Pag-iilaw Ng Mga Kandila
Tanghali noon, pero hindi maaninag ang araw. Nagsimula ang Dark Day ng New England mula umaga ng Mayo 19, 1780, at inabot nang ilang oras. Ang dahilan ng kadilimang iyon ay ang makapal na usok galing sa malaking wildfire sa Canada, pero marami ang nag-iisip na baka iyon na ang araw ng paghatol.
May sesyon sa senado ng Connecticut at nang may nakaisip…
Masakit Na Kaalaman
Huminto sa isang baybayin si Zach Elder at ang mga kaibigan niya matapos ang 25 araw ng pagra-raft sa Grand Canyon. Binanggit sa kanila ng tumanggap ng balsa ang tungkol sa COVID-19 virus. Akala nila nagbibiro lang ito, pero nang iwan nila ang lugar, nagtunugan ang mga telepono nila dahil sa mga mensahe ng kanilang mga magulang. Nagulat sila Zach. Kung…
Hayaang Bukas Ang Ilaw
Sa isang patalastas, makikita na may isang maliit na gusaling nakatayo sa gitna ng madilim na gabi. Ang tanging ilaw sa esksena ay mula sa maliit na lampara malapit sa pinto sa beranda ng gusali. Sapat ang liwanag para makapaglakad sa hagdan ang sinuman at makapasok sa gusali. Nagtapos ang patalastas sa mga salitang, “Iiwan naming bukas ang ilaw para…
Mga Binhi Ng Panahon
Noong 1879, inisip siguro ng mga taong nakapanood kay William Beal na baliw siya. Nakita nila ang propesor na naglagay ng iba’t ibang buto sa may 20 na bote at ibinaon iyon sa lupa. Ang hindi nila alam, ang ginagawa niya ay isang eksperimento tungkol sa kakayahang mabuhay ng mga buto, at tatagal iyon nang ilang siglo. Kada 20 taon,…
Magmahal at Sumandal Sa Dios
Nakakatuwa si Zach, matalino, at gusto ng lahat. Pero sikretong nakipaglaban siya sa depresyon. Pagkatapos niyang magpakamatay noong 15 siya, sinabi ng nanay niyang si Lori, “Ang hirap tanggapin na ang isang taong may ganyang mga katangian ay aabot sa ganoong punto. Si Zach ... hindi siya abswelto sa suicide.” May mga panahon na binubuhos ni Lori sa Dios ang…
Ang Plano at Ang Kalooban
Noong taong 2000, isang nagsisimulang kumpanya na nagpaparenta ng mga pelikula ang nag-alok sa Blockbuster na bilhin nito ang kumpanya nila sa halagang 50 milyong dolyar. Ang Blockbuster ang hari sa rentahan ng mga video noon. 300,000 lang ang subscribers ng Netflix, samantalang milyon-milyon ang sa Blockbuster.
Hindi kinagat ng Blockbuster ang alok ng maliit na kalaban. Ang resulta? Ngayon, mahigit sa 180 milyon…
Humingi Ka Lang!
Ang masasayang sigaw sa basement namin ay galing sa asawa kong si Shirley. Ilang oras siyang nakipagbuno sa isang proyekto, at ngayon, handa na siyang matapos. Sa kanyang kabalisahan at pag-aalinlangan kung paano susuong, nanalangin siya sa Dios. Humingi din siya ng tulong sa mga kaibigan niya sa Facebook at natapos nga ang proyekto dahil sa pagtutulungan.
Maliit na bagay man ang…
Kapag Kailangan Mo Ng Tulong
Lunes ng umaga, pero wala sa opisina ang kaibigan kong si Chia-ming. Nasa bahay siya, naglilinis ng banyo. Isang buwan na siyang walang trabaho. Nagsara ang pinapasukan niya dahil sa COVID-19 pandemic at nag-aalala siya para sa kinabukasan. Kailangan kong suportahan ang pamilya ko, naisip niya. Saan ako hihingi ng tulong?
Sa Salmo 121:1, ang manlalakbay sa Jerusalem ay nagtanong din kung saan…
Lugar Na Babagsakan
Ang impala na miyembro ng pamilya ng mga antelope, ay kayang tumalon nang hanggang lampas tatlong metrong taas at sampung metrong layo. Hindi iyon kapani-paniwala, pero siguradong mahalaga iyon para sa kaligtasan ng buhay nila sa Africa. Pero sa mga zoo, makikita mong nakakulong ang mga impala at nahaharangan ng pader na wala pang isang metro ang taas. Paano sila napipigilan…
Ang Kabuoan Ng Buhay
“Maraming puwedeng itanong ang isang batang artist,” sabi ng mang-aawit at kompositor na si Linford Detweiler ng grupong Over the Rhine. “Ang isa ay, ‘Ano ang dapat kong gawin para sumikat?’ ” Sinabi niya na ang ganoong layunin ay parang “pagbubukas ng pinto sa lahat ng mga nakakasirang puwersa mula sa loob at labas.” Pinili nila ng asawa niya ang…