Pinawi Na
Ang inhinyerong Briton na si Edward Nairne ang nakaimbento sa pambura noong 1770. Sa mga panahong iyon, piraso ng tinapay ang ginagamit nilang pambura ng mga marka sa papel. Pero minsan, sa halip na tinapay, goma ang aksidenteng nakuha ni Edward para ipambura. Simula noon, ito na ang ginamit niya. Napatunayan niya na higit na maganda itong ipambura sa mga maling…
Ang Pagliligtas
Noong Pebrero 18, 1952, isang napakalakas na bagyo ang tumama sa Massachusetts sa Amerika. Nahati ang barkong SS Pendleton dahil sa bagyong iyon. Mahigit na 40 marino ang nakulong sa loob ng palubog na barko.
Nang makarating ang balita kay Bernie Webber na isang Coast Guard sa Chatam, Massachusetts, sumakay siya at ang tatlo pa niyang kasama sa isang lifeboat para…
Malugod na Pagtanggap
Tumira noon ang mga kaibigan ko sa Moldova na isa sa pinakamahirap na bansa sa Europa. Habang nandoon sila, malugod silang tinanggap ng mga tagaroon lalo na ng mga kapwa nila sumasampalataya kay Jesus. Minsan, kinuha nila ang mga relief goods mula sa isang magasawa na mananampalataya rin. Mahirap lang ang mag-asawa pero marami silang mga bata na kinukupkop. Bagamat hindi…
Maamong Makapangyarihan
Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtago si Anne Frank at ang kanyang pamilya sa isang sikretong lugar para hindi sila mapahamak. Dumarami na noon ang mga kaaway na nagsisidatingan sa kanilang bansa. Pagkaraan ng dalawang taon, nahuli sila at ikinulong sa concentration camp. Ganoon man ang nangyari, isinulat ni Anne Frank sa kanyang diary na, “Ang kabutihan at kaamuan ang…
Takasan ang Ingay
Ilang taon na ang nakakalipas, iminungkahi ng presidente ng isang eskuwelahan na samahan siya ng mga estudyante na patayin muna ang kanilang cellphone sa loob ng isang gabi. Kahit na sumang-ayon ang mga estudyante, mabigat sa loob nila na gawin iyon. Noong nasa loob na sila ng chapel, mas naituon nila ang kanilang atensyon sa pag-aawitan at pananalangin. Pagkatapos noon,…
Hindi Malulugi
Noong 1995, napakalaki ng itinubo ng pera ng mga nag-invest sa stock market sa Amerika. Nasa 37.6% ang itinubo ng pera nila. Pero noong 2008, nalugi naman ng 37% ang mga investor noong panahong iyon. Dahil sa pabagu-bagong kita sa stock market, natatakot ang mga investor dahil walang katiyakan kung ano ang mangyayari sa perang pinuhunan nila roon.
Tiniyak naman…
Hindi Pinili
Minsan, nagpost sa Facebook ang kaibigan ko tungkol sa isang proyektong natapos niya. Binati siya ng mga tao pero nasaktan ako dahil para talaga sa akin ang proyektong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinasa iyon sa kanya.
May kaugnayan dito ang nangyari kay Jose. Dalawa sila na pinagpipilian para maging apostol na kapalit ni Judas. Nanalangin noon ang mga apostol, “Panginoon,…
Kasama Natin Siya
Minsan, habang namimili ako sa isang supermarket, napansin ko ang isang babae na matagal na nakatingin sa pinakamataas na istante. Nandoon din kasi sa istanteng iyon ang gusto kong bilhin. Hindi naman ako napapansin ng babae dahil abala siya marahil sa pag-iisip kung ano ang pipiliing bilhin. Tinanong ko siya kung kailangan niya ng tulong. Nagulat siya at sinabing, “Hindi ko…
Layunin ng Paghihirap
Nais nang sumuko sa buhay ni Siu Fen nang malaman niya na mayroon siyang sakit sa bato at habang buhay na siyang magda-dialysis. Kahit matagal na siyang sumasampalataya kay Jesus, hindi na niya makita ang layunin kung bakit kailangan pa niyang mabuhay. Retirado na kasi siya at wala ring asawa. Pinalakas naman ng mga kaibigan niya ang kanyang loob at kinumbinsi…
Pagsaliksik ng Kayamanan
May itinago raw ang milyonaryong si Forrest Fenn sa Rocky Mountains ng isang kahon na naglalaman ng mga alahas at ginto na nagkakahalaga ng 2 milyong dolyar. Marami ang pumunta roon para hanapin ang kahon. Sa katunayan, 4 na ang namatay dahil lang sa pagsasaliksik sa mga ito.
May ginto ba o kahit anong kayamanan na karapat-dapat hanapin at ibuwis ang buhay…