Ang Kagandahang-loob Ng Dios
“Sa sobrang tingkad ng katotohanan at kaluwalhatian ng Dios, mungkahi niya na mas makakabuting tanggapin natin ito at ibahagi nang marahan at may paglihis (hindi direkta). Ang Katotohanan kailangan dahan-dahan magningning o Kung nais ‘di mabulag ang bawat isa.”
Aral ni Apostol Pablo na maging “mapagpakumbaba at mahinahon at matiyaga” sa pagpaparaya dahil sa pag-ibig sa isa’t isa (Efeso 4:2…
Saan Aasa?
Noong high school pa ako, hinahangaan ng lahat ang ugali ni Jack at ang galing niya sa sports. Pinakamasaya siya kapag nasa ere siya, bitbit sa isang kamay ang skateboard, at nakaunat ang isa para magbalanse.
Nagpasya si Jack na sundin si Jesus pagkatapos makadalo sa isang lokal na simbahan. Bago iyon, pinagtiisan niya ang mga problema sa pamilya at gumamit…
Mangkok Ng Kape
Hindi ako umiinom ng kape, pero ang paglanghap sa kape ay nagdadala sa akin sa isang sandali ng pag-iisa at pagkamangha. Noong inaayos ng anak namin ang kuwarto niya, naglagay siya doon ng isang mangkok ng mga butil ng kape para punuin ang silid ng mainit at mabangong amoy. Halos dalawang dekada na ang nakalipas mula nang mamatay si Melissa…
Sa Puso Nagmumula
Ang rescue mission na Operation Noah’s Ark ay naging isang bangungot para sa Nassau Society for the Prevention of Cruelty to Animals. Pagkatapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa ingay at baho mula sa isang bahay, pumunta sila roon at natagpuan ang mahigit sa 400 na napabayaang mga hayop.
Hindi siguro tayo nagtatago ng daan-daang hayop na nasa masamang kondisyon, pero sinabi…
Para Sa Kinabukasan
Ayon sa psychologist na si Meg Jay, iniisip natin ang sarili natin sa kinabukasan na para bang isa siyang estranghero. Bakit? Dahil sa tinatawag na empathy gap. Mahirap makisimpatya at magmalasakit sa mga taong hindi natin kilala nang personal—kahit sarili pa natin sa kinabukasan.
Kaya sa trabaho niya, tinutulungan ni Jay ang mga kabataan na isipin ang kanilang sarili sa darating…
Himala
Parang magkakadurug-durog na ang buhay ng blogger na si Kevin Lynn. Sa isang artikulo, ikinuwento niya, “Tinutok ko na sa ulo ko ang baril ... Kinailangan ng Dios na humakbang papasok sa kuwarto at buhay ko. At sa sandaling iyon, nalaman ko kung sino ang Dios.” Namagitan ang Dios at pinigilan si Lynn sa pagpapakamatay.
Pinuno Niya ng karunungan si Lynn…
Pumili Nang Matalino
Gumawa ng mahirap na pasya ang astronaut na si Chris Ferguson bilang commander ng grupong nakatakdang magpunta sa International Space Station. Pero walang kaugnayan ang desisyong iyon sa mechanics ng flight nila o sa kaligtasan ng mga kasamahan niya. Sa halip ito ay tungkol sa itinuturing niyang pinakaimportante niyang tungkulin: ang pamilya niya. Pinili ni Ferguson na manatiling nasa lupa para makarating sa kasal…
Ang Kapangyarihan Ng Pangalan
Para palakasin ang loob ng mga batang nakatira sa mga kalye sa Mumbai, India, gumawa si Ranjit ng isang kanta ng mga pangalan nila. Nag-isip siya ng magandang himig para sa bawat pangalan at itinuro iyon, umaasang magkakaroon ng positibong alaala ang mga bata kaugnay ng itinatawag sa kanila. Nagbigay siya ng regalo ng respeto para sa mga batang hindi…
Hindi Pa Tapos Ang Kuwento
Nang matapos ang British drama na Line of Duty, napakaraming nanood para malaman kung paano matatapos ang pakikipaglaban ng bida sa mga sindikato. Pero nadismaya sila nang ipahiwatig ng katapusan na mananaig ang masama. “Gusto kong madala sa hustisya ang masasama,” sabi ng isang manonood. “Kailangan namin ng magandang katapusan.”
Minsang naitala ng sociologist na si Peter Berger na gutom ang mga tao sa…
Kailangan Ng Tao
Bilang hall-of-famer na sportswriter, daan-daang malalaking kaganapan at championships na ang napuntahan ni Dave Kindred, at naisulat din niya ang talambuhay ni Muhammad Ali. Nang magretiro at mainip, nanood siya ng basketball games ng mga batang babae sa isang lokal na eskuwelahan. Hindi nagtagal, nagsulat siya ng mga kuwento tungkol sa bawat laro at inilagay iyon online.
At noong mamatay ang kanyang ina…