Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

KAGALAKANG MAY PAGMAMAHAL

Nakatitig sa isa’t-isa sina Brendan at Katie. Kung titingnan ang masaya at maaliwalas nilang mga mukha, hindi mo mahuhulaan ang hirap na kanilang pinagdaanan para sa kanilang kasal dahil sa COVID-19. Gayon pa man, sa harap ng dalawampu’t lima nilang kapamilya, nandoon pa rin ang saya at kapayapaan sa kanilang mukha habang nagsasabi ng kanilang pangako sa isa’t-isa. Nagpasalamat din…

KAPAG NAHIHIRAPAN

Naikuwento sa akin ng aking kaibigan kung paano siya nahihirapan at natatakot sa tuwing tumatawid siya sa intersection. Ito ang mga tawirang magkakasalubong. Sinabi pa niya, sa sobrang takot niya noon, nag-iintay pa siya ng mga sasakyang puwedeng magtawid sa kanya sa kabilang dako. Ngunit natutunan din naman niya kung paano tumawid.

Marahil kung gaano kahirap ang tumawid sa isang…

NAKASULAT NA SA AKLAT

Nag-aalinlangan ang manunulat na si Doris Kearns Goodwin nang isinulat niya ang A Team of Rivals: The Political Genius of Abraham Lincoln. Napakarami na kasing aklat ang nasulat patungkol kay Lincoln. Ano pa ang maaari niyang isulat tungkol sa kanya? Sa kabila ng kanyang pag-aalala, natapos niya ang aklat at kinilala pa ito ng marami.

Naharap naman sa ibang suliranin…

KARAPAT-DAPAT KA

Nagulat ako nang makatanggap ako ng regalo mula sa aking kaibigan. Para sa akin kasi, hindi ako karapat-dapat na makatanggap ng ganoong regalo mula sa kanya. Hindi ko inakalang bibigyan niya ako ng regalo dahil narinig niyang stressed ako sa trabaho. Dahil alam kong higit siyang stressed sa akin, hindi lamang sa trabaho, kundi maging sa inaalagaang magulang, makukulit na anak, at…

MANAHAN SA PILING NG DIOS

Isang gabi, habang nag-jojogging malapit sa isang gusali, nakita ko ang isang payat at maruming pusa. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ng pusa hanggang makauwi ako sa bahay. Ngayon, malusog nang pusa si Mickey. Kaya palagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing napapadaan ako kung saan ko natagpuan si Mickey. Mayroon na siyang tahanan ngayon.

Mababasa naman natin sa…

DAPAT MALINAW ANG MGA MATA

Ipinanganak na may kakaibang kondisyon sa mata ang sanggol na si Leo. Kaya hindi pa niya nakikita ang kanyang mga magulang. Laging maulap ang paningin ni Leo. Dahil dito, binigyan ng doktor ng espesyal na salamin sa mata si Leo. Kinuhanan ng video ng ama ni Leo ang pagsusuot niya ng bagong salamin sa mata. Napanood namin ang pag-focus ng mga mata…

HUMINGI NG TULONG SA KANYA

Nag-aalala ako. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan. Hindi ko man gustong gawin, alam kong dapat ko siyang tawagan upang humingi ng tawad. Alam ko ring hindi ako naging mabait o nagpakumbaba man lang noong huling nag-usap kami.

Habang hinihintay ang pagsagot sa aking tawag, naisip ko, paano kung hindi niya ako patawarin? Paano kung ayaw na…

ANG MABUTING PASTOL

Nang marinig ni Pastor Warren na isang miyembro ng kanilang simbahan ang umiwan sa kanyang pamilya, hiniling niya sa Dios na mabigyan siya ng pagkakataong makita at makausap ito. Pinakinggan naman ng Dios ang panalangin niya. Nakita niya ang lalaki nang pumasok siya sa isang kainan. Nakapag-usap sila at nanalangin nang magkasama.

Tila naging isang pastol ng kanyang nasasakupan si…

MAG-ISA

Noong Hulyo 20, 1969, lumabas sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa Apollo 11. Sila ang mga unang taong lumakad sa ibabaw ng buwan. Ngunit hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa ikatlong kasama nila na si Michael Collins, ang nagmaneho ng sinakyan nila na Apollo 11.

Nang bumaba ang mga kasama ni Collins, naiwan siyang mag-isa sa may dulong…

HINDI KO LUBOS MAISIP

Naupo ako sa upuan ng simbahan sa likod ng isang babae habang tumutugtog ang kantang “I Can Only Imagine.” Itinaas ko ang aking kamay habang umaawit ng papuri sa Dios. Narinig ko rin ang magandang boses ng babae na sumasabay sa kanta. Pagkatapos ng simba, nakapag-usap kami ni Louise, ang babaeng nasa aking unahan. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa…