Alam Ng Dios Ang Makakabuti
Minsan, pinanood ko ang aking apo na maglaro ng volleyball. Sa tuwing napupunta sa kanya ang bola, para bang nagiging mabuti ang laro ng kanilang mga miyembro at nakakapuntos sila. Tuwing napupunta sa apo ko ang bola, sinusubukan niyang pagandahin ang kalagayan ng kanilang laro.
Ganito rin naman ang ginawa ni Propeta Daniel kasama ng tatlo niyang kaibigan. Nang bihagin…
Unahin Mo Ang Iba
Isang video game ang sikat na sikat, nilalaro iyon ng daan-daang manlalaro. Sa larong iyon, matira ang matibay at kung matalo ka naman, maaari mong mapanood ang mga natitirang manlalaro. “Kapag pinapanood mo na silang maglaro, parang ikaw na rin ang naglalaro. Mararamdaman mo ang halo-halong emosyon. Nagsisimula ka nang ilagay ang sarili mo sa lugar ng manlalaro at maiintindihan…
Aalagaan Ka
Minsan, iniwan sa isang pagamutan ng mga hayop ang pusang si Radamenes. Malubha na ang kalagayan ng pusa kaya akala ng nagmamay-ari sa pusa na mamamatay na ito. Pero hindi nagtagal, gumaling din si Radamenes at inampon na siya ng isang doktor doon sa pagamutan. Naging isang tagapangalaga si Ramadanes ng mga hayop doon sa pagamutan. Sa pamamagitan ng pagtabi…
Huminahon Ka
Isang dalubhasa sa kasaysayan at tagapagbalita si Lucy Worsley. Dahil sa uri ng kanyang trabaho, madalas siyang makatanggap ng mga masasakit na salita mula sa mga manunuod. “Hindi ko kayang pakinggan ang paraan mo ng pagbabalita, para kang tinatamad magsalita. Pagandahin mo pa ang iyong pananalita”. Ito ang komento ng isang manunuod sa internet tungkol kay Lucy.
Para sa ibang…
Nangako Si Jesus
Humahagulhol si Jason nang iabot siya ng kanyang mga magulang kay Amy na siyang magbabantay sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na mahihiwalay sa kanyang mga magulang ang dalawang taong gulang na si Jason. Kailangan kasing dumalo sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus ang magulang ni Jason.
Marami namang ginawang paraan si Amy para tumahan sa pag-iyak ang bata.…
Ikinulong Sa Takot
Noong taong 2020, nagkaroon ng matinding pandemya. Kumalat sa buong mundo ang coronavirus na nagdulot ng takot sa mga tao. Maraming tao ang dumaan sa quarantine at mga bansang nakalockdown. Kaya naman, sinabi ni Graham Davey isang dalubhasa sa paggamot ng mga taong labis ang pag-aalala, “Lubos na nagdudulot sa mga tao ang mag-alala at mabalisa kung patuloy silang manonood…
Kahirapan at Kahabagan
Noong anim na taong gulang pa lamang si James Barrie, namatay ang kuya niyang si David. Namatay si David sa isang aksidente. Sa mga nagdaang taon, lubos na nangulila ang kanyang mga magulang. Pero naisip din ng mga magulang ni James na mapalad ang kanilang anak na si David dahil hindi na ito haharap sa mga pagsubok sa buhay. Sumulat…
Mga Bintana
Minsan, nagtanong ang isang dayuhan sa isang nayon na nasa paanan ng Bundok ng Himalayas. Nagtanong ito sa taong gumagabay sa kanya paakyat ng bundok kung bakit karamihan sa mga bahay doon ay walang mga bintana. Sinabi naman nito na natatakot ang mga nakatira roon na baka pasukin ang bahay nila ng mga demonyo.
Kaya naman, mapapansin mo rin daw…
Kakayahang Magpatawad
Muling pinagbulayan ni Beata kung paano niya nagawang patawarin si Manasseh na pumatay sa kanyang asawa at ilang anak. Sinabi ni Beata, “Hindi ko siya napatawad sa sariling kakayahan ko. Sa halip, sa tulong ni Jesus na siyang nagpatawad sa akin ang dahilan kung bakit nagawa ko siyang patawarin. Katulad ng pagtatagumpay ni Jesus sa krus, nagawa ko ring magtagumpay.”…
Bigat Na Dinadala
Nagpalaro si Karen na isang guro sa kanyang mga estudyante. Tinawag niya ang larong ito na “Baggage Activity” na kung isusulat ng mga estudyante sa isang papel ang kanilang mga nararamdamang kasalukuyang nagpapahirap sa kanila. Ginawa ni Karen ang larong ito upang maunawaan ng kanyang mga estudyante ang isa’t isa.
Hindi man alam ng mga estudyante niya ang mismong nagsulat ng…