Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Sino Ang Dapat Tulungan?

Sa loob ng apatnapu’t dalawang taon, patuloy na inilalapit ni Clifford Williams sa korte ang kaso niya para makalaya siya. Pero nabigo lang siya. Nahatulan kasi siya ng kamatayan sa salang pagpatay na hindi naman niya ginawa.

Nalaman ng abogadong si Shelley Thibodeau ang tungkol sa kaso ni Williams. Nalaman din ng abogado na walang sapat na batayan ang kaso…

Kinupkop Ng Dios

Noong 2009, pinalabas ang pelikulang The Blind Side na hango sa buhay ni Michael Oher na walang permanenteng tirahan at palabuy-laboy lamang. Kaya may isang pamilyang kumupkop sa kanya. Inalagaan at pinag-aral din siya ng mga ito. Tinulungan din nila si Michael na maging mahusay sa larong football. Sa isang eksena ng pelikula, ipinahayag ng pamilya na nais na nilang ampunin…

Mahalaga Ang Bawat Buhay

Hinahanap ko noon ang singsing ko sa kasal at anibersaryo ng bigla akong maiyak. Isang oras na kasi kami ng asawa kong si Alan, naghahanap at naghahalughog sa aming bahay. Sinabi tuloy ni Alan, “Pasensya ka na. Papalitan na lang natin ng bago.” “Salamat,” ang sagot ko. “Pero ang halaga nila ay bukod pa sa presyo nila. Wala silang kapalit.”…

Paghinto Sa Inggit

Sa pelikulang Amadeus, tinugtugan ng composer na si Antonio Salieri ang bumibisitang pari ng ilan sa kanyang mga sariling katha. Nahihiyang inamin ng pari na hindi pamilyar ang mga tugtuging ito sa kanya. “Itong isa?” Sabi ni Salieri, habang tumutugtog ng pamilyar na melodiya. “Hindi ko alam na ikaw pala ang sumulat niyan,” sabi ng pari. “Hindi ako ang sumulat niyan,”…

Si Jesus Ang Ating Kapayapaan

Si Telemachus ay isang mongheng nagkaroon ng payak na pamumuhay. Taliwas ito sa kanyang naging pagkamatay na nag-iwan ng malaking pagbabago. Sa pagbisita niya sa Roma, tinutulan ni Telemachus ang madugong laro sa arena ng mga gladiator. Tumalon siya sa loob ng istadyum at sinubukang pigilan ang mga manlalaban sa pagpapatayan. Ngunit nagalit ang mga manonood at binato siya ng…

Makapangyarihang Pagmamahal

Noong taong 2020, ikinagulat ni Alyssa Mendoza ang natanggap niyang e-mail galing sa kanyang ama. Nakalagay dito ang mga tagubilin kung paano pasasayahin ang kanyang ina sa araw ng kanilang pang-dalawampu’t limang anibersaryo. Ano ang nakakagulat dito? Walong buwan na ang nakakalipas nang pumanaw ang kanyang ama. Napagtanto niyang sinulat at itinakda ng kanyang ama ang e-mail bago ito mamatay. Nakatakda rin…

Ngiti Ng Pag-asa

Kapag nasa labas si Marcia, sinisikap niyang ngitian ang mga nakakasalubong niya. Ito ang kanyang paraan upang makatulong sa mga taong maaaring nangangailangan ng kaibigan. Madalas naman siyang masuklian ng ngiti. Ngunit nang maging mandato ang pagsusuot ng facemask, nabahala siya dahil hindi na makikita ng mga tao ang kanyang bibig. Ibig sabihin, hindi na rin nila makikita ang kanyang…

Namumulaklak Para Kay Jesus

Hindi ako naging tapat sa aking anak. Binigyan niya kasi ako ng packaged bulbs ng tulips, mula Amsterdam, na magagamit ko upang magtanim ng tulips sa aking hardin. Nagpanggap akong masaya at sabik sa pagtanggap ng tulips kahit hindi ko naman ito paboritong bulaklak. Maaga itong mamulaklak ngunit mabilis ding malanta. Sumabay pa ang init na dala ng buwan ng Hulyo kaya napakahirap…

Totoong Nararamdaman

Gustong magkaanak ng mag-asawang Lara at Dave ngunit ayon sa kanilang doktor, hindi ito maaari. Nang ikinuwento ito ni Lara sa kanyang kaibigan, sinabi niya na, “Nasasabi ko ang totoo kong nararamdaman sa Dios tungkol sa bagay na iyon.” Naikuwento rin nila iyon sa kanilang Pastor at nabanggit niya ang isang grupo sa kanilang simbahan na tumutulong sa mga gustong…

Iniingatan Ng Ama

Noong 2019, sinalanta ang ng Bagyong Dorian ang bansang Bahamas. Nagdulot ang bagyong iyon ng matinding pag-ulan, malakas na hangin, at pagbaha. Sobrang napinsala ang buong lugar kasama ang mga mamamayan nito at isa doon si Brent.

Bulag man si Brent, alam nitong kailangan pa rin nilang lumikas ng kanyang anak na may cerebral palsy upang maging ligtas. Maingat niyang inilagay…