Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Gamot Sa Buong Mundo

Sa isang liblib na bangin sa kanlurang bahagi ng Slovenia may nakatagong isang sikretong medikal na pasilidad, ang Franja Partisan Hospital.

Marami itong tauhan na gumamot sa libu-libong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdigan–hindi sila nahanap ng mga Nazi, pero mas nakamamangha na kumalinga ang ospital–na sinimulan ng kilusang nagtatanggol sa Slovenia–ng sundalong kakampi at kalaban. Tangap ang lahat sa ospital…

Huminto Para Magdasal

Bumulwak ang tubig sa kalye mula sa fire hydrant. May ilang kotse sa unahan ko ang nabasa na. Naisip ko, libreng linis ng kotse! Isang buwan nang hindi nalilinis ang kotse ko at makapal na ang alikabok. Humarurot na ako tungo sa tubig.

Krak! Ang bilis ng pangyayari. Maaga pa lang nainitan na ng araw ang kotse ko kaya mainit…

Narrow Door Cafe

Croissants’, ‘dumplings’, ‘pork curry’, at iba pang masasarap na pagkain ang naghihintay sa makakakita at papasok sa Narrow Door Cafe sa lungsod ng Tainan sa Taiwan. Isang utas sa pader ang kainang ito na wala pang labing anim na pulgada ang daanan—sakto lang para sumiksik at makapasok ang karaniwang tao! Pero, kahit mahirap, maraming parokyanong naakit sa kakaibang kainang ito.

Ganito rin…

Nag-ulat Ng Panahon

Setyembre 21, 1938. Tanghali: Nagbabala ang batang dalubhasang si Charles Pierce sa Tanggapan ng Pag-uulat ng Panahon ng Amerika tungkol sa banta ng bagyo sa New England. Pero hindi naniwala ang pinunong tagapag-ulat na magkakaroon ng bagyo na sobrang layo na sa hilaga.

Paglipas ng dalawang oras: tumama na ang ‘1938 New England Hurricane’ sa Long Island. 4:00 ng hapon: nananalanta…

Taasan Ang Init

Mabilis talaga magbago ang temperatura sa tinitirahan namin sa Colorado—minsan kahit sa ilang minuto lang. Nais malaman ng asawa kong si Dan ang pagkakaiba ng temperatura sa loob at labas ng bahay. Mahilig siya sa ‘gadget’ kaya masaya niyang inilabas ang bagong “laruan”—termometro na nagpapakita ng temperatura mula sa apat na lugar sa paligid ng bahay. Sabi ko kalokohan ito. Pero…

Tumakbo Palayo

Kahanga-hanga talaga ang paunang aral sa aikido na isang tradisyonal na sining pagtatangol ng mga Hapon. Seryosong sinabi ng guro, “Tumakbo palayo” ang unang tugon. “Lalaban ka lang kung hindi ka makakatakbo.” Takbo palayo? Hindi kaya baliktad ito? Bakit pagtakbo palayo sa away ang tinuturo ng magaling na guro? Pero paliwanag niya na pag-iwas sa away ang pinakamagandang depensa. Oo…

Taos-pusong Pagbibigay

Nagsilbi kay Reyna Victoria si Heneral Charles Gordon (1833-1885) sa China at sa ibang lugar, pero kapag nasa Inglatera siya, ipinamimigay niya ang 90 porsyento ng sweldo niya.

Nang narinig niya ang taggutom sa Lancashire, tinanggal niya ang sulat sa medalyang purong ginto na bigay ng isang pinuno ng ibang bansa. Pinadala niya ito para tunawin at gamitin ang perang…

Sa Huli

Madalas akong mamuno sa mga espirituwal na retreat. Biyaya ang paglayo ng ilang araw para magdasal at magmunimuni. Isa ito sa ipinapagawa ko sa mga kalahok: “Pag-isipan ito – natapos na ang buhay mo at nasa obitwaryo na ang pangalan mo para ipaalam sa tao ang iyong pagpanaw. Ano ang gusto mong nakasulat dito?” Ilang kalahok ang nagbago ng prayoridad…

Malalim at Nagbubuklod

Dumalo sa protestang pampulitika sina Amina, isang imigranteng mula Iraq, at Joseph na pinanganak sa Amerika. Nasa magkaibang panig sila. Pinaniwala tayo na galit sa isat-isa ang magkaibang lahi at paniniwalang politikal.

Pero nang atakihin si Joseph ng ilang tao at sinubukang sunugin ang damit niya, dinipensahan siya ni Amina. “Sobrang magkakaiba kami,” sabi ni Joseph sa tagapagbalitang kumausap sa…

Binibenta Ng Bunga

Nag-isip ng mga paraan ang may-ari ng taniman para maghanda sa pagbebenta ng mga puno ng peach. Ihihilera ba nang maganda ang maliliit na puno na nakalagay sa sako o gagawa ng makulay na katalogo ng mga puno ng peach sa iba’t ibang panahon ng paglaki?

Sa wakas naisip niya kung ano ang makabebenta sa puno ng peach: ang bunga –…