Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Tulad Natin

Nais ng guro at manunulat na si Foster Wallace na mabago ang mga maling gawi ng mga estudyante niya pagdating sa pagsusulat. Nag-isip si Foster kung paano sila matutulungan para mas maging mahusay. Pero naitanong niya sa sarili kung pakikinggan ba ng mga estudyante ang isang mayabang at mapagmataas na gurong tulad niya.

Maaaring magbago si Foster at nagbago nga siya.…

Palayok

Nagkaroon ng isang napakalakas na lindol at tsunami noong 2011 sa bansang Japan. Nakasira ito ng 230,000 na tirahan at kumitil ng halos 19,000 na buhay. Dahil sa trahedyang iyon, binuo ang Nozomi Project. Ang nozomi ay salitang Hapon na ang ibig sabihin ay pag-asa. Layunin ng proyektong ito na tulungan ang mga biktima na makabangong muli at magkaroon ng pag-asa…

Binago ni Jesus

Isang grupo ng kabataan ang bumisita sa isang home for the aged sa Jamaica kung saan kinukupkop ang mga matatanda. Napansin ng isa sa kanila ang matandang lalaki na malungkot. Parang wala nang natitira pa sa matanda kundi ang kanyang higaan na hindi niya kayang galawin dahil sa kapansanan.

Ibinahagi ng kabataang babae sa matanda ang tungkol sa pag-ibig ng Dios…

Sa lahat ng Henerasyon

Ikinasal ang aming mga magulang noong panahon na tinatawag na ‘Great Depression.’ Kami ng asawa ko ay kabilang sa mga ‘Baby Boomers’ at ang mga anak namin ay kabilang sa henerasyong X at Y. Dahil lumaki kami sa magkakaibang henerasyon, magkakaiba rin ang aming opinyon.

Malaki ang pagkakaiba ng bawat henerasyon sa mga karanasan sa buhay at pag-uugali. Totoo rin ito…

Tabernakulo

Nagpunta kami ng aming grupo sa Disyerto ng Negev sa timog Israel kung saan makikita ang isang modelo ng tabernakulo. Kahit na hindi talaga totoong tabernakulo ang nakita namin, kahanga-hanga pa rin ito. Malaki kasi ang pagkakatulad nito sa tunay na tabernakulo.

Noong papasok na kami sa Dakong Banal at Dakong kabanal-banalan upang makita ang kaban ng tipan, nagalinlangan ang iba…

Pinatawad

Paminsan-minsan, sinosorpresa ng kaibigan kong si Norm Cook ang kanyang pamilya pag-uwi niya galing sa trabaho. Pagpasok niya ng pinto nila, bigla siyang sisigaw, “Pinatawad na kayo!” Sinabi niya iyon hindi dahil sa may kasalanan sila sa kanya. Pinapaalalahanan lang sila ni Norm na kahit may nagawa silang kasalanan sa Dios nang araw na iyon, lubos na silang pinatawad sa…

Kasama Ang Dios

Sa isang nursing home o lugar kung saan kinukupkop ang mga matatanda, may isang matandang babae na hindi nakikipag-usap sa kahit na sino. Hindi rin siya humihingi ng kahit ano. Nandoon lamang siya sa kanyang kuwarto at nakaupo sa kanyang tumba-tumba. Madalang lang siyang magkaroon ng bisita kaya pinupuntahan siya ng isang nars tuwing libre ang oras nito. Hindi niya pinipilit…

Iniahon mula sa Tubig

Bilang isang lifeguard, alerto ako sa pagbabantay kung may nakaambang panganib para sa mga lumalangoy. Nagbabantay ako upang matiyak ang pagiging ligtas nila mula sa anumang disgrasya. Kung bigla na lang akong umalis o hindi ako magiging alerto, maaaring may hindi magandang mangyari sa mga lumalangoy. Kung sakali naman na may nalulunod dahil hindi ito masyadong marunong lumangoy o napulikat ito,…

Pagkauhaw

Si John F. Burns ay 40 taon nang nagsusulat para sa The New York Times. Nang magretiro siya noong 2015, isinulat niya ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigang malapit nang mamatay dahil sa kanser. “Huwag mong kalimutan, hindi mahalaga kung gaano kalayo ang narating natin sa buhay, ang mahalaga ay kung ano ang natutunan natin mula sa ating paglalakbay sa…

Komunidad

Ayon kay Henri Nouwen ang komunidad ay isang lugar kung saan nakatira ang iba’t ibang uri ng tao na kadalasa’y mga hindi natin gustong makasama. Natural sa ating mga tao na magnais makasama ang mga taong gusto natin kaya naman bumubuo tayo ng samahan, hindi ng komunidad. Makakabuo ang kahit sino ng samahan pero mahirap ang bumuo ng isang komunidad. Nangangailangan…