Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Nagkakaisa

May nakita akong leon, tigre at oso na magkakalaro. Hindi pangkaraniwan ang ganoon pero nangyayari iyon araw-araw sa Noah’s Ark Animal Sanctuary. Isang lugar ito kung saan inaaruga ang mga hayop. Noong 2001, kinupkop sa lugar na iyon ang tatlong hayop na iyon. Dahil parang isang pamilya sila nang dalhin doon, hindi na sila pinaghiwalay. Noong panahong hindi maganda ang pagtrato…

Maging Mabait

Noong bata pa ako, gustung-gusto kong basahin ang mga librong isinulat ni L. Frank Baums na Land of Oz. Minsan, binasa ko uli ang Rinkintik in Oz. Mabait at mapagpakumbaba si Haring Rinkintik. Nakakatawa nga lang ang kanyang mga ginagawa. Sinabi ng isang batang prinsipe na si Inga na mabait at mahinahon si Haring Rinkintik. Mas mabuti daw iyon kaysa sa…

Ilaw na Pampasko

Taun-taon, sa isang lugar sa Singapore na tinatawag na Orchard Road ay maraming makikitang makukulay na ilaw na pamPasko. Makikita ang mga ilaw na iyon, ilang linggo bago magPasko at pagkatapos ng Pasko. Inilalagay ang mga iyon doon para maakit ang mga turista na pumunta sa lugar na iyon at mamili sa mga tindahan doon. Marami ang pumupunta doon. Nasisiyahan sila…

Yaman sa Libingan

Si Antonio Caso ay dalubhasa sa pagsasaliksik ng mga sinaunang lungsod. Noong 1932, natuklasan niya sa bayan ng Monte Alban sa Mexico ang isang libingang tinatawag na Tomb 7. Sa loob nito ay maraming mga sinaunang gamit at mga alahas. Tinawag ito ni Caso na Kayamanan ng Monte Alban. Hindi siguro mailarawan ang tuwa sa mukha ni Caso nang hawakan niya…

Narinig at Isinagawa

Ang aking asawa ay nangangasiwa sa isang kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Isang gabi may tumawag sa kanya sa telepono. Dinala daw sa ospital ang isa sa mga babaing masipag manalangin sa kapulungan namin. Mga 70 taon na siya at nag-iisa lang sa bahay. Malubha ang sakit niya. Hindi na siya makakain at makainom. Hindi na din siya makakita at…

Kausap ang Sarili

Kinakausap mo ba ang sarili mo? Kung minsan, kapag may ginagawa ako, sinasabi ko sa aking sarili ang iniisip ko. Kung may makakakita sa akin na nagsasalita nang mag-isa, mahihiya pa din ako kahit halos lahat naman sa atin ay kinakausap ang sarili.

Madalas na kinakausap ng mga sumulat ng Awit sa Biblia ang kanilang sarili. Kinakausap ng sumulat ng ika116…

Mula sa Malayo

Sinabi ng astronaut na si Charles Frank Bolden Jr., na nagbago ang pagtingin niya sa mundo nang unang beses siyang pumunta sa kalawakan. Nang tingnan niya ang mundo mula sa malayo, payapa ito at napakagandang tingnan. Pero nang mapatapat sila sa mga bansa sa Gitnang Silangan at naalaala niya ang kaguluhan doon, muling bumalik sa isip niya ang tunay na kalagayan…