Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pagpupuri sa Dios

Iminungkahi ng isa naming kasama sa grupo sa pag-aaral ng Biblia na gumawa raw kami ng sarili naming salmo. Kahit ang iba ay tumutol at nagsabing wala silang kakayanang magsulat, nakagawa rin kami ng mga tula na naglalarawan sa pagkilos ng Dios sa aming mga buhay.

Gaya ng sinasabi sa Salmo 136, ang bawat tula ay nagpakita na ang pag-ibig ng…

Malayang Pagsunod

Sa isang karera, mabilis mapagod ang sa simula pa lamang ay nangunguna na kaya malabong maipanalo nila ang laban. Sabi ng aking coach, mas bigyang pansin ko ang mga kalabang alam kong mabilis tumakbo dahil sila ang magtatakda ng bagal at bilis ng laban hanggang sa huli.

Kung nakakapagod ang pangunguna, nakakapagpalaya naman ang pagsunod. Madalas akong nagiging biktima ng kaisipang…

Pagkilos ng Dios

Paano kumikilos ang Dios sa buhay mo? Iyan ang tanong ko sa aking mga kaibigan. Ang sagot ng isa kong kaibigan, “Sa pagbabasa ng Biblia tuwing umaga.” Sabi naman ng iba, “Sa pagharap sa buhay araw-araw at sa pagtulong ng Dios sa aking pagtatrabaho.”

Ang pinakagusto ko naman sa mga sagot sa sinabi nila ay kapag nakukuha raw nilang maging maligaya…

Maling Akala

Inakala ng asawa ko na mga unggoy ang gumagawa ng ingay sa aming bakuran. Nakapagtataka kung ganoon nga dahil 2,000 milya ang layo namin sa lugar ng mga ligaw na unggoy. Maya-maya pa, dumating ang aking biyenan at sinabing hindi naman nga unggoy iyon kundi malaking kuwago. Mali pala ang inakala ko.

Maling akala rin ang nangyari noon sa hukbo ni…

Tunay na Yaman

Noong bata pa kami, gustong-gusto naming magkakapatid na umuupo sa ibabaw ng lumang baul ng aking ina. Nakatago sa baul ang mga damit na pangginaw na binurdahan ng aming lola. Pinapahalagahan ng aming ina ang kahong iyon at umaasa siyang dahil sa amoy ng kahoy na sedro, iiwas ang mga insektong maaaring sumira sa laman nito.

Halos lahat ng bagay sa…

Maglaan ng Panahon

Bagong lipat si Rima sa Amerika. Taga bansang Syria siya noon. Kaya naman, nahihirapan siyang ipaliwanag sa kanyang tagapagturo ng Ingles kung bakit siya malungkot. Habang lumuluha, inaayos ni Rima ang kanyang inihandang pagkain. Tapos, ikinuwento ni Rima na may mga taong pupunta sa kanila galing sa simbahang malapit sa bahay nila. Pero isang lalaki lamang ang dumating. May iniwan itong…

Magtiwala

Sa kabila ng malubha kong sakit na nararamdaman, patuloy pa rin akong nagtitiwala sa Dios. Gayon pa man, patuloy rin ang pagdating ng mga problema na parang kaliwa’t kanang sumusuntok sa akin. Minsan, naiisip kong mas magandang tumakas at magtago na lamang. Pero dahil hindi ko naman matatakasan ang sakit na aking nararamdaman, sinikap kong isantabi na lang ito. Unti-unti akong…

Ang Hinaharap

Nakilala si Amy Carmichael (1867-1951) sa kanyang misyon ng pagkupkop sa mga ulilang batang babae sa India sa pamamagitan ng pagkakaloob muli sa kanila ng bagong simula at bagong buhay. Sa kanyang aklat na Gold by Moonlight, mababasa na sa gitna ng ating mga kaabalahan sa araw-araw, binibigyan pa rin tayo ng pagkakataon na makita ang kagandahan ng mga magaganap sa…

Ang Dila

Ayon sa batas ng mga Romano noon, walang heneral ang mangunguna sa kanyang hukbo para tumawid sa Ilog ng Rubicon. Kaya noong pinangunahan ni Julius Caesar ang kanyang hukbo papuntang Italya at tumawid ng ilog, itinuring itong pagtataksil sa batas ng Romano. Ang pagtataksil na ito ang nagdulot ng digmaang sibil.

Minsan, parang nakakatawid din tayo sa ilog ng Rubicon sa…

Pagsunod sa Utos

Noong ako’y pumapasok pa sa isang unibersidad, naisip ko na hindi muna ako makakauwi sa aming tahanan pagkatapos ng graduation. Noon ko naisip ang mga tanong na ganito: "Paano ko makakayanan na iwanan ang aking pamilya at aming simbahan nang matagal? Paano kung tawagin ako ng Dios at ipadala sa ibang lugar o sa ibang bansa?

Tulad ni Moises na natakot…