Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Iniingatan

Minsan, sumulat ako sa aking mga nagbibinatang mga anak. Sinabi ko sa aking sulat ang tungkol sa pagkakakilanlan natin sa Dios bilang Kanyang mga anak. Dahil noong nagbibinata ako, hindi ako sigurado kung ano ang kalagayan ko sa harap ng Dios.

Ngunit, noong nagtiwala ako sa Panginoong Jesus bilang Dios ng aking buhay at aking Tagapagligtas. Nalaman kong minamahal at…

Tulong

Noong nag-aaral pa ako, bihira kaming dumalo ng aking mga kaklase sa mga espesyal na pagtuturo sa aming paaralan. Pero bago ang aming pagsusulit, sinisiguro namin na dumalo sa pagtuturo ni Prof. Chris. Doon niya kasi ibinibigay ang mga posibleng tanong sa aming pagsusulit. Iniisip ko nga kung bakit ginagawa iyon ni Prof. Chris. Mataas kasi ang pamantayan niya sa…

Manalangin

Sa aming pamilya, kilala si Lolo Dierking na mayroong matatag na pagtitiwala sa Dios at laging nananalangin. Hindi naman siya ganito sa simula. Naaalala pa nga ng tita ko ang unang beses na sinabi ni lolo sa kanila na “simula ngayon, mananalangin at magpapasalamat na tayo sa Dios bago kumain.” Simula nga noon isinabuhay na ni lolo ang pananalangin araw-araw.…

Libre

Nagmadaling pumunta si Robert sa lugar kung saan sila magkikita ng kanyang kaibigan. Sa kanyang pagmamadali, naiwan niya ang kanyang pitaka. Dahil doon, nabahala siya ng husto. Inisip pa niya kung o-order pa ba siya o hindi na. Nahihiya kasi si Robert dahil wala siyang pambayad o pang-ambag sa pagkain. Nalaman ito ng kanyang kaibigan at kinumbinsi siyang huwag ng mag-alala.…

Baguhin

Isang araw naisip kong pinturahan at baguhin ang ayos ng aming bahay. Ngunit bago ko pa masimulan ang aking pagpipintura at pag-aayos. Nalaman kong pansamantalang isasara ang mga pamilihan dahil sa COVID. Kaya naman, agad akong pumunta sa pamilihan at binili ang mga kakailanganin ko sa pag-aayos ng aming bahay. Mahirap kasing mag-ayos ng kulang ang gamit.

Nang isinulat naman…

Buong Kuwento

Umorder si Colin ng mga stained glass, para sa kanyang proyekto. Ngunit mga buong bintana na binubuo ng mga stained glass ang dumating ng buksan niya ang kahon. Dahil dito, inalam ni Colin kung saan galing ang mga bintana. Nalaman niya na inalis ang mga bintana sa isang simbahan upang hindi ito mabasag noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Humanga si Colin sa…

Ibahagi Mo

Isang sikat na tagapagturo ng Biblia si Dwight Moody. Nang magtiwala siya kay Cristo, nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya palalagpasin ang bawat araw na hindi niya ibinabahagi si Cristo sa iba. Sa mga araw na abala siya, gabi na niya naaalala ang pangako niyang ito.

Isang gabi, nang matutulog na siya, bigla niya itong naalala. Bumangon siya…

Biyaya at Habag

Minsan habang nagmamaneho ako, hindi ko inaasahan na may makikita akong isang sunflower sa gilid ng kalsada. Nagtaka ako kung paanong mag-isang tumubo ang sunflower na ito na walang kasamang ibang bulaklak. Tanging ang Dios lamang ang makakapagpatubo nito.

Tulad ng bulaklak na hindi ko inaasahang makita sa daan. Mababasa rin natin sa Lumang Tipan ng Biblia ang tungkol sa hindi rin…

Kapangyarihan Ng Ebanghelyo

Noong unang panahon naniniwala ang ilan sa mga taga-Roma sa mga dios-diosan. Kinikilala naman nila na pinakamataas na dios si Zeus. Ayon sa isang manunulat na si Virgil, nag-utos si Zeus na magkaroon ang Roma ng isang kaharian na walang katapusan. Pinili rin daw ng mga dios si Augustus bilang dakilang tagapagligtas ng mundo.

Ang mga ganitong paniniwala ang ipinatupad…

Magandang Katapusan

Naghahanap ng pelikulang mapapanuod sa telebisyon ang aking asawa at anak. Pero malapit ng matapos ang mga pelikulang nakikita nila. Kahit na patapos na ang mga pelikula, masaya pa rin nila itong pinapanuod. Naghanap pa sila ng ibang pelikula at walong pelikula pa ang nahanap nila na halos patapos na rin. Tinanong ko sila, “Bakit ayaw ninyo na lang pumili…