Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ligtas na Lugar

Habang sinasalanta ng napalakas na bagyo ang Wilmington, North Carolina, naghahanda naman ang aking anak sa paglikas sa lugar na iyon. Nagmamadali niyang pinili ang mga mahahalagang dokumento at iba pang gamit na maaari niyang dalhin. Nahihirapan siyang magdesisyon kung ano ang kanyang dadalhin. Hindi niya raw kasi alam kung may babalikan pa siya pagkatapos ng bagyo.

Mayroon din naman na…

Pakikipagkasundo

Ang isang pinto sa St. Patrick’s Cathedral sa Dublin ay may kaakibat na isang lumang kuwento. Noong 1492, nagkaroon ng pag-aaway ang pamilya FitzGerald at pamilya Butler. Nang tumindi ang kanilang hidwaan, nagtago ang pamilyang Butler sa nasabing simbahan. Nang pumunta sa simbahan ang pamilya FitzGerald para makipagkasundo, hindi sila pinagbuksan ng mga Butler dahil sa takot na baka patayin sila…

Kuwentong Hatid Ng Pilat

Noong bata ako, gustong-gusto kong manghuli ng paru-paru. Minsan, kumuha ako ng bote sa aming kusina para ilagay ang paru-parung mahuhuli ko. Nang pabalik na ako sa aming bakuran, nadapa ako at nabasag ang bote. Dahil dito, nasugatan ako sa may pulso at kinailangan itong tahiin. Sa ngayon, ang pilat sa aking pulso ay nagpapaalala sa akin ng kuwento ng pagkakasugat…

Liwanag Sa Kadiliman

Sa librong These Are the Generations, inilarawan ni Mr. Bae ang katapatan ng Dios at ang kapangyarihan ng Magandang Balita ni Jesus na nananaig sa kadiliman. Ang lolo, mga magulang at ang sariling pamilya ni Mr. Bae ay pinagmalupitan dahil sa kanilang pagpapahayag ng pagsampalataya kay Jesus. Pero kahit nakulong si Mr. Bae patuloy silang nagpapahayag ng Salita ng Dios…

Daang Hindi Nadadaanan

Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang mga plano ko sa darating na limang taon. Paano ako magpaplano ng pang limang taon kung hindi ko pa ito nararanasan? Para bang dadaan ako sa daang hindi ko pa dinadaanan.

Nang maging student minister ako noong mga 1960s, pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat para doon. Madalas, tila nangangapa ako sa dilim tulad ng…

Magiting na Sundalo

Aktibo ang labing walong taong gulang na si Emma sa paglalagay ng mga bagay tungkol kay Jesus sa kanyang social media account kahit na minsan ay maraming tao ang pumupuna sa kanyang ginagawa. Pinupuna siya ng iba dahil sa kanyang pisikal na anyo at ang iba nama’y nagsasabing hindi siya matalino dahil sa kanyang labis na dedikasyon sa Panginoon. Pero kahit…

Sumama sa Pagtulong

Isang grupo ng pampublikong manggagamot sa San Franciso ang nagbigay ng libreng konsultasyon at mga gamot para sa mga tao sa lansangan na nalulong sa bawal na gamot. Ang programang ito ay isang tugon sa lumalalang bilang ng mga gumagamit ng bawal na gamot na nakatira sa lansangan. Dahil dito, hindi na nila kailangang gumastos ng pamasahe para magpagamot.

Ang kabutihang-loob…

Pagtubo ng Binhi

Halos apat na dekada na ang nakakaraan nang pinagsikapan ng isang lalake sa India na buhayin ang isang lupain na noon ay tuyo na at walang buhay. Nagsimula siyang magtanim ng paisa–isang halaman at puno rito. Ngayon ay punung-puno na ng mga halaman at puno ang dating walang buhay at tuyong lupain. Naging napakagandang tanawin nito. Namangha siya sa kung paanong…

Pag-isahin

Binigyan ako ng aking kaibigan ng halaman na inalagaan niya ng mahigit na apatnapung taon. Ang halaman na ito na kasing-tangkad ko ay nagbubunga ng malalaking dahon mula sa tatlong magkakahiwalay na tangkay. Paglipas ng ilang araw, bumaliko ang mga tangkay dahil sa bigat ng mga dahon. Naglagay ako ng mga pangsuporta upang maituwid ang mga tangkay.

Mga ilang araw matapos…

Simpleng Paghawak

Naging napakahalaga para kay Colin nang hawakan siya sa balikat ng kaibigan niya. Labis ang pag-aalala ni Colin noon habang naghahanda ang kanilang grupo sa pagkakawang-gawa sa isang lugar kung saan galit ang mga tao sa mga sumasampalataya kay Jesus. Ikinuwento ni Colin ang kanyang mga alalahanin sa kaibigan niya at hinawakan siya nito sa balikat habang pinapalakas ang kanyang loob.…