Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Magtiwala kay Jesus

Minsan, naghanap kami ng mekaniko para ayusin ang aming sasakyan. Dahil mukhang bata pa ang nahanap naming mekaniko, nag-alinlangan ang asawa ko. Iniisip niya na baka hindi nito kayang ayusin ang sasakyan namin. Ang pag-aalinlangan ng asawa ko sa mekanikong iyon ay maihahalintulad sa pag-aalinlangan ng mga taga Nazaret kung sino talaga si Jesus at kung ano ang kaya Niyang gawin.…

Ako’y sa Panginoon

Parami na ng parami ang nagpapalagay ng tattoo sa ngayon. May maliliit na tattoo na halos hindi mapapansin at mayroon naman na malalaki at makukulay na kadalasang ipinapalagay ng mga atleta at mga artista.

Ano man ang pananaw mo sa tattoo, mababasa natin sa Isaias 44 ang tungkol sa mga tao na para bang naglagay ng tatak sa kanilang mga kamay…

Tapat na Pag-ibig

Tuwing umaga, bago ako pumasok sa eskuwelahan, sinasabi sa akin ng aking ama, “Mahal kita, anak.” Minsan, parang nabalewala ko ang pagsabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi naman ako galit, nagkataon lang na may iba akong iniisip noon. Gayon pa man, hindi nagbabago ang pagmamahal sa akin ng tatay ko.

Ganoon din ang pag-ibig ng Dios at higit…

Tahanan

Ang kaibigan kong si Patsy na nagbebenta ng bahay at lupa ay namatay dahil sa sakit na kanser. Habang ginugunita namin ang mga nagawa niya noong nabubuhay pa siya, naalala ng asawa ko ang pagpapahayag ni Patsy ng Magandang Balita. Isa sa mga sumampalataya kay Jesus sa pamamagitan ni Patsy ay naging kaibigan namin.

Nakakatuwang alalahanin na hindi lamang nakatulong si…

Ang Pagkilos ng Dios

Ang aking kaibigan ay inampon ng mag-asawang misyonero na nakadestino sa bansang Ghana. Pagbalik nila sa Amerika, nagkolehiyo ang kaibigan ko pero kalaunan ay huminto siya dahil sa kakapusan sa pera. Nagtrabaho muna siya bilang sundalo at nakarating siya sa iba’t ibang bansa dahil doon. Ipinahintulot ng Dios ang mga pangyayaring iyon bilang paghahanda sa kaibigan ko sa isang mahalagang tungkulin.…

Malungkot na Pasko

Ang pinakamalungkot na Pasko na naranasan ko ay noong nasa bahay ako ng aking lola sa bansang Ghana. Malayo kasi ako sa aking magulang at mga kapatid. Tahimik at malungkot ang Paskong iyon ‘di tulad ng mga nakaraang Pasko kung saan kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan sa aming lugar.Ang pinakamalungkot na Pasko na naranasan ko ay noong nasa…

Handang Tumulong

Nahirapang mag-aral ng ice skating ang mga anak ko noong mga bata pa sila. Takot sila na madulas sa matigas na yelo dahil alam nila na masasaktan sila. Sa tuwing nadudulas naman sila at nahihirapang tumayo, tinutulungan naming mag-asawa na makatayo ang mga anak namin nang maayos.

Mababasa naman natin sa aklat ng Mangangaral na isang pagpapala ang pagkakaroon ng taong tutulong…

Kahulugan ng Pasko

Bago pa man dumating ang buwan ng Disyembre, mararamdaman mo na ang Pasko sa aming lugar. Makikita sa iba’t ibang gusali ang mga magagarbong palamuting pamasko. Kahit saan ka lumingon, mararamdaman mo na ang diwa ng kapaskuhan.

Gusto ng ibang tao ang magagarbong dekorasyon, samantalang may iba naman na simple lang ang gusto. Iba-iba man ang gusto at ang paraan ng…

Salamat sa Pagiging Ikaw

Ang kaibigan kong si Lori ay nakilala ko sa isang lugar kung saan ginagamot ang mga maysakit na kanser. Inaalagaan ko noon ang aking nanay na may kanser. Inaalagaan naman ni Lori ang kanyang asawang si Frank. Magkasama kami ni Lori sa kalungkutan at pananalangin sa Panginoon. Habang dinadamayan namin ang isa’t isa, nakaramdam kami ng kagalakan.

Minsan, inalok ako ni…

Kanlungan

Noong mga bata pa kami, ginagaya namin ang ilang nababasa sa libro at napapanood sa pelikula tulad ng paglalambitin ni Tarzan at pagtatayo ng mga bahay sa puno. Nagtatayo rin kami ng lugar kung saan nagtatago kami para kunwari’y maging ligtas sa mga kalaban.

Pagkalipas ng maraming taon, ang mga anak ko naman ang nagtatayo ng kanilang kanlungan. Likas sa ating…