliwanag niya ang reaksyon niya sa napakagandang tula ni John Donne, ang “Holy Sonnet 14.” “May kung anong nangyayari sa tulang ito,” naisip niya. “Hindi ko alam kung ano iyon.” Naalala pa ni Ordway, iyon ang sandali na tumanggap ng mga kaisipang supernatural ang pananaw niya sa mundo na…

Lubos Na Kilala

“Wala ka na dapat dito ngayon. Buti na lang may nagbabantay sayo mula sa itaas,” sabi ng tow truck driver sa nanay ko pagkatapos hilahin ang kotse ng nanay ko na nasiraan sa tabi ng matarik na bangin. Pinagbubuntis ako ni Mama noon. Habang lumalaki ako, madalas niyang ikuwento kung paano kami iniligtas ng Dios noong araw na iyon, at…

Tinawag Upang Iwan

Pangarap ko noon na maikasal sa aking high school boyfriend—hanggang sa naghiwalay kami. Lumabo ang kinabukasan at namroblema ako kung ano ang gagawin sa buhay ko. Sa huli, naramdaman kong tinatawag ako ng Dios sa paglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba, kaya nag-aral ako sa seminaryo. Pagkatapos, para akong sinampal ng katotohanan na lalayo na ako sa…

Bawat Pagkakataon

Nakahuli ka na ba ng dragon? Ako hindi pa, hanggang sa nakumbinsi ako ng aking anak na mag-download ng isang laro sa cellphone. Mayroong mapa doon na kagaya sa totoong buhay, tapos puwede mong hulihin iyong makukulay na dragon na malapit sayo.

Hindi gaya sa ibang game, kailangan dito ng paggalaw. Bahagi ng laro iyong lugar na kinaroonan mo. Ang…