Ipasa Ang Katotohanan
Dahil sa panganib ng COVID-19, hindi nakapagkita nang personal ang mga maglolo at maglola. Maraming gumawa ng bagong paraan para makakonekta. Isang survey ang nagpakita na maraming may-edad ang nasanay na sa pagte-text at social media para lang manatili ang koneksyon nila sa mga apo nila. May mga sumamba pa nga kasama ang mga pamilya sa pamamagitan ng video call.
Isa sa pinakamagagandang…
Dalawang Bahay
Para subukin ang tibay ng dalawang bahay, ginaya ng mga inhinyero ang lakas ng Category 3 na bagyo gamit ang malalaking bentilador na gumawa ng hangin na may bugsong 100 mph kada minuto. Ang unang bahay ay hindi ayon sa building code para sa bagyo, at ang pangalawa ay may pinatibay na bubong at sahig. Naalog ang unang bahay at nagiba, pero…
Nagliliwanag Na Manlalakbay
Sa ilalim ng panggabing langit, nag-surf ang ilan sa ibabaw ng mga nagliliwanag na alon sa baybayin ng San Diego. Ang mga ilaw na iyon ay dulot ng maliliit na organismo na tinatawag na phytoplankton, isang pangalan na galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “manlalakbay.” Sa umaga, hinuhuli ng mga ito ang liwanag ng araw at ginagawang chemical…
Kasing Tatag Ng Bakal
Kilala ang ironclad bettles sa matigas na balat na nagpoprotekta sa kanila. Kahit madaganan ng mabibigat na bagay, nababanat lang imbis na mabasag ang matibay nitong balat. Ayon sa mga siyentipikong eksperimento, kaya nitong mabuhay kahit madaganan ng bagay na 40,000 na beses ang bigat kaysa rito.
Kung paanong ginawa ng Dios na sobrang tibay ng salagubang na ito, binigyan Niya…
Mahabaging Ama
Pagkatapos alisan ng tumor sa utak, naiwan ang kitang-kitang peklat sa gilid ng ulo ng walong taong gulang na si Gabriel. Nang sabihin ng bata na pakiramdam niya ay halimaw siya, nagkaroon ng ideya ang tatay niyang si Josh: ipakita ang pagmamahal sa anak sa pamamagitan ng pagpapalagay ng tattoo sa gilid ng ulo, katerno ng peklat ni Gabriel.
Sabi ng salmista,…
Ang Nagpabago Ng Buhay Ko
Ayaw ng pitong taong gulang na Thomas Edison sa paaralan. Isang araw, natawag pa nga siyang “lito ang isip” ng isang guro. Umuwi siya. Pagkatapos makausap ang guro niya, minabuti ng kanyang ina na turuan na lang siya sa bahay. Sa tulong ng pag-ibig at paghikayat ng nanay niya (at ng pagkahenyo na regalo ng Dios), naging isang dakilang imbentor…
Durog at Maganda
Sa unang tingin, inisip kong ang ipininta ni Makoto Fujimura na Consider the Lilies ay simple lang. Pero nabuhay ang larawan nang malaman kong ipininta iyon gamit ang 80 na patong ng dinurog na mineral sa isang istilo ng sining na tinatawag na Nihonga, o “mabagal na sining.”
Habang tinitingnan, mas nakikita ang patung-patong na pagkakumplikado at kagandahan niyon. Ipinaliwanag ni…
Talinghaga Sa Pag-aasawa
Matapos ang 22 taon ng pagsasama, minsan napapaisip ako kung paano gumagana ang kasal namin ni Merryn. Manunulat ako; statistician siya. Mga salita ang tinatrabaho ko; siya numero. Galing kami sa magkaibang mundo. Sinusubukan ko ang mga bagong pagkain sa menu; siya pareho pa rin ang oorderin. Pagkatapos ng 20 minutos sa art gallery, nagsisimula pa lang ako; pero si Merryn…
Biyaya Kapag May Pagsubok
Nalumpo si Annie Johnson Flint dahil sa matinding arthritis ilang taon lang pagtuntong niya ng high school. Hindi na siya nakalakad at umasa na lang siya sa iba para sa mga pangangailangan niya. Dahil sa kanyang mga tula at awit, marami siya laging bisita, kasama na doon ang isang diyakonesa na pinanghihinaan ng loob sa paglilingkod nito. Nang umuwi ang bisita, sumulat…
Si Monstro Na Isang Goldfish
Nasa isang pet store si Lacey Scott nang mapansin niya ang malungkot na isda sa ilalim ng tangke. Nangitim na ang kaliskis nito at madaming sugat sa katawan. Niligtas ni Lacey ang may-edad nang isda at tinawag na “Monstro,” galing sa pangalan ng pating sa Pinocchio. Inilipat niya ito sa isang “ospital” na tangke at pinalitan ang tubig niyon araw-araw. Hindi…