Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ako Ang Mga Kamay Niya

Nawalan ng paningin si Jia Haixia noong taong 2000. Nawalan naman ng mga braso ang kaibigan niyang si Jia Wenqi noong bata pa ito. Pero natutunan nilang lampasan ang kanilang mga kapansanan. “Ako ang mga kamay niya, at siya ang aking mga mata,” sabi ni Haixia. Magkasama nilang binabago ang bayan nila sa Tsina.

Mula noong 2002, nagmimisyon ang magkaibigan…

Ano’ng Sasabihin Ko?

Nagtitingin ako ng mga librong may “C . S . Lewis” sa isang tindahan ng lumang libro nang dumating iyong may-ari. Habang nag-uusap kami, napaisip ako kung interesado kaya siya sa pananampalataya na nag-udyok kay Lewis para magsulat. Tahimik akong nagdasal para humingi ng gabay. Naisip ko iyong biography na nakalagay sa libro at nag-usap kami tungkol sa pagkatao ni…

Sulit Na Paghihintay

Gusto nang umalis ni James sa trabaho niya na nakaka-stress, mahaba ang oras, at may di-makatuwirang boss. Pero may mga bayarin siya, asawa, at isang batang anak na kailangang alagaan. Natutukso na siyang mag-resign pero pinaalalahanan siya ng asawa niya: “Maghintay lang tayo at tingnan natin kung ano’ng ibibigay sa atin ng Dios.”

Matapos ang ilang buwan, sinagot ang dasal…

Bayani, Diktador, at Si Jesus

Galit si Beethoven. Balak niya kasi sanang tawagin ang Third Symphony niya na “The Bonaparte.” Noong panahon ng paniniil, nakita niya si Napoleon bilang bayani at tagapagtanggol ng kalayaan. Pero noong ideklara ng heneral ang sarili bilang emperador, nagbago ang isip ni Beethoven. Tinawag niyang masama at diktador ang dati niyang bayani, at pinilit niyang alisin ang pangalan ni Bonaparte sa…

Tulong Sa Nangangailangan

Napagbuksan ni Elvis Summers ng pinto si Smokey, iyong payat na babaeng laging nanghihingi ng mga walang lamang lata para maibenta . Iyon ang pangunahing pinagkakakitaan ng babae . Biglang may naisip si Elvis . “Puwede mo bang ipakita sa akin kung saan ka natutulog?” tanong niya . Sinama siya ni Smokey sa isang makitid na pasilyong puno ng alikabok,…

Niligtas Mula Sa Kaaway

Noong 2010, sa edad na 94, binigyan ng bronze star award si George Vujnovich para sa ginawa niya na tinawag ng New York Times bilang “isa sa pinakadakilang pagliligtas noong World War II.” Si Vujnovich ay anak ng isang Serbian na nag-migrate sa US, at sumali siya sa US Army.

Sa isang mahusay at matrabahong operasyon na tumagal nang ilang buwan, nailigtas niya…

Napakaraming Tao

Masaya at excited kaming nagkita-kita para sumamba nang araw na iyon ng Linggo. Kahit hiwa-hiwalay kami dahil sa coronavirus, kinuha namin ang pagkakataon para ipagdiwang ang kasal nina Gavin at Tijana. Naka-broadcast iyon sa mga kaibigan namin at kapamilya na nakakalat sa iba’t ibang bansa—sa Spain, Poland, at Serbia. Tinulungan kami ng ganitong teknolohiya para malampasan ang mga hadlang habang pinagdiriwang namin…

Magsama-sama

Isang simbahan ang nahati noon dahil sa hita ng manok. Pinag- aawayan daw ng dalawang lalaki ang huling hita ng manok sa isang kainan sa simbahan. Sabi ng isa, gusto raw ng Dios na sa kanya mapunta iyong manok. Sagot naman niyong isa, wala daw pakialam ang Dios doon, at gusto niya iyong manok. Sobrang lala ng away na umalis…

Ang Perpektong Pangalan

Isang araw sa Agosto, pinanganak ng asawa ko ang pangalawa naming anak. Pero nahirapan kaming bigyan siya ng pangalan. Tatlong araw na “Baby Williams” lang ang tawag namin sa kanya, bago sa wakas ay napangalanan namin siyang Micah.

Medyo mahirap pumili ng tamang pangalan. Maliban na lang kung Dios ka, na nakahanap ng perpektong pangalan para doon sa bukod-tanging nagpabago…

Magbigay Nang May Galak

Hindi alam ni Nicholas na ilang daantaon pagkamatay niya, makikilala pala siya bilang Santa Claus.

Isa lang siyang tao na nagmamahal sa Dios, tunay na nagmamalasakit sa mga tao, at kilalang mapagbigay at mapaggawa ng mabubuting bagay. Ang sabi, nang malaman ni Nicholas na naghihirap ang isang pamilya, pumunta siya isang gabi sa bahay ng mga ito at naghagis ng…