Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

BUHAY NA WALANG HANGGAN

“Huwag kang matakot sa kamatayan, Winnie. Matakot ka sa nasayang na buhay.” Linya iyan ni Angus Tuck sa isinapelikulang librong Tuck Everlasting. Sa kuwento, naging imortal ang pamilya Tuck kaya hindi sila namamatay. Mahal ng batang si Jesse Tuck si Winnie kaya nagmakaawa siyang subukan din ni Winnie na maging imortal para walang hanggan silang magsasama. Pero alam ni Angus…

KATOTOHANAN

Idineklara ng isang pahayagang pinatay ni Pep ang pusang pagmamay-ari ng asawa ng gobernador. Pero hindi siya ang gumawa nito. Dahil ang tanging ginawa niya ay ngatngatin ang sofa sa mansyon ng gobernador.

Isang masiglang aso si Pep. Pag-aari siya ng gobernador ng Pennsylvania sa Amerika na si Gifford Pinchot noong 1920. Ipinadala si Pep sa kulungan. Kinuhaan pa siya ng…

LAGING MAPAGKAKATIWALAAN

Mapag-alala ako. Kaya naman idinikit ko sa salamin ng aming banyo ang sinabi ni Hudson Taylor, isang mangangaral ng Biblia. Binabasa ko ito kapag nag-aalala ako, “Mayroong isang buhay na Dios. Nagsalita Siya sa Biblia. Seryoso Siya sa Kanyang mga sinabi at tutuparin NIya ang lahat ng Kanyang ipinangako.”

Nagmula ang mga sinabi ni Taylor sa maraming taon ng paglakad…

TUMAWA KA

Sinabi ng komedyanteng si John Branyan, “Hindi namin inimbento ang tawanan; hindi namin iyon ideya. Ibinigay iyon sa atin ng Dios. Alam Niyang kailangan natin ito para makatawid sa buhay. Alam Niyang magkakaroon tayo ng mga pagsubok, alam Niyang magkakaroon tayo ng mga paghihirap. Regalo niya sa atin ang pagtawa.”

Kung mabilis nating iisipin ang mga nilikha ng Dios, mapupuno…

DILIGAN

Tila nilusob ng mga damo ang aming bakuran. Isang damo ang lumaki nang husto, at nang subukan kong bunutin ito, inakala kong masusugatan ko ang sarili ko. Bago pa ako makahanap ng pamutol, napansin kong dinidiligan pala ito ng anak kong babae. “Bakit mo dinidiligan ang mga damo?!” tanong ko. Tumugon ang aking anak, “Gusto ko pong makita ang paglaki…

MATIBAY NA PUNDASYON

Balisa ang batang lider sa isang paaralan. Nang tanungin ko kung nananalangin ba siya para sa gabay at pagtulong ng Dios, at kung ginagawa niya ang payo ni Apostol Pablo na manalangin nang walang patid, nag-alinlangan siya. Sa kanyang sagot, inamin ng binata, “Hindi ako sigurado kung naniniwala pa ako sa panalangin. O kung nakikinig man lang ang Dios. Tingnan…

BITAWAN MO

Bilang nagtitiwala kay Jesus, sumulat si Augustine ng aklat na naglalarawan ng kanyang mahabang paglalakbay bago nakilala si Jesus. Minsan, papunta siya sa palasyo upang magbigay ng talumpati para sa emperador. Habang nag-aalala tungkol sa kanyang mga sasabihin, napansin niya ang isang lasing na pulubi na “nagbibiro at tumatawa.” Kahit simple ang buhay ng pulubi, masaya ito. Kaya tumigil si…

SA GITNA NG KAKULANGAN

Ang pagtitipid ni Tiya Margaret ay isang alamat. Pagkatapos niyang pumanaw, malungkot na isinaayos ng kanyang mga pamangkin ang kanyang mga gamit. Maayos na nakasalansan sa loob ng isang maliit na plastik na bag ang iba’t ibang piraso ng tali. May nakasulat doon: “Mga taling sobrang ikli para magamit.”

Ano kaya ang nagtulak sa isang tao na itago at ayusin…

MAGMAHAL TULAD NI JESUS

Habang hinihintay ang pagdating ng tren, isang binata ang nahihirapang ayusin ang kanyang kurbata. Inudyukan naman ng isang matandang babae ang kanyang asawa para tulungan ang binata. Sumang-ayon ang matandang lalaki at tinuruan ang binata kung paano magtali ng kurbata. Isang estranghero ang kumuha ng litrato nila. Nag-viral ito online, at marami ang nag-komento tungkol sa kapangyarihan ng simpleng akto ng…

PAGPAPATAWAD

Noong 2021, may nagbalita tungkol sa labintatlong misyonaryong binihag ng isang grupo ng mga kriminal. Nagbanta ang mga itong papatayin ang mga misyonaryo kung hindi matutugunan ang kanilang hinihinging ransom. Sa hindi kapani-paniwala pangyayari, nakaligtas ang lahat ng misyonaryo. Nang makatakas sila, nagpadala sila ng mensahe sa mga bumihag sa kanila: “Itinuro sa amin ni Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang…