Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ang Bagong Gawain

Nanloloob ng bahay, kotse, convenience stores, at nakikipagaway sa ibang gang ang binatilyong si Casey – pinuno ng isang gang – at ang mga tagasunod niya. Kinalaunan, nahuli ng pulis si Casey. Sa kulungan, naging shot caller siya – taga-bigay ng mga gawang-bahay na patalim kapag may kaguluhan sa kulungan.

Minsan, nabartolina siya at habang nagmumuni-muni doon, naranasan ni Casey…

Inaawitan Ka Na Dios

Labingpitong buwan matapos ipanganak ang aming panganay— lalaki—ipinanganak naman ang babae. Masayang-masaya ako na nagkaroon din kami ng anak na babae, pero hindi rin ako mapakali. Kaunti lang ang alam ko tungkol sa batang lalaki pero wala akong kaalam-alam tungkol sa batang babae. Sarah ang ipinangalan namin sa kanya at gustong-gusto kong idinuduyan siya para makatulog habang nagpapahinga ang misis…

Nakikinig Ba Ang Dios?

Noong miyembro ako ng grupong nangangalaga sa kongregasyon ng simbahan namin, isa sa mga tungkulin ko ang ipagdasal ang mga kahilingang sinusulat nila sa kard na nilalagay namin sa upuan. Para sa kalusugan ng tiyahin, para sa pananalapi ng mag-asawa, para makilala ng apo ang Dios. Bihira akong makarinig ng kinahinatnan. Walang pangalan ang karamihan ng kard at wala akong…

Ang Layon Sa Paghihirap

“Ibig sabihin, maaaring hindi ko ‘yon kasalanan?” Nagulat ako sa sinabi ng babae. Bilang panauhing tagapagsalita sa simbahan nila, pinag-uusapan namin ngayon ang ibinahagi ko nitong umaga. Sabi pa niya, “Mayroon akong malalang sakit. Nagdasal ako, nag-ayuno, inamin ko rin sa Dios ang mga kasalanan ko, at ginawa ko na ang lahat ng sinabi na kailangan kong gawin para gumaling.…

Ang Hinirang

Sa Sri Lanka may tinatawag na tuk tuk, taxi ito na may tatlong gulong. Isang uri ito ng transportasyon na maginhawa at kasiya-siya. At para kay Lorraine na nakatira sa Colombo, isa rin itong lugar kung saan puwedeng makapaglingkod sa Dios. Isang araw na sumakay siya sa tuk tuk, nakita niya na masayang nakipagusap sa kanya tungkol sa relihiyon ang nagmamaneho…

Ang Pagsubok

Sa unang pagkakataong isinama ko ang mga anak ko para akyatin ang Colorado Fourteener – bundok sa Colorado na 14,000 talampakan o higit pa ang taas – kinabahan sila. Kakayanin ba nila? Handa na ba sila dito? Makailang ulit tumigil ang bunso para magpahinga at sinabing, “Tatay, ’di ko na po kaya.” Pero paniwala ko na makakabuti ang pagsubok na…

Salita, Tiwala, Damdamin

“Huwag magsalita, huwag maniwala, huwag makaramdam ang naging batas ng buhay namin,” sabi ni Frederick Buechner sa Telling Secrets, ang makapangyarihang talanggunita niya, “at kawawa ang susuway dito.” Nilalarawan niya ang kanyang karanasan sa tinatawag niyang “batas (na ’di nakasulat) ng mga pamilyang nawala sa ayos, sa kung ano mang kadahilanan.”

Sa sarili niyang pamilya, ibig sabihin ng “batas” na…

Matatalinong Cristiano

DingTalk app ang tugon ng mga guro sa Tsina nang makansela ang klase sa mga paaralan dahil sa pandemya ng COVID-19. Sa pamamagitan ng app na ito, puwedeng makapagklase gamit ang internet. Nalaman ng mga mag-aaral na kapag sobrang mababa ang marka sa app, maaari itong matanggal sa app store kung saan puwedeng makuha ang DingTalk. Sa isang magdamag, nagkaroon ng libu-libong one…

Mabuhay Para Magsilbi

Nakatanggap ang sampung taong gulang na si Chelsea ng magarang ‘art set’ (mga gamit pang ‘art’ tulad ng pangdrawing, pangkulay). Dito niya nabatid na ginagamit ng Dios ang sining para pagaanin ang kalungkutan niya. Naisip niyang bigyan din ang mga batang walang gamit pang-‘art’. Para sa kanyang kaarawan, sinabi niya sa mga kaibigan na ‘wag siyang bigyan ng regalo. Sa halip, inanyayahan…

Pag-aaral Ng Biblia

Sa Knowing God na isang mahalagang akda ni J.I. Packer (1926-2020), binanggit niya ang apat na kilalang taga-sunod ni Cristo na tinagurian niyang “beavers for the Bible.” Hindi pormal na nag-aral para maging dalubhang sa Biblia ang ilan sa kanila, pero masinsin nilang kinikilala ang Dios sa maingat na pagnguya ng Kanyang salita: tulad ng hayop na beaver, masipag sa paghukay sa…