MAG-ISA LANG?
Nakita ni Sue ang unti-unting pagkawasak ng kanyang pamilya. Bigla siyang iniwan ng kanyang asawa, kaya litong-lito at puno siya ng galit. Nakiusap siya sa kanyang asawa na sumama sa counseling, ngunit tumanggi ito. Si Sue naman daw kasi ang may problema. Nang mapagtanto ni Sue na baka hindi na bumalik ang asawa niya, nakaramdam siya ng takot at kawalan…
KILALA TAYO NG DIOS
Kamakailan lang, nakita ko ang isang litrato ng iskultura ni Michelangelo na Moises. Makikita sa malapitan ang isang maliit na umbok ng kalamnan sa kanyang kanang bras. Extensor digiti minimi ang tawag sa kalamnang ito, at lumilitaw lang ito kapag itinaas ang maliit na daliri. Binigyang pansin ni Michelangelo ang maliit na detalyeng ito, kahit na halos hindi naman ito mapapansin…
MAKINIG SA DIOS
Noong nag-aaral pa ako, nagmamaneho ako papunta sa eskuwelahan at maging pauwi. Napakalungkot ng daan pauwi sa aming bahay na nasa disyerto. Mahaba at tuwid ang daan, kaya ilang beses akong nakapagpatakbo nang napakabilis. Noong una, pinagsabihan lang ako ng pulis. Sumunod, nakatanggap na ako ng tiket. At di nagtagal, muli akong nasita sa parehong lugar.
Maaaring magdulot ng hindi…
TOTOO ANG PAG-IBIG
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa,” sabi ni Jojie. “Sa sobrang pagkabigla ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig.” Natuklasan niya kasing may ibang babae ang kanyang fiancé. Ganito rin nagtapos ang kanyang naunang relasyon. Kaya nang marinig niya ang tungkol sa pag- ibig ng Dios sa isang Bible study, hindi maiwasan ni Jojie na magtanong: Isa na…
KAPAHINGAHAN KAY JESUS
Hindi nakukuntento ang balisang kaluluwa, anuman ang matamong yaman o tagumpay. Patunay dito ang isang yumaong sikat na mang-aawit. Halos apatnapung album niya ang pumasok sa top-ten charts ng Billboard para sa country music. Ngunit ilang beses siyang nag-asawa at nakulong sa bilangguan. Sa kabila ng mga tagumpay, minsan niyang sinabi: “Mayroon akong hindi matanggal na pagkabagabag sa aking kaluluwa. Hindi ito…
BUKAL
Nag-safari sa Kenya sina Andrew at kanyang pamilya. Di tulad sa zoo, nasaksihan nila sa safari ang mga hayop sa kanilang totoong tirahan sa kalikasan. Doon, nakita nilang dumayo ang maraming hayop sa isang maliit na lawang nagbibigay-buhay sa tuyong kalupaan. Habang pinagmamasdan iyon ni Andrew, naisip niyang ang “Biblia ay tulad ng isang bukal na pinagkukunan ng tubig.” Hindi lamang nagbibigay…
ANG UNGGOY, ANG ASNO, AT AKO
Nakakamangha! Nagtatrabaho ang isang chacma baboon na isang unggoy para siguruhing nasa tama nitong riles ang isang tren. Jack ang pangalan niya. Alaga siya ni James Wide na isang railway signalman o tagabigay ng hudyat sa mga tren. Nawalan ng mga paa si Wide nang mahulog siya sa riles ng tren. Kaya naman, para may makatulong sa kanya, tinuruan niya si Jack…
MAKITA ANG NANGANGAILANGAN
Sa mga huling araw ng buhay ng aking ama, dumaan sa kanyang silid si Rachel na isang nars. Nag-alok siya kung maaari niyang ahitan ito. Sinabi pa niya, “Nais kasi ng mga matatandang lalaki ang pagkakaroon ng maayos na pag-aahit sa kanilang mukha araw-araw.” Ginawa ito ni Rachel dahil nakita niya ang pangangailangan ng aking ama. Kumilos siya at nagpakita…
ITO NA KAYA?
Naalis si Peter sa kanyang trabaho. Mag-isa pa naman niyang itinataguyod ang kanyang pamilya. Kaya taimtim siyang nanalangin na magkaroon muli ng trabaho. At nang may mag-alok sa kanya ng napakagandang trabaho, nasabi ng kanyang kaibigan ito: “Tiyak na ito na ang sagot ng Dios sa iyong mga panalangin.”
Gayunpaman, nag-alinlangan si Peter nang mabasa niya ang tungkol sa katiwalian…
PATULOY NA IPAHAYAG!
Sa panayam, inalala ng isang mang-aawit na nagtitiwala kay Cristo ang panahong sinabihan siya na “itigil na ang labis na pagsasalita tungkol kay Jesus.” Mas magiging sikat at mabilis daw kasi silang makakalikom ng pera upang makatulong sa mga mahihirap. Matapos niyang pag-isipan itong mabuti, nagpasiya siya, “Kaya ako umaawit ay para maibahagi ko ang pagtitiwala ko kay Cristo...Kaya hindi…