
“AKO NGA”
Isang propesor ng pilosopiya at literatura si Jack. Napakatalino niya. Mula noong 15 taong gulang pa lang siya, hindi na siya naniniwala sa Dios. Hanggang sa magkaedad na siya. Sinubukan siyang kumbinsihin ng mga kaibigan niyang nagtitiwala kay Jesus pero ang sabi ni Jack, “Lahat na lamang ay naniwala na.” Gayunpaman, inamin ni Jack na kakaiba sa lahat ng mga…
IISANG LAYUNIN
Sumali ako sa isang samahan ng mga manunulat ng mga librong pambata na nagpapahayag ng Magandang Balita tungkol kay Jesus. Ipinapanalangin namin ang bawat isa at nagtutulungan para bumenta ang aming mga libro. May mga nagsasabing kalokohan ang ginagawa namin dahil magkakalaban daw kami. Pero nakatuon ang grupo namin sa pagpapalaganap ng Magandang Balita at sa pagkakaisa, hindi sa kompetisyon.…

IBAHAGI ANG PANANAMPALATAYA
Noong 1701, nagtayo ang Church of England ng isang samahan na tinawag nilang Society for the Propagation of the Gospel (Samahan Upang Ipangaral ang Magandang Balita). Layon ng samahang ito na makapagpadala ng mga misyonero sa buong mundo. Ang motto o kasabihan nila ay transiens adiuva nos. Wikang Latin ito na ang ibig sabihin ay, “Pumarito kayo at tulungan ninyo kami!” Noon…

MAGANDANG ALAALA
Noong panahon ng matinding kahirapan na tinatawag na The Great Depression, sumikat si John Millburn Davis. Isa siyang milyonaryong walang anak. Imbes kasi na ibigay ang pera sa mahihirap o itulong sa ekonomiya, nagpagawa siya ng 11 estatwa niya at ng namatay niyang asawa. Inilagay niya ang mga iyon sa pampublikong sementeryo.
Nang makapanayam si Davis ng mamamahayag na si…

DIOS LANG ANG MAKAPUPUNO
Libu-libong halaga ng pagkain ang dumating sa bahay ng isang lalaki—naglalakihang sugpo, shawarma, iba’t-ibang ensalada, at kung anu-ano pa. Wala namang okasyon. Hindi rin binili ng lalaki ang mga pagkaing iyon. Paano nga ba iyon nangyari? Pinahiram pala niya ang kanyang cellphone sa bata niyang anak, at ginamit ito ng bata para umorder ng mga pagkain sa iba’t-ibang restawran. Tinanong ng…
