Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Naghihintay

Ilang taon na ang nakakalipas nang magkaroon ang dalawang kapamilya ko ng malalang sakit. Naging mahirap para sa akin ang pag-aalala kung ano ang mangyayari sa kanila. Lagi kong tinatanong ang mga doktor kung ano na ang mangyayari sa kanila. Pero sa halip sagutin kami, sinasabi lang nila na maghintay kami sa resulta.

Napakahirap maghintay sa bagay na walang katiyakan. Lagi…

Purihin ang Dios

Alam ng kaibigan kong si Mickey na mabubulag na siya. Sinabi niya sa akin, “Kahit bulag na ako, lagi ko pa ring pupurihin ang Dios araw-araw dahil napakalaki ng isinakripisyo Niya para sa akin."

Binigyan ng Dios si Mickey at ang lahat ng nagtitiwala kay Jesus ng napakagandang dahilan para purihin siya ng walang katapusan. Ikinuwento ni Mateo sa kanyang aklat…

Patatawarin ko Ba?

Minsan, maaga akong dumating sa aming kapilya para tumulong sa gaganaping pagdiriwang doon. Nang makarating na ako, nakita ang isang babae na umiiyak sa isang gilid. Nakikilala ko ang babaeng iyon. Wala siyang awa sa akin at nagtsismis sa akin nang nakaraang panahon. Kaya naman, bakit ko siya papakitaan ng pagkaawa at pagmamalasakit?

Nang mga sandali ring iyon, ipinaalala sa akin…

Ang ating mga Alaala

Maaaring manatili sa ating puso ang galit, kalungkutan at kawalan ng kapayapaan dulot ng mga nararanasan nating kabiguan. Malaki ang epekto nito sa ating buhay, piliin man nating kalimutan o kimkimin nalang. Sinisikap nating kalimutan ang sakit pero sa tuwing naaalala natin ang pangyayari, mapagtatanto nalang natin na masakit pa rin pala.

Ipinapaalala naman ni Oswald Chambers na isang tagapagturo ng…

Limang Minuto

May nabasa ako tungkol sa ginagawa ng isang ina para sa kanyang mga anak. May batas sa bahay nila na laging maglalaan ng limang minuto bago ang oras ng pag-alis nila ng bahay.

Kapag magkakasama na sila, isa-isang idinadalangin ng ina ang kanyang mga anak para gabayan at pagpalain ng Dios ang araw na iyon. Pagkatapos manalangin, isa-isa niyang hahalikan ang…

Nag-iisa sa Kalawakan

Ikinuwento ni Al Worden na piloto ng Apollo 15 ang karanasan niya nang nasa kalawakan siya na malapit sa buwan. Tatlong araw siyang nag-iisa dahil nasa kabilang bahagi ng buwan ang kanyang mga kasama. Tanging ang kasama raw niya ay ang mga bituin na parang binabalot siya ng liwanag nito.

Naranasan din naman ni Jacob na binanggit sa Lumang Tipan ng…

Paghawak

Nagkaroon ng pagkakataon si Kiley na makasama sa pagmimisyon sa bansang Africa para gamutin ang mga may sakit. Nag-aalala siya dahil wala naman siyang alam sa panggagamot. Pero alam niyang makakatulong pa rin ang simpleng pag-aalaga sa mga may sakit.

Habang nandoon, nakilala niya ang isang babae na may malalang sakit pero magagamot naman. Kahit na pinipigilan ng babae na lumapit…

Mga tanong sa Dios

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung bigla na lang nagpakita sa iyo ang Dios? Ganito ang nangyari kay Gideon na isa sa mga hukom noon ng mga Israelita. “Nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ikaw, magiting na sundalo, ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sumagot si Gideon, “Kung sumasaamin nga ang Panginoon, bakit ganito ang kalagayan namin?” (HUKOM 6:12-13 ASD). Nais…

Habang-buhay Mamahalin

Minsan, parang napakaimposible na matapos ang araw na hindi tayo nakakaranas ng pangmamaliit o pagbabalewala ng iba. May pagkakataon pa nga na ginagawa natin ito sa ating sarili.

Nakaranas din naman si Haring David ng mga pangaalispusta at pangmamaliit mula sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkatao at pagpapahalaga sa sarili (AWIT 4:1-2). Kaya naman…

Pagsapit ng Umaga

Hating-gabi na nang dumating kami sa aming tutuluyan. Maaliwalas ang aming kuwartong tutulugan. Mayroon itong balkonahe. Tiningnan ko ang puwedeng makita mula doon kaya lang, masyado pang mahamog at madilim ang paligid. Pagsapit ng umaga, sumikat ang araw at nawala na ang hamog sa paligid. Pumunta akong muli sa balkonahe at namangha ako sa aking nakita. Napakapayapa ng luntiang pastulan at…