Pagkilala sa Sarili
Sino ako? Iyan ang tanong ng isang lumang laruan sa pambatang kuwento na isinulat ni Mick Inkpen. Pinamagatan niya itong Nothing. Sa kuwento, matagal na panahong naiwang mag-isa sa maduming attic ang laruang ito. Kaya naman, hindi na niya maalala ang kanyang pangalan. Minsan, narinig niyang tinawag siyang “nothing” ng mga taong nagliligpit sa attic. Inakala niyang iyon ang kanyang pangalan:…
Pag-ibig at Kapayapaan
Namamangha ako sa kapangyarihang taglay ng kapayapaan (FILIPOS 4:7) dahil nagagawa nitong payapain ang ating mga puso sa gitna ng pagdadalamhati. Naramdaman ko ito noong libing ng aking tatay. Gumaan ang loob ko nang makita ang isang dating kaibigan. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ipinadama niya sa akin ang kanyang pagmamalasakit at nakapagbigay iyon sa akin ng kapayapaan. Ipinaaalala rin niyang…
Gumawa ng Kabutihan
Minsan, nagbakasyon kaming mag-asawa sa ibang bansa. Nang may lumapit sa aming matipunong lalaki, natakot kami. Marami na kasing nangyaring masama sa amin doon. Nadaya kami, nasigawan at maraming beses na kinikilan ng mga tao sa bansang iyon. Pero nagulat kami sa ginawa ng lalaki, sinabi niya sa amin kung saan makikita ang magagandang lugar sa kanilang bansa. Pagkatapos, ngumiti siya,…
Binago ng Pag-ibig
Noong hindi pa ako sumasampalataya sa Panginoong Jesus, takot akong magkaroon ng relasyon sa iba. Ayoko kasing masaktan muli. Kaya naman, si Mama lang ang aking kaibigan hanggang sa maging asawa ko si Alan. Pagkalipas ng pitong taon, nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang aming pagsasama. Noong mga panahong iyon, kinarga ko ang aking anak na si Xavier at pumunta kami…
Palipat-lipat
Ayon sa US Census Bureau, halos 11-12 beses kung magpalipat-lipat ng lugar ang mga Amerikano sa buong buhay nila. Sa mga nagdaang taon, 28 milyong Amerikano na ang nag-impake at lumipat sa bagong bahay.
Nagpalipat-lipat din naman ang mga Israelita noon sa 40 taong pamamalagi nila sa liblib na lugar. Pinangunahan ng Dios ang paglalakbay ng mga Israelita patungo sa lupang…
Selfie
Nagandahan si Krista sa isang parolang nababalutan ng snow na nasa tabi ng lawa. Kaya naman, naisipan niyang kunan ito ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Dahil sa hamog sa suot niyang salamin, wala siyang makita. Itinapat na lamang niya ang kanyang cellphone sa parola at kumuha ng litrato na may iba’t ibang anggulo. Nang makauwi na siya, tiningnan niya ang…
Makinig Gamit ang Tainga
Inalok ang artista na si Diane Kruger na gumanap bilang isang may-bahay na namatayan ng asawa at anak. Tinanggap naman niya ang alok kahit na may pag-aalinlangan. Hindi niya kasi alam kung magiging kapani-paniwala ba ang kanyang pag-arte dahil hindi pa niya nararanasan ang ganoong pangyayari. Kaya naman, bilang paghahanda, dumalo siya sa mga pagtitipon kung saan tinutulungan ang mga taong…
Ibalik sa Dati
Mahigit sa 25 milyong dolyar ang nasalanta sa mga pananim nang manalasa ang napakaraming Mormon crickets noong 2003. Sa sobrang dami nito, sa bawat hakbang ay may makikita ka sa daan. Maaaring pagkawasak naman ang naging epekto ng pananalanta ng Mormon Crickets " sa Utah noong 1848 sa kabuhayan ng mga magsasaka at maging sa ekonomiya ng bansa.
Sa Lumang Tipan naman…
Lubos na Pagmamahal
Hinamak ni Edwin Stanton ang pagkatao at pamumuno ni Pangulong Abraham Lincoln sa una nilang pagkikita. Binansagan pa ni Stanton si Lincoln na “nilalang na may mahabang braso.” Pero gayon pa man, pinatawad ni Lincoln si Stanton at binigyan pa siya ng mataas na katungkulan sa gobyerno. Hindi nagtagal, naging mabuting magkaibigan sila. Nang malapit nang mamatay si Lincoln, nandoon si…
Maging Anak Ng Dios
Masaya ako kapag may isang pilantropo na nagpapatayo ng bahay-ampunan. Ngunit mas masayang malaman na gusto nitong ampunin ang isa sa mga bata. Malaking kasiyahan na para sa mga bata ang magkaroon ng tumutulong sa kanila, pero higit na kasiyahan ang tiyak nilang mararamdaman kapag may nais mag-ampon sa kanila at ituring silang tunay na anak.
Kung anak ka na ng…