Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Perpekto

Noong nasa kolehiyo pa ako, napansin ng aking guro na gusto kong perpekto palagi ang aking mga ginagawa. Pinayuhan niya ako na kapag nagsusumikap ako na palaging perpekto ang aking mga ginagawa, mahahadlangan nito ang aking pagkatuto. Kung tatanggapin ko raw na hindi perpekto ang aking ginagawa ay mas matututo ako.

Ipinaliwanag din ni Apostol Pablo sa Biblia ang mas malalim…

Alam ni Jesus

May mga kaibigan akong gumaling na sa kanilang karamdaman pero nahihirapan pa rin sa naging epekto ng kanilang sakit. Ang iba ko namang kaibigan ay napagaling na sa isang adiksyon pero nakakaramdam pa rin ng panghihina at galit sa kanilang sarili. Naisip ko tuloy, Bakit kaya hindi sila lubusang pinapagaling ng Dios?

Mababasa natin sa Marcos 8:22-26 ng Biblia ang kuwento…

Iniingatan

Bago pumasok ang aking anak sa paaralan, tinanong ko muna siya kung nagsepilyo na siya ng ngipin. Sinabi ko sa kanya na dapat siyang magsabi ng totoo. Nagbiro tuloy ang aking anak na kailangan ko ng cctv camera sa aming banyo para makita ko kung nagsepilyo ba talaga siya at para na rin hindi na siya magsisinungaling pa.

Sa tulong ng…

May Pag-asa

Marami na akong artikulong naisulat para sa babasahing Pagkaing Espirituwal at may ilan dito na tumatak na sa aking isipan. Isa na rito ang naisulat ko nang umalis ang tatlo kong anak na babae para dumalo sa isang camp. Noong wala sila, nagkaroon kami ng panahon na magkasama ng aking anim na taong gulang na anak na si Steve.

Kaya naman,…

Kanlungan sa Bagyo

Mayroon akong kaibigan dati na si Juan na mahilig obserbahan ang mga bagyong dumarating sa aming lugar. Sinusundan niya ang direksyong tinatahak ng mga bagyo gamit ang aparato para dito at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang taong sumusubaybay din sa pagkilos ng bagyo. Ginagawa niya ito para masabihan agad ang mga taong maaapektuhan ng bagyo.

May isang pagkakataon na mabilis…

Tunay na Tahanan

Tinanong ako ng aking limang taong gulang na anak kung bakit kami aalis at lilipat ng bahay. Mahirap ipaliwanag sa kanya na kahit na lilipat kami ng bahay na titirhan ay mananatili pa rin naman ang aming tahanan. Maituturing kasi nating tahanan ang ating mga mahal sa buhay. Sila ang ating palaging kasama matapos ang ginagawa natin sa maghapon.

Sa Bagong…

Layunin ng Dios

Ang kasama ko sa trabaho na si Tom ay may krus na nakalagay sa kanyang mesa. Gawa ito sa salamin at ibinigay sa kanya ng isang kaibigan na gumaling din sa sakit na kanser kagaya ni Tom. Sinabi ng kaibigan niya na sa pamamagitan ng krus na iyon ay maaalala ni Tom ang pag-ibig at layunin ng Dios sa kanyang buhay.…

Anong Nais Mo?

Habang may transaksyon ako sa isang bangko, napansin kong nakasabit malapit sa bintana ang larawan ng magandang uri ng sasakyan na tinatawag na Shelby Cobra. Tinanong ko ang empleyado ng bangko kung sasakyan ba niya iyon. Sabi niya, “Hindi akin ang sasakyang iyon, pero iyon ang dahilan kung bakit ako nagtatrabahong mabuti. Darating ang araw at magkakaroon ako ng ganoong sasakyan.”…

Hindi ko Kaya

“Hindi ko kaya!” Ito ang nasabi ng isang mag-aaral na nahihirapan sa paggawa ng kanyang proyekto. Kailangan niya ang tulong ng kanyang guro. Maaaring makaranas din tayo ng ganoong kalungkutan kung mababasa natin sa Biblia ang Sermon sa Bundok na itinuro ni Jesus. “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway” (MATEO 5:44). Ang pagkapoot sa iba ay tulad din ng pagpatay (T…

Tutuparin ang Pangako

Hindi pinapayagan ng bangko na umutang ang isang taong may rekord na hindi agad nakakabayad ng kanyang utang. Hindi sapat ang pangako niya na makakabayad siya ng utang kung hindi naman maganda ang kanyang rekord sa pagbabayad. Kaya ang kadalasang ginagawa ng ganitong tao ay humahanap siya ng ibang tao na may magandang rekord sa pagbabayad ng utang at ipapalagay niya…