Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Isa Pang Pagkakataon

Nagtayo si Ernie Clark ng pagawaan ng bisikleta na malapit sa aming bahay. Inaayos niya at ng kanyang mga kasama ang mga lumang bisikleta at ipinamimigay nila ito sa mga batang pulubi. Binibigyan din nila ang mga walang tirahan, mga may kapansanan at pati mga beterano ng digmaan. Hindi lamang nagkakaroon ng bagong silbi ang mga ginawang bisikleta, nagkakaroon din ng…

Karunungan ng Dios

Nagbago ang aking pananaw tungkol sa mga ipinapayo sa akin ng mga magulang ko nang maging isa na rin akong magulang. Ang dating inaakala ko na mali nilang payo ay iyon pala talaga ang makakabuti para sa akin. Kaya naman, ang mga sinasabi ko sa mga anak ko ay kung ano rin ang mga sinabi sa akin ng mga magulang ko…

Tiwala Lang!

Ang Rescuers Down Under ay isang pelikulang pambata na ipinalabas noong 1990. May eksena rito kung saan gagamutin ng doktor ang nasugatang si Wilbur na isang uri ng ibon. Takot na takot si Wilbur sa doktor pero itinatago niya ang kanyang takot. Nagkukunwari lamang siya’y matapang at hindi natatakot sa gagawin sa kanya ng doktor.

Naranasan mo na rin bang magkunwaring…

Pusong Naglilingkod

Tagapagluto, tagaplano, at tagapag-alaga. Ilan lamang ito sa mga responsibilidad na ginagampanan ng isang ina. Ayon sa pananaliksik noong 2016, halos 59 – 96 na oras kada linggo ang ginugugol ng isang ina sa pagaalaga ng kanyang mga anak. Naglalaan siya ng mahabang panahon at ng lakas upang maalagaan ang kanyang mga anak. Kaya naman, walang duda na nakakapagod talaga ang…

Solusyon

May natutunan akong madaling solusyon sa paglilinis sa salamin ng aming fireplace. Minsan kasi ay dumikit sa salamin ng aming fireplace ang mga balahibo ng manika ng aking apo. Madali namang gayahin ang solusyon na nakita ko kaya iyon ang ginawa ko. Nagmukha muling bago ang salamin.

Minsan naman, ang tingin natin sa Biblia ay listahan ng mga solusyon upang mas…

Bagong Buhay

Lumaki si Stephen sa isang lugar kung saan karaniwan na ang gumawa ng masama, magnakaw at magbenta ng ipinagbabawal na gamot. Sampung taong gulang pa lamang siya ay nasangkot na siya sa isang krimen. Pero noong dalawampung taong gulang na siya, nagkaroon siya ng panaginip na naging daan sa kanyang pagbabago. Napanaginipan niya na sinabi sa kanya ng Dios na makukulong…

Ibigin ang Kaaway

Isang magandang nobela ang Peace Like a River na isinulat ni Leif Enger. Tungkol ito kay Jeremiah Land na isang ama na mag-isang nagpapalaki sa kanyang tatlong anak. Nagtatrabaho siya bilang janitor sa isang eskuwelahan. Mababasa sa kuwento kung paano niya hinarap nang may pananampalataya ang bawat pagsubok sa kanyang buhay.

Ang eskuwelahan kung saan nagtatrabaho si Jeremiah ay pagmamay-ari ni…

Bagong Tahanan

Si Annie Moore ang kauna-unahang taga Ireland na dumaan sa Ellis Island upang makarating sa bansang Amerika. Lubos ang kanyang saya at pananabik na manirahan sa bagong lugar na iyon. Napakahirap ng buhay niya sa kanilang bansa kaya naisip niyang mangibangbansa upang magsimula ng bagong buhay. Punong-puno siya ng pangarap at pag-asa sa pagsisimula niya ng panibagong buhay sa isang lugar…

Napapagod Ka Na Ba?

Sinabi ni Zack Eswine sa kanyang libro na silang mga pastor ay lubhang napapagod sa bigat ng mga problemang pasan nila. Hindi man tayo ang mismong tinutukoy ni Zack, nakakaranas din tayo ng pisikal, mental at espirituwal na pagkapagod. Dahil ito sa mga problema at sa dami ng mga responsibilidad. Minsan nga ay gusto na lang natin itong tulugan.

Mababasa naman…

Relasyon sa Iba

Mayroong sumisikat na negosyo sa ibang bansa kung saan babayaran ang ibang tao upang magpanggap na kapamilya. Ginagawa ito ng ilan upang may makasama sila sa mga pagdiriwang at makita ng iba na kunwari ay may masaya silang pamilya. Ginagawa nila ito upang maramdaman nila na mayroon silang pamilya na kinabibilangan.

Ipinapakita ng negosyong ito ang katotohanang nilikha ang mga tao…