Hari ng Alon
Si Haring Canute ang isa sa pinakamakapangyarihang tao noong mga taong 1100. May sikat na kuwento tungkol sa kanya. Minsan daw, nasa tabing dagat si Haring Canute. Dahil tumataas na ang tubig, inutusan niya ang dagat na huminto. Iniisip kasi ni Haring Canute dahil hari siya, dapat lahat ng nasa paligid niya ay susunod sa kanya. Pero hindi iyon nangyari, patuloy…
Magmahal nang Tama
Nanginginig ang boses ng isang nanay habang ikinukuwento ang problema niya sa kanyang anak na babae. Kinumpiska raw ng nanay ang cellphone ng anak at sinasamahan niya ito saan man magpunta. Hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-ina. Nang kausapin ko naman ang bata, nalaman ko na mahal niya ang kanyang nanay pero nahihirapan siya sa kahigpitan nito. Gusto niya…
Tuloy po Kayo
Naging magandang alaala sa aming mag-asawa ang hapunan namin sa bahay kasama ang mga pamilyang bisita namin galing sa limang bansa. Maganda ang naging kuwentuhan namin dahil ikinukuwento ng bawat isa ang kanilang karanasan sa pagtira sa London. Kung nasiyahan ang aming mga bisita sa mainit naming pagtanggap sa kanila, mas lalo kaming nasiyahan sa pagbisita nila. Bukod sa nagkaroon kami…
Ang luma kong Sapatos
Kung minsan, hindi pa man ako tapos magsalita, alam na ng asawa ko ang susunod kong sasabihin. Ganoon din ako sa kanya. Sa higit na 30 taon naming pagsasama bilang mag-asawa, mas lalo naming nakilala ang isa’t-isa. Kaya may pagkakataon na hindi na namin kailangan pang tapusin ang aming mga sinasabi para magkaintindihan. Sa isang tingin at isang salita lang, kuha…
Ang mga Litrato
Ipinagmamalaking ipinakita ng matandang babae sa kanyang mga kaibigan ang dalawang litratong hawak niya. Makikita sa unang litrato ang kanyang anak na babae. Ang sumunod naman ay litrato ng bagong silang niyang apo. Anak ito nang nasa unang litrato. Namatay siya noong ipinapanganak niya ang sanggol.
Nilapitan naman ang matanda ng kaibigan niya at tiningnan ang mga litrato. Pagkatapos, naluluha niyang…
Tulad Natin
Si Charles Schulz ang lumikha sa sikat na Peanuts komiks. Noong namatay siya, ikinuwento nang kanyang kaibigan at kapwa manunulat na si Cathy Guisewite ang tungkol sa kabaitan at pagiging maawain ni Charles.
Kuwento ni Cathy, “Lumikha siya ng mga karakter sa komiks na kung saan nararanasan ng mga ito ang mismong nararanasan ng mga tao. Dahil doon naging malapit sa…
Buong Sarili
Hindi masaya ang binatang si Isaac Watts sa mga kinakanta sa kanilang simbahan. Kaya hinamon siya ng kanyang ama na gumawa ng bagong kanta. Gumawa naman si Isaac. Sumikat ang ginawa niyang kanta na “When I Survey The Wondrous Cross.” Tungkol ito sa mga nararamdaman ni Isaac kapag pinag-iisipan niya ang kamatayan ni Jesus. Itinuring itong pinakamagandang kanta na inaawit ng…
Kamatayan
May isinulat sa isang pahayagan ang manunulat na si Ariana Cha tungkol sa proyektong ginagawa ng ilang bilyonaryo. Ikinuwento ni Ariana ang pagsisikap ng mga bilyonaryo na mapahaba ang buhay ng tao hanggang sa hindi na dumanas ng kamatayan. Nais nilang talunin ang kamatayan. Handa rin silang gumastos ng bilyon para sa proyektong ito.
Ang totoo, huli na sila. May tumalo…
Hindi Napapansin
May magandang paraan si Plato na taga bansang Greece kung paano maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa puso ng tao. Nagkuwento siya tungkol sa isang pastol na nakakita ng isang gintong singsing. Minsan, nagkaroon daw ng lindol at pagkatapos nito ay bumuka ang lupa kung saan natagpuan niya ang gintong singsing. Natuklasan din ng pastol na may kakayahan ang singsing na…
Malaya Kang Lumapit
Ilang taon na ang nakakalipas nang imbitahan ako ng kaibigan ko na manood sa paligsahan ng larong Golf. Nang makarating na kami, binigyan nila ako ng mga regalo, babasahin tungkol sa golf at mapa ng buong lugar. Pero ang pinakamaganda ay ang makaupo kami sa isang lugar na para sa mga espesyal na tao kung saan libre ang pagkain at maayos…